CHAPTER 14
Muka kaming basang sisiw ni Ice ng makabalik kami sa pwesto nila Xander bandang pagabi na. Ang tagal kasi naming naglaro sa dagat. Lumipat kami papunta sa pool area. Sa di kalayuan nandon ang batch nila Ice. Nakita kong masama ang pagkakatingin sakin ni Olivia.
Whatever. As if naman may magagawa siya apra saktan ako. Baka lunurin ko pa siya.
Kung sabagay hindi siya lulubog, parang sinakop na kasi ng boobs niya ang buong katawan niya. Kaya I'm very sure lulutang siya dahil puro silicon lang naman ang laman ng katawan niya.
"Baby." agaw ni Ice sa atensyon ko.
"What?"
"Stop looking at her. Nagseselos na ko."
Nilingon ko siya. Sinalubong ako ng nakangiting muka ni Ice. Nagpout pa siya at nagpacute na parang pinapalabas na nagseselos nga siya. Like duh?
Kinurot ko siya sa pisngi at napasigaw naman siya. Ang cute niya kapag kinukurot ko siya. Namumula ang pisngi niya at parang iiyak na siya na ewan.
"Lagi mo na lang pinaggigilan ang pisngi ko."
"Ang cute kasi."
"Gwapo kaya ako."
"Weh?"
Sumimangot siya at parang gusto ng mag walk out. Natatawang kinurot ko uli siya sa pisngi then hinalikan ko ang pisngi na kinurot ko. Ang cute talaga.
Kuminang ang mga mata niya na prang christmas light. Nakatulala din siya habang nakangiti kaya muka siyang na engkanto na hindi mo maintindihan. I wonder kung hanggang sa pagtanda namin magiging ganto parin si Ice. Makulit na sweet..yung tipong kahit naiinis na ako at binabara ko siya hindi niya ako sinusukuan.
Kadalasan kasi sa mga lalake sa una lang masipag mangligaw, sa umpisa lang magiging attentive sayo. Pag-intayin mo lang ng konti bigla na lang mawawala.
But Ice stayed.
Kahit na alam niyang malaki ang possibility na baka hindi ko na siya ulit tanggapin, na baka maisipan ko na paglaruan siya at paasahin..
I cant bear to hurt him, kahit na gaanong kasakit ang pinaramdam niya sakin. Hindi ko kaya na saktan siya.
Kasi ano bang purpose ng revenge? Mababago ba non lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan ko? Kung gumanti ako dati, magbabago ba lahat ng ginawa ni Ice?
Hindi naman diba?
Tayo lang naman ang gumagawa ng mga bagay ng pagsisihan natin. That's how we learn. Sometimes doing wrong is inevitable.
"I'm bored." ungot ko kay Ice.
"Sasayawan kita.."
"No thanks. Bakit hindi na lang tayo maghanap ng chowking tapos bumili tayo ng pizza. O kaya pumunta tayo ng greenwich at bumili tayo ng wanton mami."
Ngumisi ako sa kaniya ng tila nag-iisip siya kung meron bang pizza sa chowking at wanton mami sa greenwich. Pero I'm sure kung sasabihin ko bibili nga yan.
"Sige bibili ako-"
"Joke lang para kang baliw."
"Baliw nga ako baliw na baliw sayo."
Kung dati niya sinabi yan baka nabatukan ko siya ng wala sa oras. Pero parang ayaw gumana ng anti-ice mood ko ngayon...parang..parang...si Ice Number One Fan ang gumagana ngayon.
Erase, erase..
Hindi na ako magiging ganon ulit. Kung sakaling mamahalin ko si Ice gusto ko may matitira parin ako para sa sarili ko na pagmamahal. Ayokong maging mundo ko siya because if it end badly at least I can still stand up again.
Napakurap ako ng biglang lumapit sa muka ko ang muka ni Ice, he smiled tenderly at me and I cant help but smile back to him. Kapag ganto ang tingin niya sakin..pakiramdam ko ako ang pinakamagandang babae sa mundo.
"Oy ang sweet nila!"sigaw ni Yoana.
"Bago may mangyaring kababalaghan diyan. Tayo na at mag bo-bonfire daw tayo." sabi naman ni Liana na kinindatan pa kami ni Ice.
Nakangiting tumayo si Ice at inilahad niya sakin ang kamay niya. Nakangiting inabot ko yon. Nag punta na kami sa may bonfire at napakunot ang noo ko ng makita ko don si Misss Boobs s***h Olivia.
Umupo na kami ni Ice sa harapan nila. Nasa kabilang side ko si Xander na inabutan ako ng marshmallows. Nakangiting tinanggap ko yon. Binigyan niya pa ako ng isa at ibinigay ko naman kay Ice yon.
Favorite niya.
"Wow!"
Natawa ako sa itsura niya. Para siyang binigyan ng kung anong napakaimportanteng bagay habang nakatingin siya don.
"So. Matagal na kayong kasal?" tanong ni Yoana sa amin.
Napangiti ako. "Hindi naman. Kailan lang din."
"Yup, finally sinagot na ako ni Summer."
Nakuha namin ang atensyon ng batch ni Ice pati narin sila Pilly. Mukang hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Ice, na sinagot ko na siya.
"Eh diba patay na patay yan sayo pare?" nang-uuyam na sabi ni Walter.
Dumilim yung anyo ni Ice sa paraan ng pagsasalita nung lalaki. Natatawang nagtaas lang ng kamay ang lalaki ng tinignan siya ng masama ni Ice pati nila Xander, Kit at Paul.
Pinisil ko ang kamay ni Ice.
"Yes. But now I'm the one who's madly and deeply in love with him."
"Baka naman ginayuma ka."singit ni Olivia.
"Don't tell me you believe to something like that? Hindi niya ako kailangang gayumahin. She's my redemption and she woke me up. And with all the girls that came and went out of my life, siya lang ang babaeng minahal ko."
Napangiti ako sa sinabi niya. Nagpalakpakan naman sila Kit at tinapik pa si Ice. Tumingin ako kay Xander...he's a little...sad? But he smiled at me.
"You're not the commiting type of guy."
Tinignan ko ng masama si Olivia. "He is now. Bakit gusto mo parin siya?"
Nanglaki ang mga mata niya sa kaprangkahan ko. What do you expect? She's flirting with my husband.
"Ano naman kung oo?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.
"I just want to ask so I'll know when to buy a new set of guns. At para naman maconfirm ko na kung mula sa pagiging all time girlfriend ng basketball team ay naglevel up ka narin sa tittle ng pagiging mistress."
I smiled sweetly at her at isinubo ko ang marshmallows na hawak ko. Kung nakakamatay lang ang tingin baka pinaglalamayan na ako sa klase ng tingin niya sakin ngayon.
Tuikhim si Liana na mukhang nais basagin ang tensyon sa paligid. "Oy kanta naman kayo diyan. May dalang guitara si Xander."
Pumalakpak pa siya para maalis ang tensyon sa pagitan namin ni Olivia at sa mga taong nakikinig samin. Nilingon ko yung mga old bitchy friends ko.
Namumutla sila at mukang wala na silang balak na asarin ako. Dapat lang dahil hindi man sila masaktan physically sisiguruhin ko na babagsak sila sa mental sa pagkakaron ng emotional damage.
Nakangiting kumuha ng guitara si Xander.
"Kakanta ako!" sigaw ni Ice.
Napangiwi ako. Seryoso siya? Baka palayasin kami bigla ni Xander pag nabasag lahat ng salamin dito sa resort. O kaya baka biglang magkaron ng tsunami dahil maiiritate ang kalikasan dahilan para magkaroon ng kung ano-anong kalamidad.
"Ayusin mo yan Roqas. Gagawin kitang inihaw kapag pinahiya mo ako."bulong ko kay Ice.
"Okay! pero kakanta ka din."
"What-"
"Bawal ang KJ."
Napasimangot ako ng binuyo narin ako ng iba pa naming mga kasama. Bumuntong hininga na lang ako. Hindi naman kasi ganon kaganda ang boses ko. Pero mas malala si Ice.
Nagsimula ng tumugtog si Xander.
"Hey, I was done playing games knew I needed to upgrade. So I went and walked away way way. Now, you see I've been hanging out with that other girl in town at least she doesn't bring me down, down, down."
Nanglaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Ice. Nahuhumaling na lang ba talaga ako kay Ice kaya sa pandinig ko parang nakakakilig yung boses niya?
O, baka epekto lang to ng namumuong pagnanasa- pagkahumaling ko sa kaniya. Parang kinakahid na yero kaya ang boses niyan.
"Summer ikaw na." sabi ni Xander sa akin.
"Remember all the things that you and I did first? And now you're doing them with her. Remember all the things that you and I did first? You got me, got me like this and now you're taking her to every restaurant and everywhere we went, come on! And now you're taking her to every restaurant you got me, got me like this. Boy you can say anything you want. It don't mean a thing, no one else can have you I want you back yeah I want you back."-
Do I want him back
to my life?
"I broke it off thinking you'd be fine but now I feel sick looking at you crying I want us back. Yeah I want us back."
"Please, rid me of jealousy you know you belong with me and I'm gonna make you see, see, see." nagtangka akong ma iwas ng tingin pero pinigilan ako ni Ice.
"You clearly didn't think this through 'Cause I had everything for you and now I don't know what to do."
"Remember all the things that you and I did first? and now you're doing them with her remember all the things that you and I did first? You got me, got me like this and now you're taking her to every restaurant and everywhere we went, come on! And now you're taking her to every restaurant you got me, got me like this boy you can say anything you want. It don't mean a thing, no one else can have you I want you back yeah I want you back."-me
"I broke it off thinking you'd be fine but now I feel sick looking at you crying I want us back. Yeah I want us back....I want us back baby."
Pumalakpak yung mga nanonood samin. Mukang hindi nila napansin yung sinabi ni Ice sa huli. Siguro akala nila kasali lang don sa kanta.
I smiled at him.
Yes I want him back.
Alam naman namin pareho kung saan uuwi lahat. Gusto lang namin na mas makilala namin ang isa't-isa na hindi kami na pe-pressure sa commitment.
Everything happened so fast, getting maried and all.
Hindi naman kasi dapat madaliin ang pagmamahal. We need to take it slow.
no pressure.
"Ice."
"Hmm?"
"You sure you don't want that girl?"
"Yup."
"Good. Because you're mine."