Reign
I was packing my things when I noticed Ace walking towards my direction. Isang linggo na ‘yung nakalipas simula nung breakup namin, ngayon lang ako nagkalakas ng loob na pumasok sa trabaho at harapin siya. Yes, iisa lang kami ng kompañyang pinapasukan and I am just here to pack my things and resign because I don’t wanna see him anymore. Hindi dahil hindi ako maka-move on sakaniya kundi dahil hindi ko matiis na makita at pakisamahan siya araw araw dahil maalalala ko lang lahat ng panloloko at kung gaano siya kawalang kuwentang tao sa paningin ko.
“I know your mad at me. But, please.. Reign. Let me explain.” Rinig kong apila niya habang ini-impake ko ang mga gamit ko.
I took a deep sigh at parang nagpantig ‘yung tenga ko sa sianbi niya. “Para ano? Para itanggi mo lahat ng mga kasalanan mo? Para paikutin mo na naman ko? Para ipamukha sa’kin kung gaano ako tanga dahil paulit ulit kong pinalampas ‘yung mga kamalian mo sa’kin?” Mariin kong wika sakaniya bago ko siya talikuran.
Rinig kong tinatawag niya pa din ‘yung pangalan ko pero hindi na ko nag abala pang lumingon dahil tingin ko naman nasabi ko na labat ng gusto kong sabihin sakaniya at ayoko nang makita pa siya ulit.
Nasa parking lot na ko nung matanaw ko si Romeo sa ‘di kalayuan. “Anong ginagawa mo dito?” Nagtataka kong bungad sakaniya nung makalapit ako sa kinaroroonan niya.
Nginitian niya lang ako at saka pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. “Sinusundo ka.” Sagot niya sa tanong ko.
Dali dali naman siyang lumapit sa’kin at binitbit papasok ng sasakyan ‘yung mga gamit na dala ko. Papasok na sana ako ng kotse nung bigla akong narinig ang boses ni Ace.
“Reign.”
“Reign, makipag-usap ka naman sa’kin oh.” Pakiusap pa nito at saka akma siyang lalapit sa’kin pero pinigilan siya ni Romeo.
“Puwede ba, Ace. Wala na tayong dapat pang pag-usapan. Tigilan mo na ko.” Irita kong tugon sakaniya.
“Narinig mo naman si Reign hindi ba?”
“Ayaw ka na niyang makita at makausap kaya huwag mo nang guluhin ‘yung tao.” Sungit naman ni Romeo. Mahinahon ngunit batid sa boses ni Romeo ang inis.
“Yan, isa ka sa dahilan kung bakit kami nagkandaletse letse ni Reign.” Pikong duro ni Ace kay Romeo.
“Palagi ka kasing epal sa relasyon namin.” Mariing wika pa nito. Hinawi ni Romeo yung kamay kong nakahawak sa mga braso niya at lumapit kay si Ace at ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
“Huwag mong isisi sa iba ang kasalanan mo.”
“She broke up with you because you are a cheater, you never loved her. You only love the idea of her being your girlfriend because of her connections.” Maangas ngunit kalmadong bwelta ni Romeo kay Ace na lalo niyang kinainis.
Akma naman susugurin ni Ace si Romeo pero pinigilan ko siya. “Mayabang ka ah.” Sigaw nito.
“Tama na!” Pigil ko kay Ace at saka ko hinila si Romeo papalayo at papasok sa sasakyan.
“You will regret this, Reign.”
“You will regret leaving the only person who knows you better.”
“Babalik ka din, Reign.” Mariing banta ni Ace na kinataas ng balahibo ko. I know he sounds so scary at times and he’s kinda weird person but who cares. Wala na kami at wala na kong pakielam sakaniya kaya wala nang effect sa’kin ang mga banta niya.
Nabalot ng katahimikan ang buong biyahe namin hanggang sa nagsalita si Romeo. “Sorry.” Basag nito sa katahimikang bumabalot samin.
“You don’t have to apologize because you did nothing wrong.” Tipid kong wika sakaniya.
May sasabihin pa sana siya pero naputol yo’n nung biglang nag ring ‘yung cellphone niya at sinagot niya to.
“Hello?” Sagot niya sa kabilang linya pero base sa ekspresyon ng mukha niya ay palagay ko hindi magandang balita ang hatid nung kung sinumang kausap ni Romeo sa kabilang linya.
“Papunta na ko diyan.” Nanginginig na wika ni Romeo at saka binaba ‘yung tawag at nagmamadaling pinatakbo ang sasakyan niya.
“Romeo, anong nangyari? Natataranta kong tanong sakaniya. Hindi kumibo si Romeo at halata sa mukha niya ‘yung kaba at taranta hanggang sa makarating kami sa isang bahagi ng kalsadang punong puno ng tao na sa tingin ko ay mga nakikiususyo sa isang aksidente.
Wala akong nagawa kundi takpan na lang ‘yung bibig ko sa gulat ko. It was Ate Jenny, panganay na kapatid ni Romeo. She was laying on the ground, na naliligo sa sarili niyang dugo.
Nanginginig kong nilipatan si Romeo na ummiyak sa tabi ng labi ng ate niya. I path his shoulders to calm him down but I know that it wasn’t enough.
Sa totoo lang sa tagal naming magkakilala ni Romeo ngayon ko lang nakita ang pagbuhos ng emosyon niya.
At lumipas ang ilang oras nandito pa din kami sa pinangyarihan ng aksidente. “Kayo ho ba ‘yung pamilya ng biktima? Tanong nung isang pulis na lumapit sa’kin.
“Hindi ako, ‘yung kasama ko ho bunso niyang kapatid.” Mahinahon kong tugon do’n sa pulis at saka ko napatingin kay Romeo na tulala pa din sa tabi ko.
“Sir, puwede ho ba namin kayong makausap?” Baling nung pulis kay Romeo kaya napalingon siya rito.
“May kilala ho ba kayong kaaway ng kapatid niyo o may galit sakaniya?” Tanong ng pulis kay Romro.
“Wala.” Walang emosyon nitong wika.
Nagtataka naman akong napatingin sa pulis. “Hindi ho ba car accident ‘yung…” singit ko naman sakanila.
“Base ho sa Initial Investigation namin ay sinandiya ho ang aksidente at pinalano ang lahat.” Sabat nung pulis sa tanong ko.
“Do you mean that someone actually murdered my sister? And they made it look like an accident?” Bakas sa tono ng pananalita ni Romeo ang galit.
Napatungo na lang ang pulis sa tanong ni Romeo. “Tawagan niyo kami sir kung may naalala kayong kakaiba sa kilos ng kapatid niyo bago mangyari ang aksidente o kung may lead kayong alam patungkol sa nangyari.” Paalala nito bago kami iwan.
“Jenny is a good person and the best sister for me, Reign. Hindi ko din alam paano sasabihin sa parents namin ang nangyari. Surely, they will just blame me Instead of asking if I am alright or how do I feel.” Malungkot na sabi ni Romeo nung makaalis ang mga pulis.
Lumapit ako sakaniya para yakapin siya dahil sa totoo lang hindi ko alam ano ang sasabihin ko at alam kong walang bagay o salitang makakapagpagaan ng loob niya ngayon kundi ang maramdaman na mayroong taong laging nasa tabi niya para suportahan at damayan siya.
“Thank you, Reign.” He whispered and hugged me back.