"Masyado ng nagkakaroon ng mahiwagang pangyayari sa sakop ng Teritoryo ng Three Great Continents, ano ba ang maaari nating gawin ukol dito Apo Cinio?" Sambit ng nakaasul na roba habang kaharap niya ang matandang kulu-kulubot na ang balat nito. Ang asul na robang lalaki ay isa sa direktang sugo o disipulo ni Apo Cinio na siyang nangangalap ng impormasyon ukol sa bagay-bagay na kanilang isinisekreto a lahat ng mga Cultivators upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga tinatawag na pagkakagulo. Medyo may kaedaran na ang lalaking nakaasul ngunit makikita ang kanyang natural at mapayapang enerhiya na hindi nabibilang sa mga mortal. Dalawang daan taong gulang na itong nabubuhay at patuloy na nagseserbisyo sa kanyang guro noon at kahit na hindi na siya maaaring turuan upang maglakbay ay mas pinili ni

