Chapter 012: Gift

2695 Words
Title: The Only Bottom At Section Top | BxB Written By: Hikahikahikarichi Chapter 012: Gift Adrian Evans' POV "Mama, tama na po! Sorry na po. Di na po yun mauulit po, Mama!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sa akin ni Mama. Pilit pa niya akong kinakaladkad ngayon papuntang kwarto. Nagalit ko na naman si Mama dahil nabasag ko yung ilan sa mga plato habang naghuhugas ako kanina. Kung hindi sana ako naglalampahan, hindi sana mangyayari sa akin to ngayon. Ulit. Marahan na tinulak ako ni Mama nang makapasok kami sa kwarto. Napadaing pa ako sa sakit nang mapaupo ako ng malakas sa sahig. Nakakatakot tingnan si Mama ngayon. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit sa akin dahil sa ginawa ko. Sorry, Mama. Hindi na po mauulit yun. "Mama, sorry na po. Ayaw ko po dito. Sorry na po." Halos napagapang pa ako sa sahig para lang maabot ko ang mga paa niya. Ayaw ko na ikinukulong ako dito sa kwarto ko. May monster sa closet. Takot din akong makinig sa kulog dahil umuulan pa ngayon. Gusto ko na kasama sila sa sala ni Papa. Ayaw ko dito sa kwarto ko na mag-isa. Takot ako. Mama, natatakot ako. May thunder at lightnings sa labas. Halos di ko na mapigilang mapahagulhol pa nung magsimulang maglakad si Mama palabas ng kwarto. "Bitawan mo ako, bata ka!" Pinilit pa akong sipain palayo ni Mama pero di ko binitaw pagkakahawak ko sa kanya. Ayaw ko talagang makulong mag-isa dito sa kwarto. I am scared. "Mama, sorry na po. Ayaw ko po dito sa kwarto ko po. May monster po, Mama. Meron din pong thunderstorms, Mama! Sorry na po. Gusto ko po kasama kayo ni Papa." Pagmamakaawa ko pa talaga sa pamamagitan ng paghagulhol ko. Natatakot ako dito. Lagi ako nilang kinukulong dito sa kwarto ko na mag-isa. Natatakot ako. Gustohin ko mang manlaban kina Mama at Papa pero ano bang magagawa ng isang batang siyam na taong gulang kagaya ko? Anak pa rin nila ako kahit papaano. Pero ayaw ko ng ganito. Yung iniiwan ako mag isa sa kwarto tapos may thunders and lightnings pa. Tapos may monster pa sa closet ko. Ayaw ko dito. Please lang po, Mama. Napatigil ako sa paghagulhol nang marahan akong kwinelyuhan ni Mama at halos lumutang na ang mga paa ko sa ere nang hilahin niya pataas ang tela ng damit ko. Ang hirap ihinga dahil para akong nasasakal sa tela ng damiton ko. Galit na tinignan pa ako ng diritso sa mata ni Mama. Nanginginig buong katawan ko sa takot dahil sa mga titig niya na para pang kung anong oras ngayon ay baka patayin niya na ako. I-I am scared. "Kung di ka lang sana nagmamarunong bata ka, kung sinusunod mo ng maayos ang utos namin sayo, hindi mo sana mararanasan to. Kasalanan mo naman to kung bakit masasaktan ka ng sobra. Kailangan kang idisiplina." Bulyaw pa niya sa akin at sinabayan pa niya ng isang malakas na sampal sa kanang pisngi ko at nahulog pa ako sa sahig dahil sa lakas. Bakit ko ba kailangang maranasan ang lahat ng to? Kahit bata pa ako, alam ko kung paano magdisiplina ang isang disenteng magulang sa kanyang anak. Pero ako. Bakit ganito? Bakit kailangang akong pisikalin? Rinig ko pa ang malakas na paghampas ni Mama sa pinto ng kwarto ko nang isara niya ito. Meron pa siyang kung ano-anong ginawa sa labas na doorknob para di ko to mabuksan. Takot ako. Halos mapasigaw nalang ako sa takot at kaba nang marinig ko pa ang pagbagsak ng isang napakalakas na kulog. Sumilaw pa sa mukha ko ang liwanag ng sobrang napakabilis na kidlat. Ayoko na. Gusto ko ng tulong. Para sa isang bata na kagaya kong walang alam sa mundo, andito ako sa kwarto ko. Nakakulong. Mag-isa. Umiiyak. Natatakot at gutom. Tulongan niyo ako. ~~ Napabalikwas ako ng mabilis sa kama ko nang marinig ko ang isang napakalakas na pagbagsak ng kulog na nanggagaling sa labas. Tagaktak pa ang mga pawis ko dahil sa panaginip na naman yun. Kung saan ang puno't dulo ng takot ko sa kidlat at kulog. Kung saan isa sa mga pinakagusto kong burahin na memorya para lang di na yun maalala. Nakakatakot balikan ang ibang memories ko dahil sa kanila. Sa mismong parents ko pa. Napahimas pa ako sa noo ko at agad na sinuot ang headphones ko sa aking magkabilang tenga. With this, I won't hear those scary thunderstorms outside. Music can ease my fear, even if it's just temporary. Sinimulan ko na namang patugtugin ang song playlist sa phone ko and got back lying on my bed. The song playing was entitled "What doesn't kill you makes you stronger" by Kelly Clarkson. Such a relief. Good thing that today is Saturday at di ko muna poproblemahin ang magprepare ng maaga for school. I have a shift later sa convenience store at exactly 12:00 pm sharp. It's still 8:26 am pa naman sa alarm clock ko so it's not a problem for me. "Astraphobia. The fear of lightnings and thunders," Bulong ko sa sarili ko na nakatutok pa sa kisame. "This is their fault." I'm pointing out to my own parents. My childhood, sucks as hell. I never even remember any single happy moments together with them. The only time na naaalala kong masaya kaming magkasama is if nasa labas kami o di kaya'y may bisita sa bahay. They act as if they are that good and loving parents to show that they care. But f*ck them. Those are real sh*t. Fakers. I even wonder kung sila ba talaga ang totoong magulang ko. After what they all did to me. F*ck. Napakuyom pa ako sa kamao ko nang maalala ko na naman yung aksidenteng napatawag ako kay Mama the other day. Her voice sounds as if she's really worried about me--No, Adrian! Don't be fooled. Yes, I won't be. Hanggang kamatayan, I will resent them. Pasado 11:30 Am na nang lumabas ako sa dorm ko. I still have time to walk to the Convenience store since hindi lang naman siya kalayuan. Baka kung magtagal pa ako, mapagalitan pa ako nito ng manager namin. But like I always do, the early bird gets the worm. Medyo huminahon na rin ang panahon kaya it's safe for me to go outside na. "Adrian!" Gulat ko pang tinignan ang lalaking tumakbo pa papunta sa direksyon ko. What the heck?! Anong ginagawa ni Akihiro--Why are the whole section T here?! "It's our dear bottom!" "Hello, Adrian." "Let me be your top, Evans!" "Adrian I am so glad to see you, our bottom! I missed you--" Tang*nang kagwang na Akihiro na'to. Muntikan pa akong nahalikan sa pisngi ko. Mabuti nalang at natulak ko siya palayo ng mabilis. Kagwang talaga. At ano ba ang ginagawa nila dito?! Kung saang complex pa talaga ako nandito din ang mga kagwang?! Ano na naman bang kalokohan ang gagawin ng mga to? "Sakit nun, Adrian ah. Hmph!" Nakanguso pang reklamo ni Akihiro habang nakatingin sa akin. Inirapan ko lang siya ng bahagya. Oa ng kagwang na lalaking to. Hina lang yun. G*go. "Oh, hello there, Adrian. Didn't know that you were that brave enough to do some x-rated scenes with Audi," Nakaukit pa yung nakakalokong ngiti ni Jacobbes. Anong pinagsasabi niya? Why would I even do such thing to the same gender?! And the heck is he saying? "I don't know what you are saying and I don't know bakit nandito kayo. The only thing I know is that kailangan ko nang umalis bago pa ako malate sa part time job ko." Mahabang pagpapaliwanag ko pa sa kanila at pinilit makisiksik para makadaan. Ganito ba talaga karami ang mga kagwang?! Ngayon ko lang napagtanto. Pero bahala na nga sila. Makakalayo na sana ako sa mga kagwang nang may biglang humila sa tela ng damit ko mula sa likuran. Naiinis na ako ha. Nagmamadali ako tapos tang*nang sinong kagwang ba tong hila ng hila ngayon sa damit ko. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ng masama kung sino man yung humila ng damit ko--si Jake? But with a new hair color now. Nung una pink, ngayon naman blue. "What were you doing here, Bottom?" What kind of question is that? Dahil dito ako nakatira tang*na. Hindi ba obvious na dorm to? Kagwang! "Must I really need to answer such an obvious question?" Malamig na pamimilosopo ko sa kanya. Rinig ko pa ang mga hiyawan ng mga ibang kagwang na para bang may narinig silang kung ano na nagpaapaw na naman ng mga kagagohan nila. F*ck! Kailangan ko ng pumasok! "Witwew, Bottom!" "Pasikreto ka pang ayaw mo kay Audi ha?" "How was your asshole, Bottom?" What the f*ck are they even talking about?! At anong asshole? Tang*na talaga nila! They might be misinterpreting the situation. Tsk. Naalala ko nga pala na dito rin sa complex na'to nakatira ang kagwang na Gomez na yun. Just great! "Look, I live here just in case you don't know." Seryosong bungad ko sa kanilang lahat. Tinanggal ko na rin ang nakahawak na kamay ni Jake sa tela ng damit ko. Kabadtrip ng mga kagwang na to. Hindi ko na sila nilingon pa at diri-diritso na din akong nagtungo sa kung saan ang destinasyon ko. Geez. They are all so f*cking annoying to be honest. Muntikan pa akong malate sa shift ko mabuti nalang at nakaabot pa ako ng mga two minutes early bago mag 12:00 o'clock. Phew. That was close. Diritso agad ako sa casher station na tumambay matapos kong magbihis sa uniform ko. Nandito na rin si Trescious nag-aayos ng mga stocks namin dito sa Convenience store. Wala pa rin naman masyadong costumers na pumipila dito sa cashier, so I kind of lowkey took the chance to call out to Trescious. Wala naman akong pakialam kung anong gagawin ng mga kagwang dun sa complex basta wag lang nilang guluhin buhay ko. I just wonder why they are all there. "Trescious," Mahinang tawag ko sa kanya pero di siya lumilingon. Di niya ata ako narinig. "Trescious." I called out to his name again. Pero di rin siya lumingon sa akin. Is my voice that whispering so much? If I could just volume it high up a bit-- "Tre--" Halos mataranta ako nang makita ang sobrang lapit na mukha ni Trescious sa mukha ko. F*ck. Umiinit ang mukha ko. Am I blushing? Sh*t. This is not normal. "I can hear you calling my name, something wrong?" Di ako makasagot ng maayos at halos magkandautal pa ako. Umayos ka, Adrian! Why am I feeling this weird vibe? His face is so close to me. I get to see how long his lashes are and those thick eyebrows, they are just attractive. His lips. I can't stop myself looking at it--Wait what?! What the f*ck am I thinking?! Dali-dali pa akong lumayo at nag-iwas tingin sa kanya at napatingin nalang sa counter ko. Mabuti nalang may parating na costumer. "I'll just ask you later." Malamig na tugon ko pa sa kanya and he just nodded his head. Damn, Adrian. "Sure, then." Tanging sabi niya bago siya bumalik sa pagliligpit sa mga stocks. Trescious Dela Victoria's POV His reactions are all so cute. The way he acted cold even though he is really feeling shy, ang cute nun. Di ko nalang mapigilan ang sarili kong mapangiti sa mga simpleng soft gestures ni Adrian. Pasikreto akong napatingin sa kanya habang ineentertain ang mga costumers namin. He is not the best in smiling person, but his aura can brighten someone's day kahit na palagi nalang malamig ang approach niya sa tao. I won't hate him for that though. It's giving me butterflies everytime he does that anyway. He really resembles him somehow. I just shook my head. I shouldn't think too much about him. He is already long gone and thinking about him more will just open the scars that I have already forgotten. Pero ang thought na naalala pa rin namin siya, napakasakit. Mahirap yun sa part ko and sa buong Section 'T'. No one wants that to happen to him--Psh! Stop thinking about him, Trescious. Binalewala ko nalang yun na pag-iisip and just continued repiling and fixing all the stocks in every aisle. Come to think of it, nagyaya pala si Audi sa aming buong Section 'T' para mag sleepover sa dorm niya. Though it's not a normal sleepover. It will be fun. That guy really loves to do some parties anytime, anywhere. Napatingin ulit ako sa direksyon ni Adrian. Think I should also invite him later, huh? The probability of him saying yes is low but it's worth a shot. Kakatapos lang ng shift namin dalawa ni Adrian at kaagad din naman akong nagbihis ng damit sa locker room. Diritso akong pumunta sa second floor ng convenience store para puntahan si Adrian. Doon kasi siya kadalasan tumatambay sa tuwing natatapos ang shift namin para magpahinga muna for a minute or two. "Adrian," Saktong kumakain siya ng Ice cream pagkatawag ko sa kanya. Nilingon niya naman ako at as usual, walang gana niya pa akong tinignan. "Yes?" Tipid talaga as always. Cute. "Di ka pa uuwi?" Umupo pa ako sa upuang kaharap lang ng kinauupuan niyang table. "Or are you free some time tonight?" "Uuwi ako maya-maya rin. Mag-aaral din ako sa mga copies mamayang gabi dahil sobrang behind na ako sa mga lessons." Paliwanag pa niya. Oh yeah, naalala ko na scholar student pala siya sa Goodsman. Not to mention how he studies a lot to the point na wala na siyang pahinga. Guess I won't invite him, then. I'll respect his time and space. "Saan ba ang bahay niyo? Hatid na kita." "Thanks but no thanks, Trescious. I can walk on my own." What a feisty guy. Napatawa nalang ako ng mahina sa sagot niya. "May nakakatawa ba?" Taas kilay niyang tanong. I just shook my head and sweetly smiled at him. "Nothing. You're just too cute." He really does. Kahit naman siguro anong pagmamataray ng lalaking to, I will still find him adorable. Di na siya sumagot at patuloy nalang sa paglick sa kanyang ice cream. Anyways, I can't invite him to the sleepover since he is really busy. Might as well go there first. Kailangan ko pang bantayan ang mga loko dun baka kung ano-ano na ang mga pinagagawa nilang kalokohan dun. Tatayo na sana ako nang biglang magsalita si Adrian. "Trescious, can I ask you a question?" Adrian Evans' POV Kaya pala nandirito ang mga kagwang sa complex dahil may pa sleepover party pa sila sa dorm ni Gomez. Not that I care anyway, bahala sila magkagaguhan. At isa pa, hindi ko alam kung ano talagang ganap ng bawat-isa sa mga kagwang dahil in the first place never akong inaadd nila sa Groupchat ng section namin--este nila. I don't proclaim myself to be part of that hell section. "Didn't expect na dito ka rin pala nakatira sa complex na'to, Adrian," And yes, I forgot to mention na makikiparty din tong si Trescious doon kay Gomez. Sabay kami ngayong umakyat papuntang pangalawang palapag kung saan nakalocate ang room ko at ng kagwang na Gomez. "Yeah." Tipid kong sagot sa kanya. Tumigil pa ako sa paglalakad nang nasa tapat na ako ng pintoan ng room ko. Kaagad ko ring hinarap si Trescious na nakapamulsa. "Alam mo naman siguro ang kwarto ni Gomez, diba?" He nodded. "Then, bye now." Tugon ko pa at ipapasok ko na sana ang susi ko sa doorknob nang bigla pang hawakan ni Trescious ang kanang kamay ko. "A gift for you." Huling banggit pa niya at naglakad na sa direksyon kung saan ang kwarto ni Gomez. Tiningnan ko pa ang kamay ko kung anong nilagay niya dun. It was a cute stuffed blue colored rabbit keychain. Didn't think na mahilig pala sa ganitong style ang lalaking yun. Oh well, I appreciate the thought anyway. Pinulot ko pa ang binigay ni Trescious at pinaikot pa ang mismong rabbit. Kunot-noo kong pinatigil sa pagpaikot ito nang makita ko ang mga naka engrave na words sa likuran ng rabbit. "This reminds me of you." Pagbasa ko pa. What the heck?! Why am I blushing? F*ck! --The Only Bottom At Section Top--
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD