Ang nasaksihang rituwal ng pagbabasbas ng kalangitan sa isang hindi pa ganap na Martial Whale Beasts ay nagpahanga sa kanya. Marami siyang nakuhang impormasyon ukol dito. Tunay ngang mas pinagpapala ang mga Martial Beasts ng kalangitan kahit na sumusunod ang mga ito sa Law of Jungle kahit ang mga tao man ay ganun din ang paraan upang mabuhay. Tanging malakas lamang ang nagkakamit ng lahat ng mga bagay sa mundong ito pero sa lagay ng isang sa mga Martial Beasts, mas pinahahalagahan sila ng kalangitan. Hindi man gustong isipin ito ni Van Grego pero yun talaga ang maiisip ng kung sinuman ang nakasaksi sa mga nagaganap ngayon. Ang kaninang malakas na ulan ay ngayon ay tumila na dahil na rin sa espesyal na kaganapan ngayon. Makikita sa ngayon ang kabaligtaran ng estado ng tao at Martial

