Title: The Only Bottom At Section Top Written By: Hikahikahikarichi Chapter 020: Grocery Adrian Evans' POV Ipinatong ko pa ang magkabilang kamay ko sa glass window namin para tingnan ang mga bata sa labas. Wah. Ang sasaya nila na naglalaro ng tagu-taguan. Usto ko rin sumali. Kita ko pa kung paano habulin nung taya yung isang batang bigla nalang lumabas sa likod ng isang puno, dali-dali pa silang paunahan sa pagsabi ng 'save'. Ang saya siguro pag may mga kalaro no? Sana ako din. "Ah-," Bulalas ko pa nung makita kong natumba pa sa lupa yung isang batang babae na lumabas sa kanyang pinagtataguan doon sa likod ng plywood. Panay iyak pa siya ng iyak dahil sa tingin ko nasugatan yung isang tuhod niya at dumudugo pa ito. Kawawa siya. Usto ko siyang tulungan pero di ko magawa. Hindi ako

