Chapter 17

1152 Words
CHAPTER 17 Namula ako ng mapansin kong nakatingin samin ang mga kasamahan namin ng dumating kami para kumain. Sobrang late na kasi namin. Sa sobrang late, dinner na ang inabutan namin. Nagparoom service lang kami kanina.   Nilingon ko si Ice at ngingiti -ngiti lang siya. Maliban na lang ng mapatingin siya kay Xander at makitang sa tabi ni Xander na lang ang dalawang bakanteng upuan.   Hinawakan ko yung kamay ni Ice at halos kaladkarin ko siya para lang maupo siya. Gumitna ako sa kanila dahil pakiramdam ko bigla na lang silang magsasabong.   "Behave, Ice."   "Sabihin mo yan sa katabi mo."   "He's not doing anything. Ikaw tong parang bata."   Tumingin siya sakin at nagtatampong kumuha siya ng kutsara at tinidor bago tumingin sakin at inirapan pa ako. Napailing na lang ako at nagsimula narin akong kumain.   Napatingin ako kay Xander ng bigla niya akong abutan ng chicken, favorite ko yon. Ngumiti ako at ganon din ang ginawa niya. Napatigil lang ang pagngiti ko ng may humawak sa muka ko at pilit na binabaling ako sa kabilang side.   "Ice!"   "Sakin ka lang tumingin. Akin ka lang."   "Masti-stiff neck ako sayo. Saka hindi maganda ang view."   "Hey! Sa gwapo kong to hindi magandang view? Kapag naghubad ako dito makikita mo ang Seven Wonders of The World ng sabay-sabay. Hmm, kaya lang para sayo lang ang alindog ko kaya mamaya ko na ipapakita sayo."   Nakagat ko ng wala sa oras ang buto ng manok sa sinabi niya. Namula yung muka ko ng mapuno ng tuksuhan yung grupo namin.   Tinignan ko ng masama si Ice na kinindatan pa ako. Nag focus na lang ako sa kinakain ko dahil baka kung ano pa ang maisipan ko at bigla kong itali si Ice sa gitna ng pool at lunurin.   Nang matapos kaming kumain pinanood ko si Ice habang nakaharap siya sa mga kaibigan niya at nakikipagkuwentuhan. Lumingon ako kay Xander ng kinalabit niya ako.   "Hmm?"   "Gusto mo ng dessert?"   "What would you suggest?"   "Godiva chocolate brownie pudding."   Napangiti ako. Xander's been always facinated by pastries at kahit na anong matamis. Tumango ako sa kaniya at kaagad na sinabi niya sa waiter na lumapit kung ano ang gusto ko.   Napalingon ako sa kabilang side ko ng maramdaman ko ang aura ni Ice na alam kong kasalukuyang nakatingin sakin. Sa tagal ba naman na minemorize ata namin ang katawan ng isa't isa..it'll be a surprise kung hindi pa kami aware sa isat-isa.   "What?"   "Wag mong kainin yon baka may gayuma."   "Pare, ano bang problema mo?-"halatang naiinis na na tanong ni Xander.   "Enough. Both of you. Kapag hindi kayo tumigil magigising kayo isang umaga na ipinakasal ko na kayo sa isa't isa. So please? please behave?"   Nagtinginan sila ng masama. Hindi ko na sila pinansin at ibinaling ko na lang yung atensyon ko don sa dumating na dessert. Hinayaan ko na lang silang dalawang magtitigan.   Sunod- sunod na subo ang ginawa ko. Sarap. Mapag-aralan nga kung pano gumawa nito para naman masubukan ko sa BHO. Or rather mapapaluto na lang ako sa cook ng BHO.   Subo-subo ko pa yung kutsara nang mag-angat ako ng tingin.   Nagtititigan parin sila.   "Ano ba yan contest? Magkano ang prize? Tigilan niyo nga yan at baka magkainlove-an kayo diyang dalawa."   "Selos ka?" tanong ni Ice.   "No. Bahala kayo diyan. Marami pang guwapo diyan kaya maghahanap na lang ako-"   Napangisi ako ng sabay pa nila akong pinigilan. Tignan mo tong dalawang to. Magkakasundo naman sila kung gugustuhin nila. Xander is a great guy and so is Ice. Trip niya lang ata ngayon na gampanan ang pagiging selosong asawa. Depende naman yan sa mood niya baka bukas ang mood niya naman eh isang matimtimang virgin.   "So Ice kailan niyo balak magpakasal ulit ni Summer? Para naman mainvite kami."   Naningkit ang mga mata ko ng magsalita si Olivia. She smirked at me at lalong uminit yung ulo ko. Panira talaga ng mood ang babaeng to. Sumubo ako nung pudding para mabawasan yung mga violent thinking na naiisip kong gawin sa kaniya.   Napatingin ako sa kamay ko ng hinawakan ni Ice yon. He's reassuring me. Tumingin siya sakin at kinindatan ako bago niya ibinalik kay Olivia ang tingin na kasalukuyang nagsusumigaw na ang ekspresyon ng muka na 'naiinggit ako!'   "Sure. Actually we're planning to have a church wedding. Kaya lang kakakasal lang din namin kaya inienjoy muna namin ang honeymoon stage namin."   "Honeymoon stage? mamaya niyan magkasawaan na kayo bago pa kayo makasal sa simbahan."   "That would be impossible. Summer might get tired of me pero ako hindi. "   "Hmmm, lets see."   Kumunot yung noo ko sa tono ng boses ni Olivia. Sa tingin niya ba talaga kaya niyang akiting si Ice? eh di subukan niya. I would even watch her do it. I trust Ice. He wont do that to me again.   Ayos na kami ngayon. We trust each other and we love each other. We're married at baby na lang ang kulang, wala ng problema. Its just that may mga katulad parin ni Olivia na gusto kaming paghiwalayin.   Destiny might try to bring us apart but its still in our decision if we'll let it break us apart. Kami ang gagawa ng mga bagay na makakabuti samin at the same time nasamin din ang power para sirain ang relason namin.   And I think that wouldnt happen..not to us..not again.   "Eh ikaw Olivia. Wala pa ba sa isip mo ang magpakasal? hindi ka narin naman bumabata." sabi ko sa kay Olivia.   "No, not yet. May iniintay lang ako."   Tumaas ang sulok ng labi ko ng makita kong tumingin siya kay Ice na kasalukuyan namang nakatingin sakin at kinakalikot ang buhok ko.   Hindi tanga si Ixce. Alam niya kung kailan siya ginagamit. At kung sa tingin ni Olivia na ginamit niya si Ice non..then mali siya. Ice played her and she didn't even notice it.   "Kung ako sayo hahanap na ako ng asawa. Mamaya niyan madissapoint ka lang sa taong gusto mong sulutin- I mean hintayin."   Masama na ang pagkakatingin niya sakin. Pakiramdam ko gusto niya na akong sabunutan ng mga oras na to. Try niya lang para naman magkaron ako ng exercise bukod pa sa excercise na ginawa namin ni Ice kanina.   Come on, summer. Haller? galit ka sa babaeng yan kaya sa kaniya ka magfocus bago mo intindihin ang ginawa niyong kababalaghan ni Ice.   "I'm a very patient woman. I can wait. Beside mukhang cheap house lang naman ang tinutuluyan niya kaya hindi nababakuran maigi. Ang 'baba' ng bakod."     Ngumiti ako ng matamis sa kaniya.   "Ingat ka din kasi ang mga ganong bahay kadalasan ang maraming surprise. Malay mo may dalawang tigre pala ang nag-iintay sayo. Baka lumabas ka...deflated na yang silicon mo."   Napasinghap siya na ikinangisi ko lang. Narinig kong mahinang tumawa si Xander sa tabi ko habang si Ice naman ay hinalikan ako sa leeg..I can feel his lips forming a smile.   "That's my girl."   Ngumiti na lang ako kay Olivia na biglang tumayo at nagwalk-out. Nag bow ako sa mga kasama namin na kasalukuyang pinapalakpakan ako.   "I wonder kung anong problema niya at hindi siya makahanap ng lalakeng para sa kaniya. I mean ang obvious niya masyado ha? Yun pang may asawa." nakaingos na sabi ni Yoana.   "Hindi mo naman masasabing kulang sa atensiyon dahil spoiled brat nga yan. Lahat nakukuha. Masyado na atang na spoiled ang attitude niyan kaya ganiyan." napapalatak na dugtong ni Liana.   Sinubuan sila ng mga lovey duvey nila para tumahimik na sila bago pa bumalik si Olivia at marinig ang sinabi nila. Away tiyak yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD