Sa isang iglap ay napunan ang agwat ng distansya ng tatlong Lider at ng apatnapu't-limang mandirigmang Cultivator. Ngayon ay waalng nais gumalaw o mag-umpisa ng anumang ingay. Tahimik lamang na nagmamatyag ang mga Mandirigmang Cultivators sa magiging kilos ng tatlong noo'y ginagalang nilang lider ngunit ngayon ay isang matindi nilang kaaway. Maya-maya pa ay gumalaw ang tatlong lider sa iba't ibang direksyon na animo'y iisa ang katawan nila sa hangin. Nagkakaroon ng mararahas na hampas ng hangin kapag nadadaanan ng mga ito. Maya-maya pa ay maririnig ang palahaw ng isang Cultivator. "Arrrrgghhhhh!" Sambit ng isang mandirigmang Cultivator ng madaplisan siya ng isang punyal. Alam niyang si Zenori Cartagena ang dumaplis sa kanya. "Oppppsss!" Sambit ng isang boses na alam nilang galing kay Ze

