Vero was head over heels for her. That's why he's willing to risk everything for her. Kung pwede nga lang ay gusto nya ng alukin ng kasal ang dalaga, pero ayaw nya naman itong biglain.
He wants to ask for her big Yes when the right time comes. Sa ngayon ay dapat nilang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral nila at makapagtapos.
Dahil pangarap iyon ni Eya, ang maka-graduate sila pareho at magkaroon ng maayos na trabaho. Ilang taon nalang malapit na nilang matupad ang pangarap nila.
Binago ni Eya ang buhay nya, lahat ng pananaw nya sa buhay. She's the kind of person that will make you really think about your decisions in life. Kaya nga minsan ang dalaga ang hinahayaan nyang mag desisyon para sakanya.
"Well, you have to think about it carefully. Ano ba talagang gusto mo?" tanong ng dalaga sakanya nuong nag-iisip na sila kung anong kurso ang kukunin.
"Kung nahihirapan ka, try to do the things that you love.. tignan mo, kung kakayanin mo bang ipagpatuloy iyon, o kung gusto mong sumubok ng iba.. para bago sa paningin mo." payo pa nito.
At dahil dun, ang kinuha nyang kurso ay Engineering. Ang kurso naman ng dalaga ay pag-dodoktor sa mga hayop. They stand side by side. Naging mahirap at hindi naging madali ang lahat nung tumungtong silang kolehiyo.
Hindi sila masyadong nagkikita. Walang time. Busy. Libre yung isa, yung isa naman hindi. Pagod yung isa, may sakit yung isa. Hindi sila nagtutuma pero ginagawan nila ng paraan.
"Alam ko nakakapagod.. pero please, walang bibitaw, okay? We can do this.. onting tiis nalang, pwede ko ng idugtong ang pangalan ko sayo, Eya." bulong nya sa dalaga.
Magkayakap sila ngayon sa condo nya dahil dito ito matutulog. Nakapikit na ang dalaga pero alam nyang narinig nito ang sinabi nya dahil humigpit ang hawak nito sa kamay nya.
She has a lot on her plate. Kapag nagsasabay-sabay ay umiiyak nalang ito bigla. Oh how he wants to take those away, and let him suffer instead.
"Ang swerte mo kay Eya.. tangina.."
"Gago, mapapa-sana all ka nalang talaga.."
"Matalino na maganda pa.. swerte ni Vero.."
Iilan lang yan sa mga natatanggap nya galing sa ibang tao. Hinding-hindi sya mapapagod na marinig 'yan, dahil totoo naman kasi. Sobrang swerte nya kay Eya.
At hindi nya alam ang gagawin nya kapag nawala sakanya ang dalaga. Kumbaga hawak nito ang buhay nya at sa oras na bitawan sya nito ay baka ikamatay nya.
Ilang araw na silang hindi nagkikita dahil pareho silang busy sa school. They're on their 3rd year. At kailangan talaga pagbutihin. In some cases, your third year is the critical one. Dahil isang taon nalang din at makaka-graduate kana.
Napapikit si Eya ng makaramdam ng sakit sa ulo. She's been studying for the past three hours. Nakakaya nya naman nuon. Baka dahil ito sa binabasa nya, nag-overload na siguro ang utak nya.
"Miss ko na si Vero.." bulong nya.
Hindi nya lang din maistorbo ang lalaki dahil alam nyang nasa group meeting ito ngayon. It's about their thesis. Mag-iisang linggo na ng huli silang magkita. Hirap din silang tagpuin ang isa't-isa sa unibersidad dahil sa hindi tugma na schedule.
Kahit pinag-usapan na nila na magkikita sila sa gantong lugar o oras ay laging hindi natutuloy. Minsan ay video call nalang ang nagagawa nila, pero nakakatulugan din sa pagod.
Napatingin sya sa pinto ng may kumatok. Wala naman syang inaasahan na tao ngayon. Binuksan nya ito at halos mapa-iyak ng makita kung sino.
The guy was wearing a longing smile. Paper bags in his hand.
"Hi, baby."
"Mahal ko!"
It's Vero. The man that she wants to see at this moment is here. Tignan mo nga naman kung gaano kabilis na tinupad ang kahilingan nya na makita si Vero ngayon.
Sinunggaban nya ng yakap ang lalaki at niyakap din naman sya nito pabalik.
"I miss you.." bulong nito sakanya.
Hindi nya napigilan ang luha na bumagsak. Kung kanina ay para na din syang naiiyak. Namimiss nya si Vero at parang walang pumapasok sa utak nya habang nag re-review.
"Hey, what's wrong?" nag-aalalang tumingin sakanya ang lalaki.
Umiling sya at ngumiti. "Namiss lang kita. Parang kasasabi ko pa lang kanina na gusto kitang makita."
"I miss you too, baby. Maaga natapos yung meeting, hindi na din namin kaya magpa-gabi pa lalo. Also, I bought some foods. Baka kasi hindi ka pa kumakain at kanina ka pa nasa harap ng mga libro mo." anito at pumasok na sila sa loob ng bahay.
"Hindi pa nga. After ko na sana mag-review e." aniya.
"Kain na muna tayo.." aya ng lalaki sakanya.
Tumango naman sya at pumunta sila ng kusina. Hinanda nya ang mga pagkain na dala ni Vero. Gutom na din naman sya. Balak nya sanang mag-cup noodles nalang pagkatapos ay pwede na syang matulog.
"Ilang oras nalang?" tanong ni Vero skaanya habang inaayos ang buhok nya.
"Patapos na. Nabuo ko na yung three hours. Buti nakadaan ka pa dito? Hindi ka ba pagod?" tanong nya naman.
"I figured to drop by quickly. I miss you."
Dumukwang sya para bigyan ng mabilis na halik sa labi ang lalaki.
"Thank you for dropping by.."
"s**t. Paano nako uuwi nyan?" tumawa ang lalaki, marahil kinilig sa ginawa nya.
"Edi wag ka umuwi, dito ka lang. Please? Can you stay, hmm?" paglalambing nya.
"Sure, baby." sagot naman nito at pinunsan ang gilid ng labi nya na may spaghetti sauce dahil sa kinakain.
Pagkatapos nilang kumain ay naghilamos si Vero habang sya ay naghuhugas ng pinggan. Nang matapos ang lalaki ay sya ang sumunod. She wore her usual sleeveless night dress.
Habang nakaharap sa salamin para gawin ang skin care nya ay lumapit si Vero sakanya. Nagkatinginan sila sa salamin.
"You're so beautiful, baby." bulong nito sakanya saka hinalikan ang balikat nya.
Somehow, there was a tension. At that moment, when their eyes met. There was a spark.
"Alam ko na yan.." sagot nya naman binaliwala ang saglit na naramdaman.
"Inaantok kana?" tanong nya sa lalaki.
Umiling naman sya. "Let's lay down then matulog if inantok na.."
Palayo na sana sya sa lalaki ng bigla syang hawakan nito sa pulsuhan para pigilan. Napatingin sya dito. Ang kanina pa nyang gustong basahin sa lalaki ay nabasa na nya.
Tumayo si Vero at pinagdikit ang labi nila. Agad nya namang tinugon iyon. Their lips crashed together, moments of tension unraveling in a heartbeat.
She unconsciously gripped his shirt, pulling him down as they stumbled down toward the bed, breathless. Saglit na naghiwalay ang labi nila. Nakapikit si Vero at tila nag-enjoy sa ginawa nila.
"Are you sure? Aren't you tired?" tanong nito sakanya pero pabulong iyon.
Umiling sya at ngumiti. "I want this.."
"Me too. Me too, baby. All of it."
Muling nagdikit ang labi nila. How many times has something happened between them, yet every time it felt like the first time.
Each touch, each kiss, carried all the things they hadn't said out loud. Walang tumatakbo sa isip nila ngayon kundi ang isa't-isa.
"Tell me if something hurts or if I go too hard.." bulong sakanya ng lalaki habang magkadikit ang katawan nila.
Niyakap nya ang braso sa leeg ng lalaki at nilapat ang labi nila. There's nothing she can wish for. Nasa kanya na si Vero.
"You're driving me crazy.." he muttered burying his face on her neck after the kiss.
"Then don't hold back." she breathed.
She arched toward him, surrendering piece by piece. Time blurred. The room, the city, the world, all of it faded, replaced by breath and warmth and the quiet hum of connection.
And when it was over, they didn’t speak. They simply lay there, skin to skin, heartbeat to heartbeat, breathing in the silence that felt like a promise.
"I love you, Panthea. Always remember that."
"I love you more, Vero. Always remember that too. Ikaw at ikaw lang.."
Binalot nila ang sarili sa kumot at natulog. Mabuti nalsng at wala syang pasok. Pero si Vero ay meron. Nagising na lang sya na wala na ito sa tabi nya.
Paglabas nya sa kusina ay nakita nya na may lutong pagkain na. Nabasa nya ang sulat na nakadikit sa takip ng mga pagkain.
Good morning, baby. I have an early class, can't skip it at baka pagalitan mo ko. Cooked your breakfast, ubusin mo lahat. Message me when you wake up.
I love you. - V.
Napangiti sya. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung ganito? Habang naghuhugas ng plato ay nakarinig sya ng katok sa pinto. Mabilis nyang pinunasan ang kamay bago pumunta sa sala.
Pagkabukas nya ng pinto ay para syang binuhusan ng malamig na tubig.
"M-Miguel?"
"Good morning. Surprise?" ngumisi ito saka dire-diretsong pumasok ng bahay. "Wow. Ang linis naman.." komento nito ng makita ang paligid.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya tila kinakabahan.
"Pinupuntahan ka, what else? Aayain ka makipag-date?" anito at biglang inabot sakanya ang bouquet ng flowers. "This is for you pala.. I'm not sure if this is your favourite flowers but I hope you still like it."
"Thank you, di kana sana nag-abala." kinuha nya ang bouquet sa kamay ng lalaki.
It would be rude not to accept it. Matagal na silang magkakilala ni Miguel. Sadly, at the early age, he was force to handle their company. Namatay ang Lolo nya at sakanya pinamana lahat ng ari-arian nito.
"Buti naabutan kita. You don't have any class today? Let's have dinner together?" alok nito sakanya.
Umiling naman sya. "Wala. Ah.. titignan ko kung hindi mag-aya ang mga kaibigan ko mamaya. Saan ka pala nag-i-stay?"
"Pwede naman dito.." sagot naman nito na ikinagulat nya.
"H-Ha?"
Tumawa ito. "I'm joking. Remember my house in Quezon city? I'll be staying there for a week. May aasikasuhin din kasi ako dito. And I guess I need some company."
"Hindi ko pa sigurado e." sagot nya naman.
Pero ayaw nya talagang sumama. Hindi naman sa ayaw nya sa lalaki. May mga ugali kasi itong hindi nya gusto. Nahihirapan syang pakisamahan ang ito.
"Your father and I had dinner the other night before I go here. We're planning to expand the business overseas." kwento nito. "Would you like to go with me?"
"Saan naman yun?" tanong nya habang inaabot ang isang basong tubig sa lalaki.
"In Maldives."
Iyon ang bansang gusto nyang puntahan kasama si Vero. Hindi sya pupunta dun kung hindi nya kasama ang lalaki.
"Kailangan ba talaga ako sumama dun?" kumunot ang noo nya.
"Yes. Negosyo natin 'yun, Panthea. Me and your dad, what your dad has will be yours and what's mine will be yours too.. soon.." umangat ang labi ng lalaki ng sabihin nito iyon.
"Hindi ako pwedeng sumama, marami akong inaasikaso dito e."
Gusto nyang sabihin lahat ng dahilan para lang tanggihan ang lalaki.
"Sino? Ang boyfriend mo?" walang emosyon na tanong nito.
Hindi naman malabong malaman ni Miguel ang tungkol kay Vero. They've been all out for the past years. Sigurado syang kilala na ni Miguel si Vero. Pero sana lang ay walang gawin si Miguel.
"What are you talking about?" nag maangan sya.
Sarkasmong tumawa ang lalaki. "Oh come on, Panthea. I wasn't born yesterday, your boyfriend? Vero Martell, what does he have? Is he rich too? Kaya ka na ba nyang buhayin?"
He does he know? But it seems he only knew Vero as a person but not everything. And of course, Miguel, he will always has his way. He will use all of his connection.
"Your boyfriend is mysterious. I like him. I tried.. but I failed. He's genius." pumalakpak pa ito.
"Miguel.. stop. Please.. leave him out of this." halos manginig ang boses nya.
"Sure.. sure. I'll do that. You'll be mine anyway." makahulugang sabi nito at tumayo. "I'll have to go. May business meeting ako in an hour sa Ayala, text me if you have something to do tonight."
Tumango sya at hinatid ang lalaki sa pinto. Bago ito lumabas ay lumapit ito sakanya para halikan sya sa noo. Hindi sya agad nakakilos palayo sa gulat. Lagi naman itong ginagawa ni Miguel sakanya kapag dinadalaw sya kaso nga lang kakaiba ang pakiramdam ngayon dahil andyan na si Vero.
But she will do everything.. lubayan lang ni Miguel si Vero. Miguel must remain unknown. To everyone. Maliban kay Alexa, she knows about Miguel. And she knows about the deal. At kagaya nya, malamang ay mag-aalala ito kapag nalaman na pinuntahan sya ni Miguel.
"E ano daw ang kailangan nya?" kunot noo na tanong nito.
"Wala. Dumalaw lang sya.. saglit lang. The deal can't be broken." bagsak ang balikat nya.
She tried to talked to her father. Pero wala din itong nagawa. Or more likely, he didn't give attention. Ano na ang susunod nyang hakbang ngayon?
"Ano ng plano mo?" tanong nito tila hindi na din alam ang ipapayo sakanya.
Bumuntong-hininga sya. "Hindi ko na din alam. Should I let Vero know? I did everything I could."
"Paano na? Hahayaan mo nalang na matuloy 'yang deal na yan?" tumaas ang kilay ng kaibigan.
Hindi sya nakasagot. God knows.. kung anong ginawa nya sa loob ng ilang taon mapigilan lang ang lintek na deal na 'yan. Pero wala talaga. Inisip nya nalang si Vero. Oras na grumaduate sila ay tapos na ang lahat.
"Something bothering you, baby?" tanong sakanya ni Vero.
Niyakap sya nito. Nakaharap sya sa tanawin mula sa balkonahe ng kwarto nito at nakayakap si Vero sakanya mula sa likod. Binaon nito ang ukha sa leeg nya at pinatakan ng halik.
"Wala naman. Iniisip ko lang.. our hard works are being paid off. Isang taon na lang.. Isang taon nalang, mahal ko." hindi nya napigilan ang luha na pumatak sa mata nya.
"I know. It's all thanks to you.. you didn't gave up on me. It's all on you, baby. Utang ko sayo ang buhay ko.. at ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy. Kung wala ka, hindi ko na alam kung anong estado ng buhay ko ngayon." bulong ni Vero sakanya.
Nakapikit sya habang pinapakinggan ang boses ni Vero. Hearing his voice, takes all her misery away. All her throughts.. are being swiped away.
Mahal na mahal nya si Vero. Sobra pa sa sobra.
The world beyond them was full of noise and disorder, but right then—lying next to each other, their fingers entwined—everything felt calm. She didn’t need grand gestures or flowery words to understand what connected them.
His love for her lived in quiet moments, in the pauses between breaths, where language fell short. She was his calm, his safe place, and he felt it in every part of himself.
Natapos ang pagiging third year nila ng matiwasay. Pasado silang lahat at walang naiwan. Bago pumasok ang bagong school year ay nagpa-plano na sila ulit mag camping.
"Saan naman tayo ngayon?" tanong ni Johan.
"Sa Zambales?" suhestyon ni Alexa.
"May magaganda ba dun sa Zambales?" paninigurado naman ni Tomas.
Tumango si Alexa. "Yeah. I heard.. search natin.."
Tahimik lang sya habang pinapanuod ang mga kaibigan. Si Vero naman ay tahimik lang din sa gilid nya. Tila pinagmamasdan sya. Hangga't maari ay hindi nya hinahayaan na tanungin sya ni Vero kung okay lang sya.
Dahil ang ibig sabihin lang 'nun ay napapansin na nito na may problema sya at ayaw nya itong mag-alala.