CHAPTER 19
Hinihingal na umupo ako. It's another and boring day dito sa BHO. Wala si Ice dahil pinatawag siya ni Kuya Warren. Ako naman nandito sa training room.
Tumayo ako ulit ng dahan-dahan. I'm currently few feet above the ground. Though may safety precaution naman ako kaya hindi ako natatakot na mahulog. Imposible atang mapahamak ako habang nasa loob ako ng BHO. Lahat ng tao sa loob nito puro security buff. Mana sa mga magulang namin na paranoid basta tungkol sa security ng buong BHO.
Kung tutuusin safe pa nga tong ginagawa ko. Mas mahirap pa nga ang ginawa ng ibang mga agents dati like pag-akyat sa mga matataas na building o kahit na anong lugar. Nasubukan ko na yon dati, sa mga past mission ko. Pero I'm sure matataranta na naman si Ice kapag nakita ako sa ganitong ayos. I wonder kung kailan kami magkakaron ng magkahiwalay na mission. I mean, I love being with him pero gusto ko din na kumilos ng wala siya.
Mas madali kasing magtrabaho kung hindi kami magkasama. Hindi kami ma-didistract. Kung magkahiwalay kami mas magiging focus kami sa mission.
Tumingin ako sa harapan ko. Kasalukuyan akong tumatawid sa mga nakasabit na boulder na may iilang pulgadang pagitan sa isa't-isa. Hindi pantay-pantay at hindi din pare-pareho ang sukat ng mga tinutungtungan ko. Making it more difficult.
Mabuti narin itong training sa akin. Para sa isang bagay ko lang mabuhos ang temper ko. Minsan kasi hindi ko makontrol ang emosyon ko. The other members called it my Alter Ego Mode. Ang sabi ni mommy dahil daw iyon sa nangyari noong bata pa ako. When I had to saved Ice from psychotic person na baliw na baliw kay Tita Kat.
I was young but I need to protect Ice since he's unconscious that time. Matagal na iyon but of course it still hunts me.
Tumalon ako at nakahinga ako ng maluwag ng nakakapit ako sa gilid ng boulder. Iyon nga lang mahirap umakyat dahil wala naman akong kakapitan maliban yon at saka ang tali sa gilid.
"Woo! Hulog na yan."
Hindi ko pinansin si Autumn na kasalukuyang nauna sakin at hindi nalagpasan to. Mahirap kasi. Lalo na kapapanganak pa lang ni Autumn at syempre mas petite ako kesa sa kaniya. Naiinggit nga kami ni Ate Wynter sa katawan niya, curvy.
Huminga ako ng malalim. Pinilit kong i-angat ang mga kamay ko. Nararamdaman ko na sumasakit na ang balikat ko pero kaya ko pa naman.
"Pustahan mahuhulog yan. Five thousand." sabi ni Autumn.
Pinatulan ito ni ate Wynter. "Bitter ka lang. Sige pusta makakaakyat si Summer."
Napailing na lang ako. Inabot ko ng paa ang boulder na kinapapatungan ko kanina. Gumalaw yon dahilan para mawalan ako ng tinatapakan pero bago yon, naitulak ko na ang sarili ko paangat.
"Ang galing ko talaga! Pakiss nga Darling. Kita mo yon? Nasan ang five thousand ko, Autumn?"
"Psh. O."
Tumingin ako sa baba at nginisihan ko sila. Kumindat sakin si Ate Wynter na parang sinasabi na ililibre niya ako mamaya. Dapat hindi BHO girls ang tawag sa kanila eh. Bored Housewives. Wala na atang ginawa kundi pagtripan ang mga walang kamalay-malay na mga agents. Sa tagal na namin na magkasama, kilalang-kilala ko na sila.
Feeling ko nga bata pa lang kami nakatakda na kung sino ang makakatuluyan namin. Pero okay narin. Mas lalong tumitibay yung bond namin bilang magkakaibigan at magkakapamilya.
Nag focus na ako don sa ginagawa ko. Umupo muna ako sa isang boulder. Napatingin ako sa pintuan at napangiti ako ng pumasok si Ice.
"Nasan si Summer?"
"Ayon Kuya, O."
Nag-angat ng tingin si Ice at nanglaki ang mga mata niya ng makita ako. Kinawayan ko siya habang nakatulala parin na nakatingin siya sakin. Inugoy ko pa ang inuupuan ko na parang nasa swing lang ako. Masarap pala na nasa ganito. Nakakarelax. Makapagpalagay nga sa kwarto namin ni Ice ng swing.
"Summer! Get down!"
"Ayaw. Mamaya na kapag tapos na ako."
"Summer.."
Ngumisi ako. Kinausap niya si Kael sa isang gilid at mukang aakyat din siya. Pero umiling si Kael kaya si Kuya Rain naman ang nilapitan niya na hindi din pumayag. Bakit ba tensyon na tensyon siya? As if naman may mangyayaring masama sakin dito.
Impossible yon dahil hindi naman ako pababayaan ni Kuya Rain. Malalagot siya kay daddy at kay mommy kapag napahamak ako.
Nagsimula na naman akong tumalon. Stretching my hands at the same time na umaangat ang katawan ko para maabot ko ang next boulder. Paulit-ulit kong ginagawa iyon habang nag babalance ako para hindi ako mahulog.
Tumingin ako sa baba at tinignan ko si Ice. Kasalukuyan siyang nakatingin sa akin at sumusunod . Ngumiti ako sa kaniya at infairness to him, pinilit niyang ngumiti pabalik kahit na alam kong kinakabahan siya para sakin.
Nasa baba ng boulder na tinutungtungan ko ang last boulder. Mahirap siya dahil this time wala na akong kakapitan. Kailangan kong tumalon doon. Huminga ako ng malalim..
Then I jump
"s**t!"
Napakagat labi ako habang binabalanse ko ang sarili ko. Muntikan akong dumulas. Hindi pala boulder ang tinutungtungan ko. A cylinder huge metal. Pabilog yon kaya pakiramdam ko dudulas ko and
I did.
Hindi ako gumawa ng ingay habang bumabagsak ako. Hihilahin naman ako ng tali kaya hindi ako tatama sa sahig. Para lang akong nag bungee jumping. Pumikit ako. Iisipin ko na lang angel ako na nadulas at bumagsak mula sa langit. Though I'm far from being an angel.
Kumunot ang noo ko at napadilat ako ng may maramdaman akong sumalo at yumapos sakin. Idinilat ko ang mga mata ko at sumalubong sakin ang mga mata ni Ice.
"Knight with shining armor ba ang trip mo ngayon? Pasalamat ka hindi ka nabalian."
"Nahulog ka."
"Hello? May nakakabit kaya saking rapel. Hindi ako mapapahamak, you know that."
"It's an instinct Summer. You fall and I'll catch you."
Binaba ako ni Ice as sinimangutan niya ako. Itinaas niya ang mga braso ko na parang kakapkapan ako at pagkaraan ay pinadaan niya sa magkabilang gilid ko ang dalawa niyang kamay hanggang sa legs ko. Mukang chinechec niya kung ayos lang ako...
O nananantsing na siya?
"Anong ginagawa mo?"
"Chinecheck ko lang kung wala kang kahit na anong bali o kaya sugat."
Natatawang kinurot ko siya sa pisngi. Kung hindi ko lang mahal ang taong to matagal ko na siyang sinakal. Masyadong overprotective. Alam naman niyang hindi ako pwedeng hindi kumilos o magtrain dahil baka lalo akong mapahamak sa oras ng mission.
"I love you." bulong ni Ice.
"I hate you."
Nagpout siya at paismid na tumalikod siya sakin. Inaangat niya ang tuhod niya hanggang sa level ng bewang niya at ibinabagsak niya rin yon habang naglalakad. Version niya ng pagdadabog.
Natatawang hinila ko siya palapit sakin. Hindi ko na lang pinansin ang mga nakatingin samin na I'm sure isa sa kanila ay kasalukuyan kaming pinipicturan. Kunwari hindi ko napapansin ang obvious na obvious na acrobatic couple na nagtatago pa sa likod nila Kuya Rain habang pinipicturan kami ni Ice.
"Joke lang. Love you."
Kinikilig na ipinagsalikop niya ang mga kamay niya tapos nag beautiful eyes. I think you get the picture right? Parang inasinan na bulate na sumiksik siya sakin. Ang pagkakaiba lang hindi nangangaggat ng tenga ang bulate.
Not exactly kagat na masakit. He nibbled it then flicked his tongue. Nilingon ko ang mga kasama namin at mukang wala naman silang napansin na kakaiba. Hindi siguro nila nakita ang ginawa ni Ice o normal lang para sa kanila yon.
"I LOVE YOU TOO-"
"Shh!" saway ko sa kaniya.
Tinakpan ko yung bibig niya at hinila ko siya paalis. Mamaya may gagawin na naman siyang kababalaghan at makarating pa yon sa mga orignal elites. Mga tsismoso ang mga yon sa pangunguna ng daddy ko na sakit ng ulo ng mommy ko.
Hinila ko siya hanggang makarating kami sa kwarto namin. Saglit na nadistract ako ng makita kong nakaayos ang dining table sa loob. Naka set yon at may candle pa. Napangiti ako ng may makita akong mga petals na alam kong galing lang sa garden ng BHO dahil iba'iba pa ang kulay.
But I love it though.
"Candlelight lunch?" natatawang tanong ko sa kaniya.
"Para sweet. Ako ang nagluto niyan."
Napangiwi ako pero tumango na lang ako. Wish ko lang maayos ang luto niya pero I doubt it. Nevermind.Mahal ko naman ang taong to kaya pwede narin.
Umupo kami at binuksan ko ang nakatakip sa lalagyan ng ulam. Napakamot ako sa pisngi ko at tinignan ko ang expectant na si Ice na kasalukuyang inaabangan ang reaction ko habang nakatingin ako sa sinigang niya na manok ang ginamit. Meron ding piniritong manok na okay na lang din. Tinignan ko ang gravy para sa manok..
Fine..hindi okay. Parang toyo lang yon na malapot.
Ang dessert namin, sosyal. Turon na malapit ng kumawala ang saging don sa pagkakabalot.
Nilingon ko si Ice at alanganing ngumiti ako. Kumurap-kurap siya habang ngiting-ngiti na hinihintay ang verdict ko. Uminom ako nung wine at nakahinga ako ng maluwag dahil masarap ang lasa.
"Ice I really appreciate the thought. I love it actually. Itatanong ko lang sana kung sino ang tumulong at nag turo sayo?"
"Si Chef Reese."
Tinungga ko yung wine. Kaya pala. Mukang pareho kami ng kahihinatnan ni Ate Hurricane sa walang pag-asa sa kusina ang mga asawa.
"Okay, kain na tayo?"nag-aalangang aya ko.
"Okay!"
Nagsimula na kaming kumain. Okay naman siya. Sa una parang ang weird lang kainin pero kung hindi mo na iisipin yung itsura okay naman. Mind over matter.
Saka luto to ni Ice kaya wala akong choice kung hindi pagtyagaan ito.
"Sarap?" tnaong niya.
"H-Ha? Oo."
Ngumiti siya.
Nang matapos na kaming kumain ay tumayo ako para magligpit. Pero hinila niya lang ako papunta sa kwarto namin. Napatili ako ng bigla niya akong binuhat at ibinagsak sa kama.
Nang-aakit na gumapang siya papunta sakin. Umatras ako pero pinigilan niya ang paa ko para hindi ako makawala. Tinaasan ko siya ng kilay ng magpantay ang mga muka namin.
"What?" I murmured.
"I love you and right now talagang nalaman ko kung gano mo ako kamahal."
"And how is that?"
"Kinain mo ang luto ko kahit hindi naman masarap."
Napangiti ako. At least alam niya. Pinadaanan ko ang pisngi niya ng hintuturo ko. His eyes darken na lalong nagpapangiti sakin. I really do have an effect on him.
Bumulong ako sa tenga niya. "So...anong gagawin natin?"
He nuzzled my neck and i cant help but moan. Kung may award lang para sa number one seducer baka sakaling nanalo na si Ice.
"Anong gusto mong gawin?"
"I-It depends on you."
His lips curved a smile on my neck. Pumitlag ako at kinagat ko ang balikat niya. Napaaray siya pero nabuntutan niya iyon ng tawa.
Humiga siya sa kamay sa tabi ko at hinila niya ako paibabaw sa kaniya. I straddled him at hinaplos ko ang pisngi niya. I love this man. I don't know what will I do kapag nawala siya sakin.
Maybe I'll go crazy.
"Ano ngang gagawin natin?" tanong ko ulit.
"I know you're tired so no love making. I just want to hug you. Umuulan eh."
"Connect?"
"Nothing. Doesn't make any sense but I want to hug you especially when its raining."
Natatawang pinagbigyan ko na lang siya. Some things doesn't need to make a sense. Cause senseless moment can be fun too especially with someone you love.
"Tuwing umuulan at kapiling kaaaaaaa!"
Napangiwi ako. "You know, I really love you pero kapag kinantahan mo pa ako ng ganiyan hihiwalayan kita."
Of course hindi totoo yon. Pero hinid talaga bagay sa kaniya kapag bumibirit siya. Para siyang trying hard na maging celine dion. Todo-todo pa. Buti na lang matibay ang mga salamin dito kundi nabasag na yon sa boses ni Ice.
"Baby.."
"O?"
"Ilan ang gusto mong baby?"
Napaubo ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya at seryosong nakatingin siya sakin. Should we really be talking about this? Yes we're married but we're both just starting again.
Masyado pang maaga.
"Ice, you have me, okay? It's just that I think its too soon."
"I'm serious about this so I'm asking what do you want for the future. Cause heaven knows there's no woman that I want to share my future with but you."
"Alam ko. We will talk about this. But not now."
Hindi siya umimik.
Napabuntong-hininga ako. Sumandal ako sa kamay ko habang nakatukod ang siko ko sa kama. Nakatingin lang siya sa ceiling habang nakatingin naman ako sa kaniya.
"Ice."
Hindi siya sumagot. Nagtatampo na yan.
"Ice hindi naman ibig sabihin non hindi ko gusto kong magkaanak. But okay if you really want to know, I just want one baby...a boy. I'm not afraid na malulungkot siya dahil sa dami ng bata dito"
Napatingin siya sakin at ngumiti. "Okay, one baby. We'll work on that."
"When?"
"Kapag nakapagpahinga ka na. Meaning, bukas."
"Bakit bukas?"
Sumimangot ako. Bakit bukas pa? Hindi naman ako masyadong napagod. Actually may natitira pa nga akong energy kaya pwede pa naman-
Damn. Stop it Summer.
"Para mas marami kang energy para sakin bukas. Wala tayong mission that means I have you all for myself." sabi niya.
"Fine, fine."
"Gusto mong kantahan kita habang natutulog ka?"
"No."
"Sure ka?"
"Very sure Ice. Ang besides ang aga pa. Ayoko pang matulog. Marami pa akong energy kaya hindi ako makakatulog."
"Hmm."
Nanglaki ng mga mata ko ng pumaibabaw siya sakin. My lips parted ng sinimulan niyang tanggalin ang damit niya.
"What are you doing?"
"We'll gonna put your energy to good use."