Quezon City, Philippines
December 12, 2022 exact time 7:10 pm
7th day of the mission.
Narrator’s POV
Bilog na bilog ang buwan na naglalabas ng napaka lakas na liwanag na humaharang sa kadiliman ng gabi. Magulo at sira ang buong paligid na tila maaninag ang kawalan ng buhay at pag asa sa lugar.
Mga putok ng baril ang maririnig lamang na mula sa isang mataas na establishment.
Nagmamadaling tumatakbo sila John at ang iba pa paakyat ng hagdan habang tila hinabol sila ng mga zombies sa kanilang likuran.
Napakarami ng mga ito na tila gigil na gigil sa kanila na makain. Isang sundalo ang nadakma ng isang zombie at napaluhod ito agad namang kinagat ito sa mukha at sinunggaban din ng iba pang mga kasama , mabilis ang pangyayari wala nang nagawa sila John kundi umalis at magpatuloy magpa putok. Ilan pa sa mga sundalo ang nakuha at nakain ng mga zombies habang sila ay papaakyat sa hagdanan.
Isang abandonadong facility ang kanilang napuntahan at ang tanging ligtas lamang na lugar rito ay ang ika 6th floor na kung saan naroroon din ang iba nilang kasama. Subalit bago sila makarating rito ay kailangan nilang umakyat sa napaka sikip na hagdanan paakyat . Madilim sa facility na iyon dahil nakapatay ang buong kuryente at walang nagsisilbing ilaw tanging ang mga flashlight lamang nila ang nagsisilbing liwanag sa mala impyernong sitwasyong iyon.
Lima sila na magkakasamang umaakyat ito ay sina John, Richard, Lemuel, Julian, at Anton.
May kasama silang iilang sundalo na kanina lang ay nakain na.
Masikip ang hagdan at sa lapad nito ay pang isahan na tao lamang ang magkakasya. Kaya naman nakapila silang tumakbo at ang nasa dulo ay si Lemuel na tila tuwang tuwa pa sa nangyayari. Tumatawa pa ito habang patuloy na nagpapaputok ng baril
“Huy ! Manyakis. Wag mo sayangin bala mo “ wika ni Richard na nasa pangalawang dulo ng pila .
“Wag ka nga makealam dyan tabachoy ka ! ako lang, at yung nasa unahan na lalaki ang may baril sa ating lima, kapag tumigil ako magpa putok katapusan na naten “
Patuloy parin silang tumatakbo at ang mga zombie naman na humahabol sa kanila ay malapit na silang maabutan.
“Malapit na sila sa atin. Bilisan nyo ! “ wika ni Dr Julian
“Madilim ang paligid kailangan naten mag dahan dahan” sambit ni Anton.
Nang biglang nadapa si Dr Julian na pangalawa sa pila dahilan upang ang mga sumunod sa kanya na sina Anton, Richard at Lemuel ay nadapa rin. Papalapit na ang mga zombie sa kanila habang sila naman ay nangangapa habang tumatayo problema pa ang kadiliman ng paligid kaya hirap sila magkakitaan. Si John na nauna na ay tinulungan sila makatayo. Papalapit nang papalapit na ang mga zombies at hindi pa sila nakakatayong lahat.
“Hoy Tabachoy tumayo ka kana dyan. ako yung unang makakain nila pag hindi ka dyan tumayo ! malapit na sila ! “ sambit ni Lemuel
“Te…teka ang bigat ng katawan ko “ sagot ni Richard.
“Buysit !!! Alis ka nga dyan! teka nasaan ang baril ko? “ pagtataka ni Lemuel habang naghahanap sa baril na kanyang ginagamit ,malamang ito ay gumulong na pababa ng hagdan at sa dilim ay hindi nya na ito napansin noong nadapa sya.
Sobrang lapit na ng mga zombie na humahabol sa kanila rinig na ni Lemuel ang mga palahaw nito na palakas nang palakas.
“Oyyy oyy oyy !! paakyat na sila rito “ tarantang boses ni Lemuel.
Naitayo na ni John si Dr Julian at si Anton kaya naman naiakay din nila si Richard paakyat. Agad naman na nakakita ng bukas na pintuan si John at doon itinuro sa mga kasama na pumasok.
Pumasok sila rito habang si Lemuel ay natatarantang hinahabol ng mga zombies sa likuran nito.
“Tulungan nyo ako !!! ARGGHHHH !! “ pagpalahaw nito.
iniabot ni John ang kanyang kamay kay Lemuel at mabilis na hinila ito papasok sa pinto.
Narinig pa nila ang mabibilis na pagdaan ng mga zombies sa pintuang kinaroroonan nila. Halos hindi sila makahinga sa kaba at pilit na tinatakpan ang mga bibig upang hindi sila makita ng mga ito. Isang mali lamang ay pwedeng mag resulta ng katapusan nila.
Nang medyo mahina na ang kanilang naririnig ay sabay sabay silang napahiga sa sahig ng kwartong pinasukan nila. Binuksan ni Anton ang flashlight at itinutok sa paligid ng kwarto , madilim ito at magulo dahil sa mga nagkalat na upuan at lamesa , mga basag na salamin at computer.
Pag tutok nya sa isang bahagi ng kwarto ay nagulat sya dahil may nakita syang kumakain ng laman ng tao ,dalawang zombie na may kinakain na sundalo. Isa ito sa mga kasama nilang sundalo kanina. Sarap na sarap ang mga ito habang ngumunguya ng mga parte ng nasabing sundalo.
Sa takot senyas lamang ang naibigay nya sa mga kasama na agad naman nilang naitindihan. Nag senyas din si John na subukan ni Anton na umatras ng dahan dahan nang hindi ito nakakalikha ng anumang ingay na pwedeng mag trigger sa mga ito. Tumango naman si Anton at nagsimulang umatras. Nakakalimang hakbang na sya nang biglang may matapakan syang matunog na bagay na agad nagpabago sa kilos ng mga zombie. Nakita sya ng mga ito.
Mabilis ang mga pangyayari agad na sinugod si Anton ng babaeng zombie subalit naitulak ito ni John na agad inibabawan ang naturang infected na zombie.
Namilog ang mata at bibig ni Anton sa takot at gulat hindi sya makapagsalita habang inakay naman sya ni Dr Julian sa pagtayo.
Nakikipag pambuno naman si John sa naturang zombie, sobrang nakakatakot ang itsura nito na putian ang mga mata, sira sirang mga ngipin na naglalabas ng pulang likido sa bunganga. Mapapansin din ang ungol nito na animoy nahihirapan at nasasaktan. Pinipilit nito makagat si John pero sakal sakal ito ng lalaki.
“ Paki… paki kuha ng baril bilis ! “ wika nito
Agad na nakita ni Anton ang baril na nakalapag sa sahig kinuha nya ito at iaabot sana subalit hindi ito makuha ni John dahil masyadong malakas ang zombie dahilan upang hindi nya ito bitawan.
“Barilin mo Anton ! bilisan mo! makakawala na ‘to” pag uutos ni John
Itinutok ni Anton ang baril at ipinutok nito subalit sa katawan lang ito tumama nanginig lamang ang zombie subalit hindi ito natinag.
“Sa ulo mo barilin. Ang mga infected zombies ay may capabilities na ma immune sa mga bala dahil patay na ang kanilang mga muscles,tanging ang utak na lamang nila na kinain na ng virus ang nagpapakilos sa kanila.” wika ni Dr Julian
Itinutok uli ni Julian ang baril subalit masyadong magalaw ang zombie kaya hindi nya matutok sa ulo nito isabay pa ang kadiliman ng paligid. Hanggang may isa pang infected zombie ang dumakma sa likod ni Dr Julian, agad na nag panic sina Anton at iba pa. Dinakot ni Richard ang zombie sa likod nito at saka inihagis. Sa laki ng katawan at tangkad ni Richard tiyak mababalian ng buto ang nasabing zombie. Nakita nila na tumayo ito at basag ang bungo sa ulo nito. Nag tunugan ang mga buto nito sa katawan nang gumalaw ito na para bang lasing at sumugod ng paika ika. Agad naman itong pinag susuntok ni Richard.
Patuloy parin na itinututok ni Anton ang baril habang sina John at Richard ay nakikipag laban sa mga zombies. Si Dr Julian at Lemuel naman ay nagsumiksik sa gilid ng nasabing kwarto.
Sinuntok ni Richard nang ubod ng lakas ang zombie dahilan upang ang ulo nito ay umikot ng 360 degrees at nag tunugan ang mga buto at naputol na agad itong bumagsak sa sahig.
Nang makakuha ng tamang pwesto si John ay sinipa nya ang zombie at kinuha ang baril kay Anton at pinaputukan ito sa ulo ng napakaraming beses na agad nitong ikinamatay.
Nang matapos ang lahat nakahinga na sila ng malalim at kinamusta ang isat isa kung meron bang nasaktan o nasugatan. At sa kabutihang bagay naman ay wala sa kanila ang napahamak.
Ayon kay Anton nasa 6th floor ang kanilang mga kasamahan at kailangan nilang makaakyat roon. Ngayon ay nasa 4th floor sila at nai-stranded, hindi rin sila makalabas dahil may mga zombies na naglillibot sa labas ng kwarto.
Mas minabuti na lamang nila na magpahinga muna doon at wag lumabas para sa kanilang kaligtasan.
“okay ka lang ba ?” wika ni Richard sa kanyang kaibigan na si John.
tumango lamang ito at nagpasalamat.
“magpahinga ka muna pare, ako muna magbabantay.” dagdag uli ni Richard na hiniram ang baril ni John at pumunta sa bungad ng pinto.
“Hoy! ikaw payat na adik , samahan mo ako magbantay rito habang sila ay nagpapahinga“ pagwiwika ni Richard na tinutukoy si Lemuel.
“Ako? problema mo sa akin, gusto mo gilitan kita sa leeg? “ pagalit na tono ni Lemuel na akmang lulusubin si Richard
“Tama na mga pare , wag na kayo mag away walang magandang maidudulot yan at saka dapat tayo ay magtulungan “ pag awat ni Anton.
Tumahimik ang dalawa at nagbantay na lamang sa b****a ng pintuan.
Habang si John naman ay naka upo at halatang inaantok na sa pagod at stress sa pakikipag laban sa mga zombies. Nakita nya sa sahig ang isang dumbel na ginagamit sa pagbubuhat at mayroon syang naalala rito.
——————————————————————
(Flashback)
2018 Mandaluyong City, Philippines.
Sobrang dami ng mga nag iinquire at nag fo-follow sa pag papa member sa isang gym kung saan nag tratrabaho noon si John bilang isang Gym Instructor.
Si John Stewart (25 years old) isang Filipino-Canadian maputi at blonde ang buhok mapapansin din ang kanyang asul na asul na mga mata.
Dito na lumaki sa Pilipinas at nagkaroon ng asawa at pamilya. Nag tratrabaho sya bilang isang gym instructor sa isang sikat na gym sa Mandaluyong. Matangkad , maganda ang hubog ng katawan at dedicated sa kanyang propesyon ganyan mailalarawan si John, kaya naman hindi nakakapag taka na sobrang dami nyang kliyente at mga followers dahil hindi lang sa kanyang kagandahang pisikal na anyo mabait din sya sa lahat at magalang. Kalmado din sya sa lahat ng sitwasyon at hindi mo makikitaan na nagkaroon ng kaaway.
“Maraming salamat sa isang solidong araw boss John sa uulitin” sambit ng isang trainee na kanyang tinuturuan sa basic gym etiquette.
isang matamis na ngiti ang iginanti ni John sa lalaki sabay umalis na.
Araw araw ay ganito ang buhay ni John hindi naman sya na bo-boring dahil ito ang kanyang passion sa buhay ang turuan ang mga tao sa pagiging fit and healthy.
Bukod sa magaling sa trabaho mabuti rin syang asawa kay Lorena na isang butihing housewife . Maganda at positibong babae ganyan si Lorena, dalawang buwan na itong buntis sa una nilang anak.
Lahat ay masaya, masasabi nating si John ay larawan ng isang perpektong pamumuhay. Subalit lahat ng iyan ay may hangganan.
Nang isang araw ay may mga pulis ang nag raid sa bahay ni John at hinuli sya dahil sa hinihinalang nagtatago ng mga pinag babawal na gamot.
“Lorena. wag ka mag alala, mahal ko, babalik ako .“ wika ni John habang yakap yakap ang asawa nito na umiiyak .
“John, please wag mo ko iwan. Walang kasalanan ang asawa ko! hindi sa amin yang mga droga na nakuha nyo pakiusap pakawalan nyo sya!! wala syang kasalanan “ pagsusumamo ni Lorena sa mga pulis na humuli kay John.
Itutuloy..