Chapter 011: Fever

2773 Words
Title: The Only Bottom At Section Top Written by: Hikahikahikarichi Chapter 011: Fever Adrian Evans' POV Tang*na sobrang sobra na to. Kung hindi lang talaga para sa grades namin ang pakay ko para makipagcooperate si Gomez, hindi na sana ako pumayag sa nakakapakshet niyang deal. P*ta! Sarap talaga hambalusin ng kung ano-ano tong pagmumukha ni Gomez. Humanda ka lang talaga sa akin matapos i perform ng roleplay natin, I will f*cking torture your life. Nandito lang naman kami ngayon sa cafeteria. Lunchbreak namin at kahit na wala naman talaga akong balak pumunta dito para makatipid, tang*nang Section 'T' na yan, they just grabbed me forcefully. And now I'm here. Tang*na talaga. Wala eh. Personal alalay kasi ako ng mga kagwang na Section 'T' na yan. Nakalinya na naman ako dito sa pilahan at katulad nung dati, dala-dala ko pa ang isang papel kung saan nakalista ang kanilang pinapabili. Ang swerte, diba? Pero mabuti na nga lang at hindi na ako mahirapang magdala ng mga pinabili nila galing dito sa cafeteria papuntang classroom namin. Andito naman sila kaya bahala sila sa buhay nila na magkanya-kanyang kuha sa mga pagkain nila. Baka gusto nila ako pa sumubo sa kanila isa-isa. Ewan ko na talaga. Masusuntok ko na ang mga pagmumukha ng mga kagwang na yun. "Adrian!" Nakangiting bungad pa ni Akihiro sa akin nang tumabi siya sa akin sa pilahan. Naglandas pa ang mga kilay ko pagkatingin ko sa kanya. Isa pa tong kagwang na to. Walang araw na hindi aaligid sakin. Kakainis. "Ano na naman ba yun?" Walang gana kong bulyaw. "Ano bibilhin mo?" Seryoso ba siya sa kanyang tanong? Aba'y puny*ta mga pagkain niyong mga kagwang kayo. Tinatanong pa talaga. "Pagkain ng mga aso." No offense. It's almost my turn to order sa cashier at makakalayas na rin ako dito sa cafeteria. Ewan ko kung saan na rin nagpunta si Akihiro. Kusa nalang siyang nawala sa tabi ko pero bahala na yung lalaking kagwang na yun. Mapayapang naghihintay nalang ako na umusog yung pila ng ilang beses para ako na nang bigla ko na namang naramdaman ang mga matang nakatitig sakin. What is it with this weird feeling? I also felt this last time. Yung mga bulong-bulong ng mga estudyante dito sa buong cafeteria naririnig ko pa. I am not the assuming type, pero masesense mo naman talaga pag ikaw yung pinag-uusapan kahit na di mo pa naririnig. And I have a feeling that it's me-- "Diba siya yung bagong transferee sa Section 'T'?" "Oo nga, Pre. Malas yan, Pre." "Sinabi mo pa, Pre. Baka siya na naman ang susunod na magtangkang gilitin ang sarili niyang buhay--" Hindi na natapos sa pagsasalita yung mga lalaking nasa likuran ko lang nang tinignan ko sila ng masama. Gulat na gulat pa sila na parang nakakita ng multo, ah? Kung magbulong-bulongan nalang sana kayo tapos yung pinag-uusapan niyo nasa harapan niyo lang, aba'y harapin niyo ko mga gag*ng to. "You done talking?" Walang ganang bungad ko sa kanila. Agad ko rin naman silang tinalikuran at binalik ang pakay ko sa pakikipagpila. Tsk. Even these other students loves to gossip, huh? Lalaking lalaki ang hilig sa mga tsismis. They even knew that I'm a transfer student. Now I really confirmed that yung mga bulong-bulongan ay tungkol sakin. After hearing those students said about me being the transferee of Section 'T'. Kagwang ang mga Section 'T', pero bat ata ako napasali sa mga kwento-kwento? They even said na baka ako daw yung susunod na gilitin ang sarili kong buhay. F*ck them. Why would I even do that? And the heck I would kill myself? Yes, I have suffered a lot back when I was still at my parents house but it doesn't mean that I'll end my life just like that. Marami pang rason para mabuhay. Tsk. At kahit din mga gago yang mga kagwang sa Section 'T' na yan, parang di rin naman reasonable ang rason na yun para tapusin ko ang sarili kong buhay. Makikipagsuntukan pa ako sa kanila isa-isa kung kailangan pero wala akong panahon makipag-away sa mga kagwang na yun. Bahala silang lahat sa mga buhay nila. F*ck them anyway. It's my turn to order sa cashier at kagaya last time inabot ko lang yung papel kung saan nakalagay dun ang mga listang pinapabili ng kagwang na mga classmates ko. Nakakunot-noo pa akong tinignan ng kasera but I already know she's judging me basing by that look of hers. Di ko rin siya masisisi dahil sa dami-dami ko namang bibilhan ng ayuda--este pagkain, nakatatak na yata sa utak niya ang pagmumukha ko. This is all because of that stupid deal to begin with. That jerk! Gomez. Matapos kong iabot ang bayad ko ay agad na ring inabot sa akin ang dalawang buong karton kung saan nakalagay ang mga pagkain ng aso--ng mga kagwang na section 'T' pala. "Kuya, pakidala nalang po doon sa kanila." Turo ko pa sa mga mesa kung saan nandodoon nagkumpulan ang mga kagwang. Panay hiyawan at tawanan pa ang mga gago. Di na nahiya sa ibang mga tao dito sa cafeteria. Tsk. "Pakiabot na rin po itong mga sukli din po nila." Nakangiting suhestyon ko pa kay Kuya na siyang may dala ng mga karton. Tumango lang din naman siya at agad ding nagtungo doon sa mga kagwang. Now that my work here is done, I should also go back to our classroom. Nandoon lang din sa backpack ko ang baunan ko kaya I will be just eating there. Not here. Agad din naman akong nakarating sa classroom namin. Finally. Sa totoo lang, the only time na komportable ako sa classroom namin is every lunch time. Nagsisilayasan din kasi ang mga kagwang kaya at least din pansamantalang nawawala yung nakakasakit sa ulong mga ingay nila. I was about to step inside the classroom nang mapansin kong may isang lalaking nakadukdok sa isang armchair dun sa likod. Akala ko ba lahat ng mga Section 'T' nasa cafeteria. This was also the first na may isa pang tao nanatiling magpaliban sa classroom namin maliban sakin. Weird. Anyways it's not my business to take care of whatsoever. Bahala na nga. Diritso lang akong pumasok sa classroom namin at kaagad na pumunta sa upuan ko. Di rin naman yata nakapansin kung sinong kagwang dito ang presensya ko kaya kaagad ko na ring kinuha ang baunan sa backpack ko at nagsimula na ring kumain. Kakatapos ko lang kumain ng lunch and I'm back to my usual study mode. Di ko pa din kasi natatapos ang pag-aaral sa mga copies ko kaya for the meantime na hindi pa nagsisibalikan ang mga kagwang, lulubos-lubosin ko muna ang oras ko sa pag-aaral. Malamang di na naman ako makapag aral ng mabuti pag andito na sila. I was just busy reading the copies without a single care of the world nang bigla kong narinig ang pagalaw ng ibang upuan sa likod. Nah, baka ang kagwang lang yun na nasa likuran. Bahala siya. "Tubig..." Rinig kong bulong nung kagwang na nasa likod. I just act like I didn't hear anything and continued studying. For sure naman dahil kagaya siya ng ibang kagwang na andun nagpiyesta sa cafeteria, baka pingloloko na naman ako nito. Bahala siya diyan. "I need.. Water." "Harry!" Nagulat nalang ako sa biglaang pagsigaw ni Akihiro nang pumasok siya sa classroom namin. What is he even doing here? Tapos na ba ang lunch? Tsk. And Harry who-- Agad akong napalingon sa likuran ko nang dali-dali sa pagtakbo si Akihiro papunta dun. What is he even up--Sh*t! Yung kagwang kanina na di ko pinansin nakahandusay na ngayon ang buo niyang katawan sa sahig. What's worse is that nakahiga siya ngayon--that is not what I think it is, right? Sa sariling suka niya? "Harry! Harry!" Tila'y natatarantang pagtawag pa ni Akihiro dun sa nakahandusay namin na kaklase. What have I done? Ni hindi ko binigyan ng pansin yung lalaking pangalan ay Harry kanina. I thought he was just making fun of me by saying "water" earlier but I was wrong. Is this my fault for not helping him out? "Adrian!" I snap back to reality nang tawagin ako ni Akihiro. Tiningnan ko siya nang may guhit ng pagtataka sa buong mukha ko. "Tumawag ka ng tulong, please." Bungad pa niya. Halos mataranta ako sa kung ano ang una kung gagawin. Kung tatakbo ba ako palabas para tumawag ng tulong or get my phone and dial someone but who? "Hurry!" Pagkasigaw nun ni Akihiro sa akin ay walang dalawang isip pa akong tumakbo palabas ng classroom and called the first name I saw on my contact list. Kahit sino. Anyone will do. Desperate times needs desperate measure right now. I just don't know what to do. I thought that Harry guy was just joking. I thought-- "Hello?" Someone from the other line answered. "Hello? We need your help. Kailangan ng assistance ng classmate namin--" "Adrian? ikaw ba yan?" That voice. Bigla akong napatigil sa pagtakbo nang marinig ko ang isang pamilyar na boses sa kabilang linya. Why is this even happening? Of all the people I called, why my mom? "Adrian, anak? Saan ka ngayon? Anong nangya--" Kaagad ko ring binaba ang tawag. What is going on with me? Why are my tears starts to fall? Matagal-tagal ko na ring di naririnig ang boses ni Mama matapos kong umalis sa bahay namin. It's their fault in the first place anyway why I left. Both her and my father are abusive. I don't want to live with them that is why I decided to live on my own at wag na sila pakialaman. Lagi lang naman nila akong inaabuso dun sa amin. But why now? I thought I already deleted their numbers on my contact list but they are still there. Sh*t. How dumb of me. F*cking dumb, Adrian Evans! "Yo, bottom!" I heard a familiar voice from the distance. Napaangat ako sa ulo ko at nakita ko pa ang parating na mga Section 'T' ko na mga kaklase. I know they are not the most reliable people I know, but what choice do I have now? Hindi ko alam kung anong nangyari kay Harry but I need to call out for their help. "Audi!" For the first time, I called Gomez by his first name. Habol hininga pa ako nang tumakbo ako sa kanilang direksyon. "Whohoa? You called me by my first name, Bottom? That's the first--Why are you crying?" "Harry! He needs help!" Kita ko pang nag-iba ang mga ekspresyon ng mga buong Section T at pati rin si Gomez naging seryoso yung buong mukha niya. He held both of my arms and intensely glares at me. "Where is he?" "Nasa classroom." Sagot ko pa. Naging dahilan din yun para magsipagtakbuhan ang buong Section 'T'. I don't know why ganoon nalang ang naging reaksyon ang lahat sa kanila pero kaagad na rin akong sumunod din. Nagsipagtinginan pa yung ibang mga estudyante but I did not care anymore. Harry is what's most important right now. Ugh! If I should have been mindful at binigyan siya ng pansin kanina, this wouldn't have happened. Nasa clinic ako ngayon binabantayan ko si Harry na nakahiga ngayon sa isang higaan dito sa clinic. It's already class hours and dapat isa lang sa class namin ang magbantay sa kanya, so I volunteered myself. There goes my scholarship. Part of it was my fault as well kaya this is my way of paying nalang din sa hindi pagbigay pansin sa kanya kanina. Nabihisan na din siya ng ibang Section 'T' bago siya pinunta dito sa clinic. Ngayon ko nga lang din nalaman na may lagnat siya because of amoeba daw. I didn't know. Dapat sana nga inihatid na siya ng ibang mga kaklase ko sa bahay nila but the nurse suggested to let him sleep here sa clinic for a while. Mamaya na daw siya papauwiin pag nagising na daw siya. Huminga muna ako ng malalim habang tiningnan muli ang contact list sa phone ko. Nandito pa rin talaga ang number nila Mama at Papa. Tinaga ko na talaga noon pa nung umalis ako sa bahay namin that I will never try to contact or talk to them again, but sh*t happens. Narinig ko muli ang boses ni Mama kanina. She sounds so worried, though. F*ck! I won't be fooled by her. She already gave me plenty of scars in me, must I still need to care? And kaya ganun lang din naman ang boses niya, acting like she misses me and dead worried about me because miss lang naman niya na abusohin ako nila ni Papa. I am already free with that abusive life. They fooled me already once before but not the same in the second time. I hate my parents. Nabalik ang atensyon ko kay Harry nang bigla siyang naglikha ng maliliit na tunog. He was moving and was trying to open his eyes. "Harry?" Tawag ko sa kanya. He slowly turn his head towards me and gave me that look as if his vision is still clearing out to see me. "Y-You?" Banggit pa niya nang makita ako. Medyo nahihirapan pa siya sa pagsasalita and I just shush him and fixed his blanket. "Don't force yourself, yeah? I'm just here." Mahinhin na sabi ko pa sa kanya habang binubuklotan siya ng kumot. "I-I can't see clearly without my glasses." Tugon pa niya na para pang kinakapa ang gilid-gilid ng higaang kanyang kinahihigaan. Oh yeah. His glasses. Muntikan ko nang nakalimutan ang paalala ni Akihiro sa akin kanina na ipasuot ang salamin ni Harry pag magising siya. Guess he have a poor vision. "Here." Nilagay ko pa ng maayos sa mata niya ang kanyang salamin. With maayos, I meant I'm being careful in putting on his glasses para sa kanya. "Thank you. Adrian?" I just smiled at him. Naalala ko na rin ngayon na isa siya sa mga kasama noon ni Gomez nung first day of school ko pa dito sa Goodsman High. Nung pinagtanungan ko kung saan nakalocate ang classroom ng Section 'T'. He was that one wearing the harry potter glasses. Di ko siya namukhaan agad because his glasses is kind of different today. Ironic, huh? His name is Harry and he was wearing a Harry Potter glasses that time. I don't know, I just found it funny. I think it was the end of second period in the afternoon nung nagsidatingan ang ibang Section 'T' para bisitahin si Harry. Speaking of Harry, he and I never talked much earlier dahil I found it awkward a bit. Medyo regretful din ako sa kanya kanina nung di ko siya pinansin while nahihirapan siya sa classroom kaya baka rin ganun. Lalabas na rin sana ako ng clinic. Andyan na rin naman ang mga kagwang para bantayan siya so I might also need to go back to class as well. "Hey," Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may tumapik sakin mula sa likuran. Nilingon ko naman kung sino yun and it was Gomez. "Can we talk for a bit?" Nakakapagtaka ata tong lalaki na to ngayon. He is not in his usual nakipaglokohan na boses at ekspresyon. He seems genuine and gentle in the way he tries to communicate right now. Agad ko rin naman siyang tinanguan at sinundan sa labas ng clinic. "What do you want to talk about?" Tanong ko pa sa kanya. Kita ko pa siyang sumandal sa pader at nakapanghalukipkip. He looked at me with those serious stares of his eyes. Problema ng lalaking to? Sinasapian ata siya ng isang ligaw na kaseryosohan ngayon. "I just want to say thank you," Iwas tingin pa niyang wika. Wait? What did he just say? Parang di ko narinig. Gusto kong ulitin niya. "Thank you for immediately calling out to us when that happened to Harry. Galing to sa puso na thank you ah? Baka sabihin mo na naman pinagloloko kita." Minsan talaga ang hirap basahin ng lokong lalaking to. Nagiging mabait sometimes, tapos everyday bully at kagwang. Still, I could never deny that I can feel he is being genuine right now. It's a good thing to know pa rin that he knows how to say thank you. But anyways, he doesn't have to. I just did what was supposed to be done. And he shouldn't say thank you to me. Muntikan ko na nga napabayaan si Harry doon sa sahig kanina. If not only for Akihiro baka di ko na namalayan kung anong nangyari kay Harry. "Wala yun. Just helping a classmate." Nakangiting tugon ko sa kanya at agad siyang tinalikuran. "And thank you as well," For being there. Bahagya akong tumingin sa kanya. "Audi." --The Only Bottom At Section Top--
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD