Title: The Only Bottom At Section Top | BxB
Written By: Hikahikahikarichi
Chapter 016: Viral
Audi Gomez' POV
That bottom sure is a reckless one, alright. Napahinga nalang ako ng malalim habang pinanood muli ang video kung saan kinompronta ni Adrian yung lalaking malapit na pumatay sa kanya kanina. Tsk. That was a really close call.
Thank god that Trescious called on time.
Napahiga pa ako sa kama ko nang alalahanin ang mga nangyari kanina. Geez, he really is feisty. Yung tipong wala talagang inuurungan na kahit ano, pero di ba siya nag-iisip na maaaring ikapahamak niya yung ginawa niya kanina?
Adrian could have died in that situation. He could have been dead by now kung di namin yun napigilan. Why is he giving us a lot of pressure? Kasakit sa ulo sa totoo lang. Tang*na niya.
If that really happened, madadagdagan na naman tong guilt na nabuo sa akin kasama ng buong Section 'T'. I just don't want anyone dying again. Just like what happened to 'him'.
Why is he--stop, Audi. I need to calm down. Still my point is that, he made me worried sick earlier.
Hindi ko nga rin alam bakit sobra akong makapag-alala sa bottom na yun. Ayaw ko lang siyang mapahamak, okay? Kulit naman eh.
Kung di palang siguro nangyari ang ganun sa 'kanya' noon, I don't think magiging ganito ako ka paranoid mag-isip ngayon. Pero kailangan ko nang tigilan ang pag-iisip sa kanya.
He is already dead.
Matagal na naming pinangako ng buong Section 'T' na wag na siyang alalahanin, but the guilt is still with me. Yung tipong gusto kong ibalik ang kamay ng orasan para lang maligtas siya but I can't.
I just can't.
And kahit na gusto kong ibaon nalang sa limot ang mga alaala namin sa kanya, hindi ko na ata kayang gawin simula nung nagtransfer si Adrian sa Section namin.
They f*cking have the same name. Same character. Same reactions sa bagay-bagay. They have just the same actions in a lot of aspects. F*ck. I just could not move on when that guy is around.
He really reminds me of him. Sh*t. I just missed him, that's why. How can I erase some painful memories so quickly?
Anyways, never mind. Wala ding magagawa kung iisipin ko pa to ng sobra. Kaagad rin naman akong napaupo sa higaan ko at diritsong napasulyap sa aking alarm clock.
It's already two in the morning at di pa rin ako binibisita ng antok dahil sa walang tigil na kakaisip ko sa mga nangyari kanina.
Huminga muna ako ng malalim bago humiga sa higaan ko at kaagad na napatitig sa kisame.
"I really missed you," Bulong ko habang nilabas ang aking phone at tiningnan ang lockscreen wallpaper ko. It's still his face. I couldn't help myself but to tear up.
I remember this photo being taken by me when he got a prize from one of the crane machines we used to play with.
He usually is expressionless but this was the time where it was so rare for him to do so. He was smiling as he hug that rabbit stuffed toy. Ang swerte ko na sa taong to, pero he died just suddenly.
~~
"Tang*na naman oh," Naiinis na reklamo pa niya habang pinagtutulak pa yung crane machine na ginagamit namin ngayon. Mokong talaga tong isang to baka masira pa niya tong machine.
"Di ka kasi marunong, ayan," Tinawanan ko lang siya sa pinagagawa niya na kaagad naman akong tiningnan niya ng masama. Such a feisty one, alright.
"Balakangajan, g*go," Agad pa niya akong tinalikuran at nagpasok ulit ng isa pang token doon sa crane machine. He just doesn't want to give up, huh?
Mahigit isang oras na kami dito sa arcade na pinasukan namin tapos sa loob ng isang oras na yun, we are stuck in this damn crane machine. Gusto niya daw talaga kasi makakuha ng isang stuffed toy doon. How childish, but ain't my boyfriend cute?
Siyempre alagang Audi Gomez yan. Napatawa nalang ako sa mga pinag-iisip ko ngayon. He is still not my boyfriend but I am already claiming his mine. Doon din naman kami papunta kahit nililigawan ko palang tong malamig na bottom ko na to.
He is too hard to get but that's how I love to play the game.
"Yes! Gomez tingnan mo oh!" Nabigla pa ako nang mapasigaw pa siya at para pang isang batang patalon talon sa tuwa. Napakunot noo pa ako sa pinagagawa niya but I think I already know the reason why once I saw what he is holding.
It was a bunny stuffed toy na nakuha niya doon sa crane machine na pinaglaroan niya.
"Ang cute niya oh, katulad ko," I was just smiling in his gestures that he is doing right now. Tang*na ang cute talaga eh.
"Mana ka sa rabbit na yan dahil sa ngipin mo," Sinalubong na naman niya ako sa kanyang masamang titig pagkasabi ko nun. I just laughed it off at pinalakpakan siya for doing such a great effort.
"Congratulations, baby,"
"Baby ka diyan," Kunwari hindi kinilig pero klarong-klaro sa mukha niya.
Di na niya ako pinansin at pinagyayakap pa yung rabbit stuffed toy na kanyang nakuha. Weird. I haven't seen him smile like that before. It feels so genuine and not forced. I need to capture this moment.
Kaagad ko pang kinuha ang phone ko at kinuhanan siya ng litrato ng palihim. He looked at me one eyebrow raised na para pang napansin niya ang pagpicture ko sa kanya. G*go di pala naka off flash ng back camera ko.
"Anong ginagawa mo?" Malamig na turan pa niya sa akin. "Kinukuhanan moko ng picture?" And here he goes again. Being mataray. I love it.
"Secret lang, baby Adrianne," I winked at him and run pass him. Baka bugbugin pa ako ng lalaking yun pag naabutan niya ako.
"Hoy, Gomez!" Did not hear anything. Bahalakajan. Geez, I just love teasing him so much.
~~
Kung siguro tumigil ako sa pagtakbo ko noon at pinilit na dakpin niya ako, mababago kaya ang kapalaran? Kung sakali bang naabutan niya ako noon, kasama pa kaya namin siya ngayon?
Who would have thought that would be our last moment together. I should have--Stop, Audi. I'm just making myself get hurt with all of these thoughts. Kailangan ko na talagang pigilan kakaisip sa kanya. It just gives me pain. Tang*na.
Adrian and Adrianne. They really share a lot of things in common. F*ck. How can I move on from Adrianne when Adrian is around? Kasakit sa ulo.
Napahimas pa ako sa noo ko at kaagad na ring inilagay ang phone ko sa table na katabi lang ng aking kama. Napatingin pa ako sa pinto.
"Should I check up on him?" I meant Adrian. We are just few rooms away kaya I think I should go check if he is doing okay. I mean, sa mga nangyari kanina.
"Maybe not," I sighed. Madaling araw na din naman, it would be weird if I knock on his door just to ask if he is doing okay. Mataray pa naman ang bottom na yun. And besides, baka natutulog na siya.
Ugh. I'll just sleep. I'll tease that bottom later at school in the morning.
Adrian Evans' POV
Napahikab pa ako nang makalabas ako sa dorm room ko. I didn't get much sleep dahil sa mga nangyari kagabi. Maraming nangyari na hindi pa rin nagprocess sa utak ko even though I'm smart. Pero whatever. I won't mind that for now. Kailangan ko pang pumasok sa school.
Is it just me or the students here at our school are looking at me? Hindi naman din bago sa akin na pagtinginan nila ako dahil sa cafeteria pa lang namin, ako na nga ang bulong-bulongan nila. But today seems different.
Naglalakad pa ako ngayon sa hallways tapos wagas pa tong makatingin tong mga puro lalaking estudyante dito sakin. Yung iba naman bumubulong pa sa katabi nila pag nakikita ako.
F*ck them.
"Uy sis!" Napakunot noo pa ako nang salubongin pa ako ni Blossom, isa sa mga Powerpuff Gays. Mataray pa siyang naglakad palapit sa akin. Does she need something?
Yes, I'll just give 'she' as her pronoun. Same as Bubbles and Buttercup.
"Sis okay ka lang? Omg!" What is she talking about?
Tinaas ko pa ang isa kong kilay. "Ano ibig mong sabihin? Yes, I'm okay. Thank you for asking."
Napahawak pa siya sa kanyang dibdib at huminga ng malalim acting as if she heard something easing. Weird.
"Loka loka ka talaga sis, pinag-alala mo talaga kami chaka ka," Mataray na pagkakasabi pa niya. Ano bang ibig niyang sabihin? Bakit ko sila pinag-alala? For what?
"Anyways, mabuti nalang talaga dumating ang mga daddies sa Section T para iligtas ka ses omg nakakainggit, ang swerte mo teh," Wait? Section T? Iniligtas ako? Is she talking about what happened yesterday? Paano niya--
"Paano mo--",
Umirap pa siya bago kinuha ang kanyang phone at para pang may tinignan siya doon.
"Heto oh, tingnan mo. Kaloka ka ses muntikan ka nang mayataps doon jusmeyo," Hinarap naman niya kaagad ang phone niya sa akin and I saw the video that Gomez also showed to me yesterday. It's me!
Bakit merong video si Bubbles sa ginawa ko? How did she get it?
"Memsh kaloka andito ka lang pala. Akala namin kung saan saan ka na naghanap ng mga boylets," Napatingin pa ako kay Bubbles na dumating kasama si Buttercup.
"Chaka ka ses, sinabi ko naman sa inyo na itatalk show ko si bagets," May pairap pa si Blossom sa kanila.
"Omg, Adrian ses okay ka lang? Grabe yung ginawa mo kagabi ah, perfect. Lumaban ka talaga!" Komento pa ni Buttercup nang tingnan niya ako. She even gave me some claps.
Teka? Don't tell me pati sila Bubbles at Buttercup alam ang nangyari sa akin kagabi? Ano bang nangyayari? Bakit din may video si Blossom sa ginawa ko kagabi?
"Ses, sikat ka na gosh! Ang swerte naman natin mga mamshies, may famous na tayong friend na ang pangalan ay Adrian," Dagdag pa ni Bubbles.
Para pa silang natutuwa sa kanilang pinagsasabi. Ano ba kasi ang sinasabi nila? Famous who? Me? That can't be.
"Alam mo memsh, umabot na sa 2 million views yung video mo. I'm so proud of you, ses!" The what?
"Ano bang pinagsasabi niyo? I don't know anything about that," Wala talaga. Ni hindi ko nga alam paano nakuha ni Gomez yung video na yun kagabi eh.
And they even have it. And now telling me that it already passed over 2 million views? I'm sure they're just joking with me, right?
Nagkatinginan pa silang tatlo bago ako tiningnan pabalik. "What?"
"Funny funny mo talaga, ses. You are trending sa f*******:, twitter and you're even on the news earlier. Di mo knows?"
I don't know such thing.
Nasa gymnasium kami ngayon lahat na taga Section T dahil P.E. namin. It was a good thing that I already have my PE uniform dahil kung wala, baka hindi na naman ako makasali dito.
This gym really reminds me of some bad memories dahil sa mga kagwang na mga taga Section 'T' na yan. Mga animal talaga silang lahat. Akala niyo malilimutan ko yung pinagbabato ko ninyo ng bola? F*ck you.
Anyways, that's not the case here. This day could get any worse maybe? I mean, after I discovered that my face is all over the internet right now.
Tang*na talaga nito. Dahil dun, mas dumami pa ang atensyon na naattract ko sa mga students dito sa Goodsman High.
It was not my intention to be somehow 'talk of the town'. It was that video's fault. For some reason, a civilian who were watching the happenings last night took that video and posted it on f*******:. Kaya ayun, sumikat na si Adrian Evans. Tang*na to.
And now, it has 2 million views. Kung pwede lang gawin pera yang views eh para may pambayad ako sa dorm.
"As usual, play dodgeball, class," Tang*na dodgeball na naman?
"But for today you'll be playing it in pairs. Each one of you will play dodgeball and team up with your partner because you will be playing against another two player teams for this game. Understood?"
Sabay-sabay pang sumigaw ng 'Yes' ang mga kagwang. Pag minamalas ka nga naman kailangan by pair pa talaga. I rather play this on my own but ano bang magagawa ko? Tsk.
Napatingin pa ako sa likuran ko kung saan nandun si Akihiro. Hindi maaasahan ang kagwang na isang to pero pwede na rin.
"Akihiro--" Hindi pa ako nakatapos sa sinasabi ko inunahan na ako ng kagwang.
"Sowwie, Adrian partner kami ni Harry. Ayaw mo kasi sa akin eh hmph." Sinabayan pa niya talaga ng pagnguso na parang bata at yumakap pa kay Harry na katabi lang niya.
Sa lahat ng panahon na kailangan ko tong kagwang na lalaking to, doon pa siya aayaw. Animal talaga. Di ko na nga lang siya pinansin at inilingon lingon ko pa ang ulo ko kung kanino ako makikipagpartner.
Tang*na naman kasi. Bat kasi pairings? Sino bang matino dito sa kanila? Parang wala naman.
Kita ko pa si Jake sa may bandang corner na kulay green na naman ang buhok ngayon. Rainbow na ata talaga tong lalaking yun. But definitely no. After nung ginawa niyang kalokohan sa akin noong sleepover, heck no!
I look at the direction where Jacobbes is pero parang busy naman siya sa pakikipag-usap sa phone. As usual, Vice President eh.
Sino ba?
"Hey there, bottom," Tila'y may parang sungay pa ang tumubo sa noo ko nang marinig ang kaninong boses na yun mula sa aking likuran. Sino pa ba? Gomez.
"Ano?" Malamig na tanong ko sa kanya.
"Chill, baby I'm not doing anything," What the f*ck? Baby niya mukha niya. Tang*na niya.
Tinaasan ko pa siya ng kilay. "What do you want?"
That usual smirk flashed on his lips again.
"Nakakalimutan mo ata na may utang na loob ka pa sa akin," Tang*na? Ibig ba niyang sabihin nung pagligtas nila sa akin kagabi?
"I already saved you twice, now save me," Aba? Ginawa pa talagang rason yung pagligtas niya sakin. F*ck you, Gomez. And save him? Why should I? He is not even in trouble.
"Like I really need it. Nagsabi na ako ng thank you sa'yo. That's all and that's it." Tatalikuran ko na sana siya. Wala ding sense kung makikipag-usap pa ako sa isang kumag na loko na kagwang.
"Don't you forget. We still have the deal activated." F*ck.
Muntik ko nang makalimutan yun. Kakabadtrip talaga tong lalaking to. Kung ano-anong uno card ang mga ginagamit para lang ipahiya ako tang*na niya.
Di bale matatapos na rin yung haeop na deal na yun bukas. Humanda ka lang talaga, Gomez. I'll make your life be filled with hell after this. Tang*na mo. F*ck you.
"What do you want?" Sambit ko pa sa kanya.
He crossed his arms and with a smile.
"Simple. Be my partner."
At some point sa buhay ko dito sa Goodsman Boy High tapos sa Section 'T' pa ako nilagay, gusto ko talagang sapakin tong kagwang na Gomez na to. Hintay ka lang talaga kumag na kagwang ka.
Because of his dirty tricks, here I am being partnered up with him. Though this is not willingly, I was forced. P*ta talaga. Pero wala na akong magagawa, I've got a deal to deal with.
We're playing against Trescious and Alexis. Ngayon ko lang napagtanto na ang tatangkad pala nila pati si Gomez.
Habang ako dito ewan nalang kung paano ko maiilagan ang bola. Hindi kasi ako katangkaran. Gwapo lang.
Baka itulad na naman nila ako last time na ako yung pinagbabato nila ng bola. Tang*na nila.
"Are you scared, Bottom?" As if.
"Focus ka nalang, Gomez wag na puro tanong," Sambit ko pa sa kanya. Hanggang dito puro kalokohan pa rin tong pinagsasabi ng kumag na to.
"You guys ready?" Rinig kong tanong pa sa amin ni Trescious sa kabilang dulo.
"Always ready," Sagot pa ni Gomez.
Hindi ko nalang siya pinansin at hinanda ang sarili ko na kuhanin ang bola. Alexis have the ball and kahit na hindi ko siya gaano ka close, I know may advantage siya. He is part of the basketball team here after all.
"1, 2," Napalunok pa ako sa aking laway nang magsimula nang magbilang si Alexis.
"Don't worry, Adrian. I'll catch the ball for you," Napatingin pa ako kay Gomez nang magsalita siya sa gilid ko. He also winked at me and smiled sweetly.
What the heck? Why did my heart just suddenly skip? Tang*na.
"Whatever."
"3!" Pagkasigaw ni Alexis nun ay mabilis pa niyang hinagis ang bola sa direksyon kung saan kami ni Gomez--wait? Is it pointing towards me?!
I bend myself a little bit and get ready for the catching. I may not be good at sports but in dodgeball, all you need to do is to avoid hitting the ball in any part of your body. Kailangan mo lang siya kunin.
And I'm good at catching anyway.
Pagkaabot ng bola sa direksyon sa amin, I was about to catch it nang humarang si Gomez sa harapan ko. G*go? Ano na naman ba tong pinagagawa ng lalaking to?
He turn in front of me and with that smirk of his. Agad naman niyang pinakita sa akin ang bola na ngayon ay hawak pa niya. How did--
"Told you I'd catch the ball for you," Ano bang trip ng lalaking to? I can catch the ball myself. Kagwang talaga.
"Umalis ka nga diyan. Tabi," Sambit ko sa kanya at kaagad namang kinuha ang bola mula sa kanyang kamay. Tinulak ko pa siya pabalik sa pwesto niya. Harang harang eh.
"Go easy on us, Adrian," Ani pa ni Trescious sabay tumawa. Easy, huh? Sure. If I go easy, that's all.
Pwinesto ko pa ang bola sa may bandang dibdib ko at huminga ng malalim. I can do this. Ihahagis lang naman tong bola sa kabilang direksyon eh. What's the worst that could happen?
"Here I go," Una ko munang ginawa ay hinagis paitaas ang bola sa ere at sabay pinalo ito ng malakas papunta sa direksyon ni Trescious.
In the game of dodgeball, ang unang matatamaan sa bola, out of the game.
"Not bad at all, Adrian," Komplimento pa ni Trescious nang masalo pa niya ang bola. Tsk. That was close, I need to try harder in the next hit.
"Okay here I go," Pumwesto na kaagad kami ni Gomez nang nag bend na si Trescious para magsimula nang hagisin ang bola.
"Don't catch the ball for me. I can catch it myself," Tugon ko pa kay Gomez kagwang habang di nakatingin sa kanya.
Baka agawin na naman ng kumag na to ang bola sa akin. Kaya ko naman sana pasikat lang talaga tong lalaking kagwang na to.
"Pft, sa height mong yan, Bottom? Yeah right." Tang*na? Nang iinsulto ba tong lalaking to--
"Audi, umilag ka!" Sigaw ko sa kanya nang papunta sa kanya ang direksyon ng bola. He didn't even noticed it because he is busy doing some pafeeling gwapo gestures. Tanga eh.
Dali-dali pa akong tumakbo palapit sa kanya at pumwesto sa kanyang harapan. Hindi ko naman gusto na siya yung matamaan ng bola eh.
I don't know but my body just rush so quickly to him. Why did I even bother doing something like this for this guy?
I saw his face flustered nang magkatitigan kaming dalawa. This is weird. My face just suddenly felt very red and my heart starts to beat so much faster. Is this still normal?
"I told you, I'd catch the ball for you," Kaagad pa niya akong hinila at nilagay niya ako sa kanyang likuran. The moment I knew it he caught the ball again with his bare hand.
It's as if the time is really slowing down. What is happening? Tang*na naman nito. Bakit parang may nararamdaman na naman akong kakaiba? I feel--no.
I'm straight. This is not happening to me. Not here. Not never.
Kakatapos lang ng P.E. class namin and guess what? Pinag-uutos na naman ako ng mga kagwang na Section 'T' ngayon para bumili ng mineral water na tig-iisa para sa kanilang lahat. F*ck them all.
Dahil sa dodgeball namin kanina sobrang sakit pa ng katawan ko tapos ngayon itatrato pa rin nila ako na parang katulong talaga ako nila?
Mga g*go. Humanda kayong lahat bukas. Matatapos na tong pagtitiis ko sa inyo mga animal kayo.
"Bottled mineral water po, Ate. 31 pieces po lahat," Tugon ko pa dun sa kasera nang abutin ko sa kanya ang bayad ko--nila pala.
"Hijo, ang bait mo talaga sa Section mo," Napangiti lang ako sa sinabi ni Ate. Kung alam mo lang sana ate kung gaano ko kagustong lumayas sa Section na yun.
Mabilis ko lang nakuha yung mga pinabili ko dahil mineral water lang naman ang mga ito pero tang*na ang bibigat ah.
Dalawang plastic bags pa tong dala ko plus masakit katawan ko, kakabadtrip kayo mga kagwang. Para pang mga walang mga paa at kamay makapag-utos eh. Tang*na.
Sobrang hirap na hirap pa ako kakadala sa mga plastic bags dahil pangako lang, kahit lalaki ako at sanay magdala ng mabibigat na bagay pero pag ang katawan mo matamlay, hindi talaga kaya.
Para pang mapuputol na talaga tong mga braso ko anytime now--wah! Nabigla nalang ako nang may kung sino mang lalaki ang kumuha pa nung dalawang plastic bags na dala ko.
Napatingin pa ako sa kanya and he also look at me as well.
Base sa itsura niya, maputi at matangkad tong lalaking to. Chinito, matangos ang ilong tapos may mala rosas na labi. He does not look familiar to me. Parang hindi ko rin siya kaklase.
Who is this guy?
"I can carry this for you, rabbit," What did he just say? Did he just called me 'rabbit'? Ngumiti pa siya ng matamis sa akin sabay wink at nauna pang naglakad sa akin.
Sino ba yun?
"Teka!" Heck I don't even know him tapos kinukuha na niya yung mga pambili ko? Sino siya sa akala niya ha?
"Look, alam kong pagod ka. Kaya tulongan na kitang buhatin ang mga to'," Panigurado pa niya. Even when he say that, sino ba siya?
"Kaya ko naman--"
"Raven Miguel by the way," Raven? "4th year, Section A. Nice to meet you, Adrian Evans aka Rabbit,"
Who the heck is even this Raven guy? How did he know my name?
Is it because of that video or what?
And why does he keep on calling me 'rabbit'?!
Akihiro Sakagari's POV
"Ang sama mo kanina kay Adrian," Komento pa ni Harry sa akin habang nag-aayos sa kanyang buhok sa harap ng salamin.
Nandito kami ngayong dalawa sa men's restroom matapos ang P.E. class namin para magbihis at makapag-ayos. Nag-uusap kami tungkol kay Adrian dahil sa ginawa kong pagtanggi sa kanya kanina.
"Kasi naman eh, joke lang yun eh," Pinaglapit ko pa yung dalawang point fingers ko na para pang sinusundot yun.
Hindi ko naman talaga intensyon na itanggi sa Adrian na maging partner kami sa PE
Alam ko din namang kukunin siya ni Audi as his partner din kaya di na ako nag abala pa.
"Usto ko din kasi na tayo patner," Nakanguso pa ako sa kanya habang pinagkukurap pa ng ilang beses ang mga mata ko.
Ewan ko ba, basta whenever na kami lang talaga dalawa ni Harry nagiging bata ako. Lagi naman akong baby pero pag siya kasama ko, sumusobra pakabata ko eh.
Perks of him being my childhood friend. May instant gwapo and cute na siyang bbf plus future bf. Biro lang!
"Asus biro ka pa talaga, Akihiro. Alam ko na galawan mo," Tumawa pa siya sa akin.
"Tapos ka na ba mag-ayos sa sarili mo?" Tumango lang din naman kaagad ako.
"Tara na?"
"Hai!"
Sinundan ko rin naman siya kaagad palabas ng cr at gusto ko mang hawakan ang kanyang mga kamay pero kailangan ko pigilan. Bespren kami eh. Baka ano pa maisip niya. Bawal eh.
Naglalakad kami ngayon pabalik sa classroom nang bigla siyang tumigil. Napatingin pa ako sa kanya nang may nakakunot noo na ekspresyon sa aking mukha.
"May problema ba, Harry?" Napatingin pa siya sa akin at isang mapait na ngiti ang umukit sa kanyang labi. Okay lang ba siya?
"May masakit ba sayo?"
"Wala naman."
"Then bakit ganyan ang itsura mo?"
"Naalala ko lang kasi...," Ang alin ba ang naalala niya?
"Ang ano ba?"
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit.
"Birthday kasi sana ni Adrianne next week," Did he say Adrianne?
That 'Adrianne?'
--The Only Bottom At Section Top--