Hindi namalayan ni Van Grego na papalapit na sa kanya ang isang pigura ng isang tao. Nagulat na lamang siya ng pumunta ang hindi niya kilalang tao na isa ring Cultivator sa kanyang harapan. Doon lamang siya naging alerto. Ito ang isang katangian ng mga Cultivator, kagaya ni Van Grego, kahit sinong makakaramdam ng malalakas na enerhiya at aura sa isang kapwa Cultivator o anumang nilalang, agad na tinataas nila ang kanilang depensa sa maaaring maging masama at surpresang atake. Ito ang tinatawag na isang natural na instinct ng mga Cultivator. Isang biyayang ibinigay sa mga nilalang na nagsasagawa ng Cultivation. Isang pambihirang kakayahan sa lahat ngunit kung mahina ka, kamatayan o malalim na sugat pa rin ang iyong kahihinatnan. Agad na tiningnan ni Van Grego ang taong nasa kanyang ha

