Chapter 2: John Stewart

2509 Words
(FLASH BACK) (JOHN’s POV) “Nahulihan ang nasasakdal ng hindi bababa sa tatlong gramo ng cocoaine, dahilan upang sya ay mahatulan na guilty at makulong ng 10 hanggang 20 years of imprisonment sa kulungan “ Yan ang mga salita na aking narinig noong araw na iyon, masakit sobrang sakit. Wala akong kasalanan pero ako ang naipit sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. Hindi na nila ako binigyan ng pagkakataon na ma test muli at ipag laban ang aking sarili. Ngayon sino na ang mag aalaga at pro protekta sa aking asawa? ano na ang mangyayari sa kanya, pati sa aming anak. Bilibid Prison Year 2018 Matapos mahatulan ako ay dinala sa bilanguan upang doon pag bayaran ang aking kasalanan. Napakahirap ng naging buhay ko roon , hindi ako sanay sa init at siksikan sa iisang selda na para kaming mga sardinas sa tuwing sasapit ang gabi. Kapag matutulog naman ay halos tumayo na lamang ako para magkasya at makaraos. Sa umaga naman ay pinapagawa kame ng mga mabibigat na gawain at pinapakain ng mga pagkain na parang hindi pagkain ng tao. Ganito pala ang buhay sa loob ng selda. Ganito pala ang buhay ng isang kriminal. Ilang buwan ang lumipas ay unti unti kong nakakasanayan ang mga ginagawa namin sa loob, Nakaka adjust na ako at tuluyang nakakalaban sa hamon ng buhay, subalit sa kabila ng pagiging malakas at positibo ko sa laban, may isa akong bagay na hindi ko kayang labanan. Ito ang lungkot sa pagkawalay ko sa aking asawa. Araw araw akong nakakatanggap ng sulat mula sa kanya at doon napapawi ang aking kalungkutan. Lumipas pa ang ilang buwan at marami na akong naging kakilala sa kulungan at naging kaibigan, nasasangkot narin kame sa ibang kaguluhan dahil sa ibat ibang kaaway na grupo sa loob. Isa na rito ang grupo ng Boyz Mandato na pinamumunuan ng amo nilang si Tonyo Mandato. Sila ang hari ng selda at kapag may kumakalaban sa kanila ay tiyak pupuruhan nila hanggang mamatay. Isang araw napag tripan ako ng mga bata ni Tonyo habang pabalik sa aking selda , limang kalalakihan na may dalang ice pick ang nagtangkang saksakin ako subalit dahil mabilis ako umiwas ay nakailag ako at nakipag suntukan. Napabagsak ko silang lima at noong araw na ring iyon ay naging markado ang buhay ko sa kanilang grupo. September 9, 2019 Umaga noon, habang kame ay kumakain sa pantry ng bilangguan ay biglang may lumapit sa akin na lalaki. Malaki ito at maraming tattoo sa katawan, nakilala ko sya , at sya si Tonyo. Walang salita na binalibag nya ang lamesa dahilan upang matapon ang aking kinakain. Sinuntok nya ako at gumanti naman ako. Nagpang abot kame sa gitna habang ang iba naman ay nanunuod at parang tuwa tuwa pa sa nangyayari. Naglabas sya ng balisong at itinutok sa akin, normal na gawain kapag natatalo na sa suntukan. Bago nya pa ako masugod ay may isang lalaki na sinuntok sya at binalibag din. Matapos noon hindi na nakatayo si Tonyo. Gulat na gulat ang mga naroroon at hindi makapaliwanag sa kanilang nasaksihan. Dumating ang mga prison guard at kame ay ikinulong sa bartolina. Nagpakilala itong lalaki na si Richard matangkad sya at matabang lalaki pero solido kung sumuntok. Matagal nya na daw akong binabantayan at hinahantay ang pagkakataon na iyon. Tinulungan nya ako dahil may atraso rin sa kanya si Tonyo. “Kakaiba yang muscles mo, konting workout lang sa chest mo tiyak mababawasan yang fats mo sa katawan” wika ko. Nagpakilala ako at sinabi ko na dati akong gym instructor kaya naman may alam ako sa pagpapalaki ng katawan. Natuwa sya at pabirong sinabi na kapag nakalaya kame ay turuan ko syang maging fit and healthy tumawa naman ako sa narinig. Gabi ng Setyembre 10 2019, habang kame ay mahimbing na natutulog ako ay nagising dahil parang may nangyayari na kaguluhan sa labas ng bartolina, ginising ko si Richard. Malakas na sigawan pero hindi ko alam kung ano ang dahilan, may mga putukan ring kaming naririnig. Pumasok ang isang prison guard na tila sugatan at hinihingal , isinara nya ang bartolina at nagsumiksik sa amin ni Richard, napakunot kame ng noo sa tagpong iyon, bakit sya papasok sa kulungan ng mga kriminal at tila takot na takot. Tinanong namin ang nasabing prison guard subalit hindi sya sumagot at sinabing may p*****n na nangyayari sa labas . Sagot naman namin ay natural at normal na araw naman na sa aming mga bilanngo na may p*****n na nangyayari, pero giniit nya na mga kakaibang nilalang ang may gawa kaya naman mas ligtas kung hindi kame lalabas sa bartolina. Napansin ko na tila may sugat na parang kagat ang kanyang braso, dumudugo pa ito na kanyang tinatakpan. Tinanong ko sya kung saan nya ito nakuha pero parang namimilipit sya sa sakit at pinag papawisan. Habang si Richard naman ay nakasilip lamang sa maliit na butas sa bartolina at wala itong naaninag kundi sigawan at putok ng mga baril. Nang biglang nangisay ang lalaki na tila sinasaniban , nataranta ako at si Richard sa nasaksihan. Ang lalaki ay paikot ikot ang katawan at naglalabas ng nakakarinding ungol na parang nahihirapan. Nakita rin namin na nagtunugan ang kanyang mga buto sa katawan dahil sa pamimilipit. Ang kanyang ulo ay bumaling pakaliwa at nakita ko na parang natitiklop ang kanyang mga balat sa mukha. Naglalabas at nagsusuka narin sya ng dugo.Ngayon lang ako nakakita ng ganoon at sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot. Namuti ang mga mata nito at parang wala na sa sarili na nagsisigaw at inaangilan kame ni Richard na parang mabangis na hayop. Umatras ako sa aking nasaksihan habang si Richard ay nakatayo sa likod nito. Maliit lang ang kwarto na iyon at kung sakaling sumugod sya tiyak ay mahuhuli nya ako. Para itong baliw na sumugod sa akin at tinangka akong sakmalin, sinipa ko ito nang ubod ng lakas subalit bumangon uli ito kakaiba na ang itsura nya na parang hindi na ito normal na tao. Nang sumugod uli ito sa akin ay kinapitan ito ni Richard sa likuran at ibinato sa sahig. “Yung susi. Yu… yung susi John , kunin mo sa kanya “ wika ni Richard . Kinuha ko ang susi sa nakatumbang lalaki at pinilit buksan ang pintuan ng bartolina , nang tumayo uli ito at sumugod, pinigilan ito ni Richard at sinabing ipagpatuloy ko ang pagbukas habang sya ang lumalaban rito. Ang daming susi kaya hindi ko alam kung saan naroroon ang para sa aming pintuan. Nakita ko si Richard na mag isang sumasagupa sa nilalang na masasabi kong parang halimaw na patay. At sa wakas nabuksan ko ang pintuan at lumabas kasama si Richard ikinulong namin ang nasabing nilalang sa bartolina at saka humingi ng tulong. Subalit imbis na pakinggan ay tinawanan lang kame ng mga prison guards na naka duty sa palapag na iyon. Nagalit pa nga ang mga ito dahil naistorbo ang kanilang masayang kwentuhan at pinag bintangan pa kame na tumatakas lamang. Kame ay pinosasan na magkasama ni Richard sa aming magkabilang kamay at dinala uli sa selda kasama ang iba pang preso. Walang naniwala sa amin , walang nakinig sa amin. At higit sa lahat wala silang alam sa pwedeng mangyari noong gabing iyon. kinakabahan kame sa posibleng mangyari sa aming buhay dahil nga sa aming nasaksihan habang ang mga kasama namin ay mahimbing ang mga pagkakatulog. “Richard, kailangan makatakas tayo rito. Masama ang kutob ko! anumang oras baka mayroong mangyari na kaguluhan. “ wika ko kay Richard na agad namang sumang ayon. Hanggang nagkagulo na nga, palahaw ng mga sigawan at putok ng mga baril ang maririnig at paghingi ng tulong mula sa mga kalakip na selda. Agad na nakita namin ang mga tila infected na tao na katulad sa nakalaban namin ni Richard sa bartolina. Halo halo na sila may mga prison guards at mga preso na hayok sa laman ng tao, noon lang ako nakakita harap harapan ng mga taong kinakain. Grabe ang kilabot ko at sindak habang nakikita na nginunguya ang braso ng isang patay na lalaki sa sahig , ang isa naman ay dinukot ang bituka at iba pang lamang loob at saka pinag pwestahan ang katawan. Meron pa ngang isa na buhay pa at pinagkakakagat sa ibat ibang parte ng katawan at hinila pa ang hita hanggang sa maputol ito. Nakita rin namin na sa katabi naming selda na tila mayroon nang na-infected at isa-isang kinain ang mga kawawang nasa loob. Sigawan at iyakan na lamang ang kanilang nagawa. Sumigaw si Tonyo na kasama namin sa selda na iyon. Ayon sa kanya walang lalabas at walang magpapakagat sa mga nasabing nilalang dahil baka ma infect din kame, umisip sila ng paraan kung paano kame makakalabas roon dahil kung hindi ay pare parehas kameng mamamatay. Isa lamang ang ma infect sa amin sa loob tiyak wala na kaming ligtas. Nasa likod kaming bahagi ni Richard at nakasiksik, tiyak kapag may na-infect sa unahan ay katapusan na rin namin dahil wala kaming ligtas. May isang guard ang nagtangkang buksan ang aming selda upang pakawalan kame subalit kinagat at kinain sya ng mga nilalang bago pa nya mabuksan ang pinto. May isang kasamahan namin ang pilit na kinukuha ang nalaglag na susi pero sya ay kinagat ng nilalang dahilan upang maputol ang kamay nito. Sa takot namin ay nagsigawan ang iba at nagkagulo, samantalang ang lalaking kasama namin ay nangisay bigla at tila nagpapakita na rin ng sintomas na kagaya sa kanila. Bigla itong nangagat ng katabi at sa mga sumunod na nakita nito. Labis ang sindak namin ni Richard dahil nagkagulo na ang lahat sa loob ang mas nakakatakot pa rito ay hindi pa namin nabubuksan ang pinto. Tiyak lahat kame ay mamamatay na sa loob. Isa-isa naming nakita na na-iincfect nang mabilis ang mga nakakagat na kasamahan namin sa selda at ang iba rito ay kinakain. Maduwal duwal man kame sa nasasaksihan kailangan naming makatakas para mabuhay. Agad na pumunta kame sa harapan ng selda kahit nagkakagulo na sa loob. Pinag susuntok ni Richard ang mga infected gamit ang isang kamay habang ako naman ay nakikisuntok din gamit ang isang kamay , sobrang hirap dahil naka posas pa ang ang aming magkabilang mga kamay. Nang makarating sa unahan at patuloy na nilalapa ang aming mga kasamahan, pinilit kong abutin ang susi upang kame ay makalabas. Nang makita ko si Tonyo na tinutulungan kame sa aming ginagawa. Gulat man sa nasaksihan pinagpatuloy ko parin ang pagkuha sa susi. Hanggang sa makuha ko ito at agad na binuksan ang pinto. Pero pag labas ko palang ay bumungad na ang iba pang mga infected na nilalang, pero agad ito hinarangan ni Tonyo ng kanyang katawan at sumigaw. “SIGE NA!! tumakas na kayo! madali kayo! “ Gusto ko magpasalamat sa ginawa nyang kabayanihan noong gabing iyon, hinarang nya ang kanyang katawan at kahit pinag kakakagat na sya at binutas na ang kanyang tiyan ay hindi parin sya umalis sa pagkakatayo hanggang hindi kame nakakalayo ni Richard. Marahil naging nasama sya sa akin at sa iba pa subalit sa ganoong sitwasyon sya parin ay isang tao at mas gugustuhun nya na mamatay na may pakinabang para sa iba. Agad kaming tumakbo at tumakas ni Richard nakipag patintero kame sa mga infected para hindi makagat at makain ng mga ito. May isa pa kaming problema itong posas na nasa aming mga kamay ay sagabal sa aming pag takbo. Nakakuha ako ng baril at sa unang pagkakataon ako ay nakahawak at makakagamit nito,hindi ko alam kung paano ito gamitin pero noong itinutok ko ito sa nilalang na humahabol sa akin ay nabutas ang ulo nito at bumgsak. Sobrang dami nang na infect sa Bilibid noong mga oras na iyon at noong kami ay ligtas na nakalabas , nakita pa namin ang iba na tumatakas sakay ng mga sasakyan. Sumakay kame sa isang pick up truck at swerte naman na may susi na nakasuksok rito, agad itong pinatakbo ni Richard subalit hirap sya dahil isang kamay lang ang kanyang ginagamit. Habang ako naman ay nagpapaputok sa mga nakakasalubong namin. Wala nang pakealam si Richard sa madadaanan nya diretso syang nagpaandar at sinagasaan ang mga infected na humahabol sa amin, nagtalsikan ang mga dugo at laman nito sa windshield ng sasakyan. Nang makalabas kame sa bilibid , doon namin nakita ang lahat. Nanlaki ang mga mata namin sa nasaksihan . Ang dating masayang mundo at maliwanag na kamaynilaan ay isa nang lugar kung saan maraming infected at mga patay sa kalsada, mala impyerno na lugar na hindi mo nanaiisin na mabuhay. Habang nagpapa andar si Richard , ako ay kinabahan at nag alala para sa aking asawa. Ano na kaya ang nangyari kay Lorena? sana ay nasa ligtas syang kalagayan. “Diyos ko. Diyos ko po! sana nasa maayos na kalagayan ang aking asawa “ iyak ko sa aking isip. (end of flashback) ———————————————————— Present time (Narrator’s POV) Malakas na putukan ang gumising kay John sa pagkakatulog nito, mula ito sa labas ng kwarto. Isang biglaan na pagbukas ng pinto ang maririnig. Pumasok si General Edward ang general na inatasan ng gobyerno para mamuno sa mga sundalo at magbabantay sa mga kriminal na inutusan ng gobyerno sa misyong ito. Kasama nito ang hindi bababa sa sampong sundalo. “Akala namin patay na kayo , pero noong narinig namin ang mga putukan ay sinundan namin ito. Mabuti naman at ligtas kayo na naka akyat uli. Halina at naghahantay na ang mga kasamahan nyo sa itaas” wika nito. Nakahinga ng malalim ang lima na-istranded sa kwartong iyon at sumama sa mga sundalo sa pamumuno ni General Edward. Sa dami ng mga kasamahan nitong mga sundalo ay mabilis na napatay ang mga zombies na humahabol sa kanila at naka akyat agad sa itaas kung saan naroroon pa ang iba. Pagkarating sa 6th floor ay agad na chineck up sila kung mayroong nasugatan o nakagat ng mga zombies pero ayon mismo kay Dr Julian ay walang nasugatan sa kanila at lima na lamang silang natira. “Ano na ang natuklasan nyo sa facility sa ibaba? may nakuha ba kayong kapaki- pakinabang na pwede maging hint sa hinahanap nating lunas o baka naman nag sayang lang tayo ng mga tauhan sa mga payasong ito at wala rin tayong mapapala.” wika ni Captain Peter isang arogante at matapang na sundalo galit ito sa mga kriminal na kasama sa misyon. “Yabang mo ah ! halos mamatay matay na kami sa ibaba samantalang kayo ay nandito lang at naghihintay “ bulalas ni Lemuel na agad syang tinutukan ng baril ng aroganteng kapitan. “Kung pasabugin ko kaya yang bungo mo?” walang nagawa si Lemuel kundi tumahimik. Naroroon din ang iba pa nilang kasama na kriminal. Muling nagtanong si General Edward sa lima kung may nakuha pa silang hint na makakatulong sa misyon. “May nakuha kaming hint “ sagot ni Anton. “Sige sabihin mo kung ano iyon” sagot ni General Edward. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD