Romeo I was busy drinking my glass of champagne nung bigla akong nakatanggap ng tawag mula sa mga tauhan ko na nakabantay kina Ace na nakatakas raw sila. “Sir nakatakas po sila.” Rinig kong sabi ng isa sa kanila sa kabilang linya. “Bakit ngayon niyo lang sinabi sa’kin? Ang tanga tanga niyo halos puro babae yo’n natakasan pa kayo?!” Singhal ko sa kanila mula sa kabilang linya. “Hayaan niyo na, aalis naman na din kami.” Utos ko sa kanila bago ko ibaba ang telepono ko. Hindi na rin naman nila mahahabol so useless din kung makatakas man sila. “Sir, ready na daw po ang private jet, kayo na lang po ang hinihintay.” Rinig kong sabi nung isa sa mga tao ko. “At sir, nandito po ‘yung Ace.” Saad pa nito kaya napalingon ako sa sinabi niya. What the? Hindi niya ba talaga titigilan si Reign?

