Philippines
September 11 ,2019 sa eksaktong oras na 10:43 ng umaga .
Quezon City, Metro Manila Philippines.
Mainit ang sikat ng araw na para bang makakasunog ito ng balat sa tuwing lalapat ito sa iyong katawan. Normal na araw para sa lahat. Makikita ang mga sasakyan na buma-byahe pati na rin ang mga tao na masayang naglalakad sa kalsada sa kabila ng tirik na umagang iyon.
Sa isang malawak na parke na tinatawag nilang Quezon City Circle may isang estudyanteng dalaga na naka hawak sa kanyang cellphone na tila may tinatawagan ang napahinto na tila may tinitignan sa malayo.
Pariwari nya ay may isang babae syang nakikita sa kalayuan na tila ba ay kakaiba ang postura ng pagkakatayo.
Nagpaalam sya sa kanyang mga kasama na noong mga oras na iyon ay masayang nag kwe-kwentuhan.
Unti unti syang lumapit sa babaeng nakatalikod sa likod ng puno . Mabilis man ang t***k ng kanyang puso na parang tambol sa lakas ng kaba ay nag lakas parin sya ng loob lumapit rito. Dahan dahan syang sumisipat sa babae nang mapansin nya na kakaiba nga ang postura nito sa pagkaka decribe nya sa babae ay para itong nabalian ng buto dahil naka pwesto ito ng parang namimilipit sa sakit at may mga unnecessary movements na hindi naman ginagawa ng isang normal na tao.
“Ale, uhmm. Okay lang po kayo?” pagtataka nyang wika.
Hindi lumingon ang nasabing babae pero labis na ikinagulat ng dalaga na muntik pa syang mapasigaw nang makita nya sa ibabang bahagi nito ang napakaraming dugo na nag kalat.
Napasubsob sya sa kanyang kinatatayuan, nanginginig ang mga labi na parang nag yelo sa tigas dahil kahit ito ay hindi nya na maibuka sa takot. Wala rin lumalabas na boses kahit pilitin nyang sumigaw.
Humarap sa kanya ang kaninang babae na gusto nyang makita. Labis na takot ang sumakop sa dalaga nang makita nya ang babae na halos lumuwa ang mata nito na namumuti na , tapyas din ang mukha nito na halos matuklap na pagkaka deformed. Duguan ito at paika ika kung maglakad na tila hirap na hirap. Sa magkabilang kamay nito ay tila may hawak ito na masasabi nating lamang loob ng isang tao. Walang pakundangan na nilamutak ito ng babae at kinain, para itong gutom na gutom sa pag nguya sa karne ng tao, makuhat man pero sarap na sarap ito. Umuungol din ito na parang nasasaktan.
Nang makita nito ang kawawang dalaga na kanina pa gulat na gulat sa nasaksihan ay nilusob nya agad ito at kinagat sa balikat. Doon na napasigaw ang estudyanteng babae at napa hingi ng tulong.
Nagkagulo ang mga tao na naroroon noong mga oras na iyon. Pero imbis na tumulong at tumawag ng saklolo ang mga iba pa rito ay inilabas ang kanilang mga camera at cellphone at kanya kanyang kuha ng larawan at video na tila wala silang pakealam sa nangyayari sa paligid nila, mas inuna pa ang video bago tumulong.
Malalakas na sigaw ang susunod na maririnig sa buong paligid dahil sa paglusob ng mga kaparehas na nilalang . Nagkagulo sa pag takbo ang lahat subalit wala silang nagawa dahil sa isang iglap ay mabilis na dumami ang mga nilalang na kumakain ng tao.
Sa maikling oras napuno ng dugo , sigawan at hinagpis ng mga taong humihingi ng tulong at sumisigaw ng saklolo. Ang kaninang mga tao na tila unbothered sa nangyayari ngayon ay naging tanghalian ng mga nilalang na gutom sa laman.
buong paligid ay nagkalat ang dugo na kahit sobrang init ng araw na iyon ay napalitan naman ng lamig ng mga bangkay ng mga kinakain na tao.
Kumalat ang balita sa telebisyon at radyo sa buong bansa marami rin mga syudad ang nagsara ng kanilang border upang walang makapasok, pati rin ang mga paliparan at barko ay itinigil pero kahit anong gawin nila ay hindi na mapipigilan ang delubyong ito.
Hanggang isang araw ang nasabing virus ay hindi lang pala sa Pilipinas kumalat kasabay pala sa ibat ibang panig ng mundo. Hindi nila malaman kung sa ibang bansa rin ba nag mula ang unang kaso ng virus na ito o meron na talaga sa Pilipinas nito bago pa madiskubre.
Ginawa lahat ng mga sikat at magagaling na sayantipiko ang pag aaral rito pero hindi talaga nila matukoy ang pinag mulan nito. Hindi rin siguro kayang tapatan ng advance technology ang ganti ng kapalaran sa sanlibutan.
Maraming katanungan ang hindi masagot at kung masasagot man ay huli na ang lahat.
Kasing bilis ng pagkalat ng nasabing virus ang bilis ng takot ng mga taong lumalaban araw araw upang hindi sila maging hapunan ng mga kakaibang nilalang. Ang pera sa panahong ito ay wala nang halaga. Mayaman ka man o mahirap may bahay at kotse, lahat iyon balewala na. LAHAT AY PANTAY PANTAY NA .Hindi na mahalaga ang kayamanan o katayuan mo sa buhay ang importante ay makaligtas ka at hindi maging kagaya nila.
Kahit ang mga militar na tanging sandalan ng mga mamamayan ay wala rin nagawa sa mga nilalang na tinawag nilang mga “ZOMBIES”
Ito ay mga pinag halong namatay na katawan ng isang tao na napasukan ng kakaibang virus na kung saan kakainin ang mga utak nito at muling bubuhayin pero sa kakaibang anyo, at ito ay magugutom sa laman ng tao at dugo. Wala silang pag iisip na tulad ng isang normal na tao subalit napakalakas nila at wala sa katinuan na ang nais lamang ay kumain at pumatay.
Nagkasa ng all out war sa ibat ibang panig ng mundo laban sa mga zombies upang mailigtas ang mga tao sa apocalypse na ito.
June 05 2020 , Manila Philippines 5:01 pm
Ilang buwan lamang ang lumipas mula sa una nitong pagkalat halos maubos na ang mga tao sa Pilipinas at pati sa ibat ibang panig ng mundo. Kawalan ng pag asa yan ang nararamdam ng mga tao sa panahong ito. Siguro iniisip na lamang nila ang oras na kung kailan sila mamamatay o makakain ng mga nilalang na tinatawag na zombies.
Lahat ng mga nakaligtas ay nagpunta sa iisang lugar na sentro ng kapital, ang Manila. At doon ay nagtayo ng barikada upang walang makapasok na infected at ang mga papapasukin lamang ay ang mga siguradong survivors.
Lahat ng ahensya ay doon lumipat , komersyo, hospital, presinto, kalakal at militar iyon na lamang kase ang natitirang ligtas na lugar na marami pa ang mga survivors.
Doon nagtayo sila ng panibagong maliit na gobyerno upang mamuno sa kadahilanan na halos karamihan sa mga namamahala noon ay namatay o di kaya nakain ng mga zombies.
Makalipas lamang ang maikling panahon ay nakapag assigned sila ng panibagong presidente sa katauhan ng isang butihin at maunawain na lalaki. Ang kanyang puso at isipan ay para sa lahat ng mga survivor inuna nya ang kaligtasan at kalusugan ng mga ito, binigyan nya ng mga makakain at mga prebelehiyo bilang isang normal na tao.
Subalit, hindi lahat ng nahalal ay kagaya ng presidente, may mga opisyal na hindi pabor sa kanyang maluwag na pamamahala at bukas palad na kabaitan. May mga palihim na nagtatago sa dilim na ang layunin ay purong kasamaan lamang.
December 01, 2020 Manila Philippines
Ipinadala sa isang zombie area ang grupo ng mga siyangipiko upang pag aralan ang pwede maging lunas sa outbreak na ito sa pangunguna ni Dr Villegas isang magaling na Scientist at virologist .
Subalit matapos ang ilang buwan ay nawalan na sila ng komunikasyon rito at hinihinalang namatay na.
Bago ang huling pag uusap nakapag bigay pa ito ng balita na nasa 1st phase clinical test na ng nasabing lunas sa outbreak na ito subalit, pagkatapos noon ay wala na silang natanggap na tawag o balita sa nasabing doktor.
2 years later .
December 01, 2022 exact 12:00 ng hapon
Isang araw, naghain ng motion ang presidente na ang mga nakakulong ay ipawalang bisa at palayain para na rin makasama nila ang mga pamilya nilang matagal na nilang hindi nakikita.
Natural may mga sumang ayon sa presidente at meron naman hindi. Ayon sa nangungunang sumasalungat na si Gobernador Sanchez ay walang karapatan na pakawalan ang mga kriminal dahil dapat pagdusahan nila ang ginawa nilang kasalanan kahit ba dumadaan ang mundo sa zombie outbreak. Nilapag nya rin na maaring maging banta sa kaligtasan ang ibang mga preso na may malalang kasalanan at magdulot lamang ng kaguluhan.
Maraming sumang ayon sa Gobernador , marahil ayaw rin nilang isugal ang kaligtasan nilang mga buhay. Ito naman ay tinapatan ng paliwanag ng Bise Presidente na si Sonia,sang ayon ito sa presidente at nangatwiran na sa kakulangan na nila ng kasundaluhan ay pwede maging malaking tulong ang mga preso bilang alternative forces ng sandatahan.
Nagka gulo at samo’t saring reaksyon ang maririnig sa paligid dahil sa magkabilang suwestyon ng mga panig.
Nagkaroon sila ng botohan , at ang nanalo ay ang utos na hindi palayain ang mga kriminal, Ikinatuwa ito ni Gobernador Sanchez.
Subalit , isang tinig mula kay Sonia ang maririnig. Isang offer na kahit ang sakim na si Gobernador Sanchez ay hindi matatangihan.
“I-rerekomenda ko na magpadala tayo ng mga notorious criminal yung mga kriminal na mataas ang sintensya o may malaking kasalanan upang manguna sa misyon na hanapin ang lunas na nagawa ng butihing doktor na Dr Villegas, dalawang taon na ang nakakaraan . Sa ganoon hindi na naten iisipin kung saan natin sila pwedeng gamitin. “
“Kung sakaling mamatay sila sa misyon madali naman naten silang palitan, sa ganoong paraan mapapakinabangan naten ang mga kriminal na sinasabi ninyong salot at banta sa kaligtasan”
Ang mga salitang ito ang nagbago sa tono ng mga opisyal maging si Sanchez ay hindi nakapag salita marahil may punto rin ang bise presidente. Sumang ayon ang karamihan sa offer, at ito ay inilabas sa presidente at pinirmahan kalakip nito ang mga kasunduan sa mga papayag sa misyong ito.
DECEMBER 05, 2022 8:00 am ng umaga
Apat na araw matapos ang meeting na iyon.
Lumakad na upang bumyahe ang tatlong armored truck palabas sa resettlement camp dala ang mga napiling kriminal.
Tahimik na pinag mamasdan ni Gobernador Sanchez mula sa kanyang opisina ang pag alis ng sasakyan. Halos sumabog ang ugat nito sa inis habang pagalit na pinunit ang papel na kanyang hawak.
“Sisiguraduhin kong hindi na makakabalik ang mga yan “
mga huling salita na lumabas sa kanyang bibig.
Habang sa opisina naman ng presidente ay isa isa nyang pinipirmahan ang mga papel ng mga kriminal na sumama sa misyon. At nang matapos ay isinara nya ang book folder na iyon. Na may nakasulat na.
“Please keep confidential! property of government.”
“Operation CRIMINAL UNDEAD “