Reign Maaga akong nagising at halos nga hindi ako nakatulog kakaisip kay Xavier at sa sitwasyon namin ngayon. Ang hirap lang kasi naiipit ako sa gitna. Gusto kong maging maayos si Romeo at gusto kong makita ulit ‘yung dating Romeo na minahal at hinahangaan ko at gusto ko din makamit ang hustisya para sa nangyari sa parents ko at sa amin ni Alessandra noon pero magagawa ko lang yo’n kung matuto si Romeo na tanggapin ang pagkakamali niya at alam kong hindi magiging madali ang lahat para samin, hindi din naman kasi madali ang pinagdadaanan naming lahat dahil sa pagkakamali namin sa nakaraan at hindi madaling basta na lang yo’n kalimutan at i-let go. Nag-aayos ako ng gamit nung may marinig akong may kumatok sa pintuan nung kuwarto kaya dali dali akong pumunta do’n para pagbukasan si Ace.

