Napakahirap magkaroon ng ganitong pambihirang bagay ang ni isa sa kanila. Siguradong malaking Contribution Points ang ipinalit ni Robi Farnon sa Invisible Air Bubble na ito. Kajit na pandalawahang tao lamang ang pwedeng isakay nito ay malaking bagay pa rin ito at napakabilis din nitong lumipad idagdag pang hindi ito mawawasak ng sinumang Cultivator na may ranggong Bloodline Awakening Stage pababa. Alam ni Robi Farnon na hindi malalakas ang mga lider ng tatlong department na nasa Bloodline Awakening Stage pa lamang kung Kaya't kampante siyang hindi sila magagalaw ng mga Cultivators na mga ito. Agad na in-activate ni Robi Farnon ang isang Invisible Air Bubble. Ito ang unang beses na gagamitin niya ito ng may kasama at iyon ay ang inip na inip ng si Lona Silvario na para sa kanya ay likas na

