Hindi namalayan ni Van Grego na nakatulog na pala siya ng bumalik siya sa Alchemy Powerhouse Association. Siguro ay normal na rin ang tumulog paminsan-minsan lalo pa't ang sobrang pagod ay nangangailangan pa rin ng pahinga at pagtulog. Hindi pa rin siya maituturing na isang immortal sapagkat mahabang panahon pa bago niya marating iyon. Kailangan niya ng mahabang oras na pag-uukulan sa pagpapataas ng lebel ng ranggo at pagpapalakas sa loob at labas ng kanyang katawan. Isa itong masalimuot na katotohanan sapagkat kailangan mong humarap sa mga matitinding mga pagsubok at mga mabibigat na suliranin upang maging ganap na Cultivator. Kailangang maglakbay at iwan ang iyong mga mahal sa buhay upang sumabak sa matinding mga labanan. Lakas at kapangyarihan ang kailangan, ito ang itinatanim palagi ni

