CHAPTER 18
Kinakagat ko yung lapis na hawak ko habang may hawak ako na folder. Mission namin dalawa ni Ice. Kabibigay lang sa akin ni kuya to kanina.
Kasalukuyang nakayakap sakin si Ice habang nakikibasa din sa folder na hawak ko habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. Pinabayaan ko na lang siya dahil wala na naman akong magagawa dahil trip niya na namang mangulit.
Ang hindi ko lang maignora eh yung mga taong kasalukuyan kaming tinititigan na parang science experiment kaming dalawa ni Ice.
"Stop ogling, guys."
Nag-angat ako ng tingin at napailing ako ng makita kong lahat sila nakatingin samin. Come on, kailangan may titigang factor? Hindi ba pwedeng gawin na lang nila kung ano yung mga gagawin nila?
"End of the world na ba talaga ngayong 2012?" tanong ni ate Hurricane sa asawa niya.
"Baka nga."
"Kailangan na nating mag-impake sweetie. Pupunta tayo sa Cape Of Good Hope sa South Africa. Alam ko don yung last na lugar na matitira sa mundo." sabi naman ni Wynd kay Autumn.
"Mauna ka. Makipag-friends ka sa mga baboons don."
Bumuntong-hininga ako. Malala na talaga ang tama ng mga tao dito. Parang lahat sila hindi matatahimik hanggang hindi nalalaman kung anong nagbago samin ni Ice.
"Ano ngang meron dali?" untag sa amin ni ate Wynter na may hawak pang popcorn habang nakatingin sa amin.
"Wala." sagot ko.
"Weh?"
Dumating si Kuya Warren kasama si Ate Sophie na humahangos na lumapit samin. Mukhang excited din siyang makasagap ng tsismis dahil expectant ang pagkakatingin niya sakin.
Ang hirap sigurong maging nanay ng mga maliliit pa lang ay makukulit at pilyo at pilyang mga bata. Tsismis na lang ang nagiging past time nila.
"Anong meron? bat parang ang landi niyong dalawa?" kinikilig na tanong ni ate Sophie.+
"Ate, hindi kami malandi. We're not even doing anything-"-
Napatigil ako ng bigla silang nagtilian. Yung mga lalake nag appear. Maliban kay Kuya na nakatingin lang ng mataman kay Ice. The typical Kuya of course lalo na kapag nalaman niyang ang baby sister niya at gumagawa narin ng kamunduhan.
Siniko ko si Ice per sumaludo lang siya kay Kuya at lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sakin like he's telling me na Kuya doesnt bother him kahit na nararamdaman ko na kinakabahan siya. And its like he's telling everyone that he wont let go of me kahit na magalit si Kuya.
"We're married kuya..so.."
"Wala naman akong sinabi. Careful, Roqas. Kapag sinaktan mo ang kapatid ko kahit na kaibigan kita magtago ka na. Kasama niyang kakambal mo dahil pagsasamahin ko ang kaluluwa niyong dalawa."
"Hala, bat kasama ako! sweetie o!"
"Magkamuka kasi kayo kaya damay-damay. Ganiyan talaga ang buhay kaya maghanap ka na ng tataguan mo just incase."
"Hindi mo na ako love."
"Of course.....not. Pero kapag sinaktan ng kapatid mo ang pinsan ko ako mismo ang magcocombine ng mga kaluluwa niyo."
"Oy! Umayos ka Ice kundi lagot ka sakin."
Tumango-tango lang si Ice at napasinghap ako ng bigla niya akong hinalikan sa balikat ko. Napalingon ako sa kaniya at hinalikan na naman niya ako...sa labi.
"Woo! hanep! Picturan na yan ng maibenta sa e-bay!" sigaw ni Autumn na kaagad naglabas ng camera.
"Walang bibili niyan."
"Di din Kuya Rain. I'm sure bibilihin ni Ice lahat ng copy."
Napailing na lang si Kuya Rain sa sinabi ni Autumn. Well..cant help it. Mukang bumabalik ang pagiging mukang peso bill ni Autumn. Nahinto lang naman sandali yon dahil sa pagkahumaling niya kay Wynd.
"Ice."
"Yes, baby?"
"Kuha mo akong Ice Cream. Dali."
Nakangiting tumayo siya at nagpapacute na kumindat pa sakin bago tumatalon-talon na umalis. Sumunod sa kaniya si Wynd na inakbayan siya kaya pareho na silang tumatalon-talon.
Para silang si B1 at B2. Pagkakaiba lang hindi sila mukang banana.
"So...san nangyari?" tanong ulit ni Ate Sophie.
"Secret."
"Dali na saan!"
"Sa dagat."
Nag appear ang mag-asawang Reese at Hurricane. "Wooo! nagawa na namin yan!"
"Sa dagat, sa bamboo raft."
Napatigil sila. Saktong dumating sila Wynd na mukang narinig yung huli kong sinabi. Kumindat-kindat sakin si Ice. Si Wynd naman tumingin kay Autumn at ngumisi.
Fine fine, syempre sila parin ang First Place. Kahit ako hindi makapaniwala na nakaya nila sa motorbike gawin yon. I wonder kung saan kaming place ni Ice-
At kailan pa ako nagkaron ng interest sa competition na yon na hindi ko alam kung saan nagsimula? Masama na talaga ang impluwensiya sakin ng mga taong to.
"SA BAMBOO RAFT?! astig, narinig mo yon mishy?"
Napatingin kaming lahat don sa taong biglang nagsalita. Napaangat ang kilay ko ng makita ko si daddy na kasalukuyang kadikit sa isang grupo sila tita mishy. Para silang football team na tahimik na nag-uusap kahit na rinig na rinig naman namin sila.
"Anong place na?" tanong ni daddy kay tita Mishy.
"Second na to."
Hinilot ko ang sentido ko at ibinalik ko na ang tingin ko sa folder na hawak ko. Nandon sa counter sila daddy habang sila Tita Mishy at Tito Dale naman ay humanap ng pwesto na medyo malapit samin.
Mukang ayaw nila na malaman namin ang pagpapasya nila sa rank namin. Big deal na big deal talaga para sa kanila. Hindi ko nga alam kung anong price. Not that I'm interested..of course I'm not.
Right?
"Masakit ang ulo ng baby ko?" tanong ni Ice na bahagyang hinilot ang sentido ko.
"Medyo."
"Rest muna tayo?"
Tumingin ako sa kaniya at umiling. Ngiting-ngiti siya at kumikinang ang mga mata niya at mukang gusto niya akong hilahin palabas kaya I'm sure hindi naman pahinga ang gusto niya.
"Baka lalo lang sumakit ang ulo ko sa pinaplano mo."
"Inosente ako."
"Kailan pa?"
"Amm..ngayon-ngayon lang?"
Natawa ako. Napahinto lang ako ng parang tumahimik lahat ng tao sa dining hall. Maririnig ko na ultimo paglakad ng butiki sa kisame sa sobrang tahimik nila.
"What?"
"Shock lang ang mga yan. Pinatulan mo kasi ang pagpapacute ko."
I rolled my eyes. Marunong akong tumawah, duh? At saka natatawa din naman ako kay Ice dati. Siguro kasi ngayon wala ng kulang..buong-buong saya na.
Hindi ko alam na masyado palang keen observer ang mga tao dito. Masyado kasi silang busy sa mga love life nila kaya akala ko hindi nila kami masyadong napapansin.
"Whatever, hey here. May lakad tayo mamayang..."
Tumingin ako sa orasan ko. "Ngayon. May lakad tayo ngayon. Hurry up."
Tumingin ako kay Kuya Rain at tumango siya. Hinawakan niya ang kamay ni Ate Wynter at nauna na silang lumabas. Papunta siguro sa experiment department. Ako naman nagmamadaling inubos ang Ice Cream pero syempre hindi ko kaya, pinalapit ko si Ice at isinubo ko sa kaniya yung iba.
Mukang kinikilig naman si Ice at inipit pa ang imaginary long hair niya sa likod ng tenga niya bago tumingin sakin behind his eye lashes.
Hinila ko na siya papunta sa experiment department kung saan inabot samin ni Ate Wynter ang sa tingin ko ay dalawang Chameleon Black Suit. Pero ng tignan ko yon iba pala.
"Hindi yan Chameleon Black Suit. Tawag diyan Masquerade, dahil may isa pang meaning ang salitang Masquerade. It also means Concealment, Disguise or false outwards show etchetera etchetera."
Natawa ako sa itsura niya. Mula ng naging mag-asawa sila ni Kuya Rain parang lagi narin siyang nasa experimnt department. Though alam kong naninibago siya, alam ko din na masaya siya.
Kung saan nandon si Kuya Rain, nandon din siya.
"Isuot niyo muna at saka ko ipaliliwanag sa inyo. Isuot niyo lahat ng nakalagay diyan. Wag kayong mag-iiwan ng kahit na an. Rain darling bakit ba ako ang spokeperson mo?"
"May ginagawa pa ako."
"Sabi ko nga. Love you."
"Love you too."
Ngumisi ako at pumasok na ako sa comfort room. Sumunod sakin si Ice na ikinabigla ko pero pinabayaan ko na lang siya. Hindi naman siya nagkulit ng nasa loob kami.
Kumunot ang noo ko habang sinusuot ko ang damit. May sleeve yon na kulay itim. Tapos may stockings pa ako sinuot na black pero hindi ganong kadark, almost light brown. Ang ipinagtataka ko, mabigat sila. Parang Chameleon Black Suit.
Nagkatinginan kami ni Ice na nakasuot na ngayon ng simpleng Three Piece Suit na kulay itim. Mukang nagtataka din siya don sa bigat nung damit.
Yung boots sinuot ko narin pati ang gloves na kulay black. Hanggang wrist ko lang yon pero bumagay yon sa maikling dress na suot ko na hanggang kalahati lang ng hita ko..
Nang lumabas kami nilapitan ako ni Ate Wynter.
"Okay, mag e-explain na ko. Sa dulo ng sleeves mo Summer may button diyan. Dalawang button lang, yung isa para gumana ang Chamelon Software na meron ang damit na suot mo. You need to tie your hair up too. Kapartner niyan eto. It looks like an ordinary pretty fashionista shawl but its not. Try it...para dito ang isa pang button."
Ipinatong ko iyon sa ulo ko at isinampay ko sa balikat ang magkabilang dulo non. Mabigat. Tumingin ako kay Wynter at pinatry niya sakin ang button at hinila ako papunta sa wall at isinandal ako.
Pinindot ko ang unang button. Katulad ng Chameleon Black Suit, nag blend din ang suot ko sa kinasasandalan ko.
At ng pinindot ko ang kasunod na button ay ikinagulat ko ang naging resulta non.
Napasinghap si Ice at ganon din ako ng biglang may tumakip sa muka ko at sa mga mata ko na parang manipis na glass. Iyon ang purpose ng shall. It served as the mask. Mukang ang laki ng pinagkaabalahan ng experiment department ngayon. Pati ang stockings na suot ko naging entirely black siya hanggang sa mawala.
Umalis ako sa pagkakasandal ko sa pader at visible na ulit ako. Pinindot ko yung button at naalis narin ang takip sa muka ko. Inalis ko yung shawl.
Astig. So cool.
May hinila si Ate Wynter sa loob ng suit ni Ice. Sa bandang batok. Hood yon at katulad kanina sinandal siya ni Ate Wynter sa wall. May pinindot din si Ice, then he disappeared.
"Grabe. Ang gastos nito no?" namamanghang tanong ko.
"Medyo. Worth it naman. Dati kasi lalo na sa mga original elites lagi na lang talaga silang nakatago, mostly ginagawan nila ng paraan para hindi sila magpakita. Kaya lang sa ngayon kailangan na talaga at hindi niyo naman pwedeng isuot ang Chameleon Black Suit kapag nagpakita kayo."
Tumango-tango ako.
Nagsimula na akong gumawa ng plano sa utak ko. Kinuha ko ang black tablet na mukang ordinary. It have controls on its system na hindi basta-basta. Sunod kumuha ako ng Strike Gun at inilagay ko sa strap na nasa hita ko sa natatakpan ng suot ko. Then may kinuha ako na sniper rifle at ang stand non. It's black like coal pero may tint ng purple sa gilid, may ikinabit ako sa gilid non na itim na hugis puso.
"Hmm, looks like you have a plan if you're taking Baby Dominant." sbai ni kuya Rain na nakatingin sa akin.
Ngumiti ako. Tinignan ko si Ice. Mukang wala siyang clue about sa Baby Dominant. He smiled tenderly at me then he gave me a soft chase kiss na naging dahilan para ulanin kami ng kantiyaw mula sa mag-asawa.
KASALUKUYAN kong hawak ang tablet, kita don kung paano gumalaw ang Baby Dominant. Dahil gabi na at madilim nakatulong ang software na nakalagay don para makakita iyon sa dilim and it can also see pass through walls. Parang Vision.
Para lang akong naglalaro ng video game at yon ang iisipin ko ngayon gabi. Umikot ang Baby Dominant, scanning through the building na katapat kung saan ito nakalagay.
Naghiwalay kami kanina ni Ice. Nag bato-bato pick kami kaya siya ang kukuha sa mga babae na kasalukuyang binebenta sa mga sindikato and I'll get myself busy with the men.
"On stand by." narinig kong sabi ni Ice.
"Got it."
"Love you."
"I love you too."
"Focus Glaze and Flame. Mamaya na yan."
Napangiti ako sa sinabi ni kuya Rain. Tumingin ulit ako don sa tablet.. Actually madali lang tong mission na to. Pangtanggal boredom. Okay narin at least nakatulong pa kami. And of course hindi naman kami santo, may bayad ang serbisyo namin. The source came from a wealthy man. Isa sa mga babaeng ibebenta ay anak ng dati niyang girlfriend.
"Damn, they're everywhere." bulong ni Ice.
"That's not a surprise. I'm sure gusto nilang makasiguro na walang aatake sa kanila. Bullet proof ang mga glass ng hotel na to. Though I dont think kaya niyang pigilan ang Baby Dominant na kasing tibay ang bala ng Strike Gun."
"That's right, baby."
Sino kaya ang uunahin ko? Wala naman akong balak patayin sila. Though kasing tibay nga ng Strike Gun ang bala ng Baby Dominant hindi naman yon nag pe-penetrate sa skin. Kumakapit lang yon. Like little spider with sharp edges. Pagkatapos makakatulog ang kakapitan non. At kapag nagising sila, nasa kulungan na silang lahat.
"Okay..hmm..The Man in Red, ping!" sabi ko at may pinindot ako sa tablet. I watch the man go down.
"I want to kiss you right now."
"Stop distracting me."
Tinatamad akong gamitin yung Baby Dominant gamit ang kamay eh. Kidding. Actually mas maganda gamitin ang tablet. Parang video game nga at mas malinaw. Stress free pa dahil kitang-kita ko at hindi ko kailangan sumilip sa maliit na butas para makita ang mga nangyayari.
I'll have a bigger range.
"Now the one with blue shirt. Grabe parang may fiesta lang ah. Iba't iba ng kulay. Ang dali tuloy makita. Pero infairness yung iba mukang disente naman. Mayayaman. Kaya lang..mukang.." ibinitin ko pa ang sasabihin ko.
"Paa?"
"Right. Deformed na paa."
Tumawa si Ice pati na si Wynter na naririnig ko sa kabila ng listening device. Si Kuya Rain busy sa computer of course. Ganiyan naman yan kapag may mission. Si Ate Wynter lang ang makakadistract sa kaniya.
Inisa-isa kong patamaan ang mga nagkakagulong lalake. Napangiti ako ng may isang babae na sinipa ang isang lalake at nagmamadaling binuksan ang pinto.
That's her. Ila Gonzales.
May mga sumunod sa kaniya palabas. Naririnig ko yung mga yabag ni Ice. Alam kong siya na ang bahala para makatakas ang mga ito.
Hindi ako tumigil sa ginagawa ko hanggat hindi sila nauubos.
Kumunot ang noo ko at may binuksan akong isang tab. Nahack kasi ni Kuya Rain ang security camera sa katapat na building kung saan nandoon ang mga babae. Para makita ko kapag may umakyat sa kinaroroon ng Baby Dominant.
Kasalukuyang may mga lalake na umaakyat na ngayon.
Napatawa ako. Binaba ko na ang tablet dahil tapos na naman ako.
"Walang daan papunta sa likod. May mga nagbabantay. I can eliminate them kung wla lang ako na mga kasama ngayon." pagbibigay alam ni Ice.
Naririnig ko yung mga iyakan sa kabilang listening device. Siguradong natatakot na sila sa mga nanagyayari at alam ko din na hindi sila sigurado kung mapagkakatiwalaan si Ice.
"Dumaan kayo sa kusina. Mag alibi kayo. I'll meet you at the van." sabi ko.
"Got it. Be careful baka may paakyat na diyan-"
"Meron na nga."
"What?! Damn it-"
"Wala naman silang aabutan. Mukang hindi mo pa alam kung para saan ang Baby Dominant."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Later or Thunder will explain."-me
Napalingon ako ng wala sa oras sa gilid ko ng biglang may sumulpot sa tabi ko. Imbis na magulat ngumiti na lang ako don sa biglang sumulpot. A kid.
"What's that you're playing?"
"A shooting game."
Inilibot ko ang paningin ko at nakangiting tumayo ako. Nasa loob ako ng building. Exact building kung saan kasalukuyan sa taas ay tulog na ang mga lalakeng mukang paa. That's what Baby Dominant does. Gagamitin ko ang tablet at maglalaro roon at automatic na kikilos ang Baby Dominant mag-isa na iniwan ko sa katapat na building. It will self distruct soon dahil sa kinabit ko don kanina na Innocence. The black heart shape thing.
Ipapaliwanag ko na lang kay Ice mamaya.