CHAPTER 5

2512 Words
"s**t. I'm sorry.. h-hindi ko napigilan.." "O-Okay lang. Ako nga dapat mag-sorry.. I don't know how to do it.." napayuko sya sa kahihiyan, sigurado syang pulang-pula ang mukha nya ngayon. Hindi naman kasi talaga sya marunong humalik. Narinig nya namang tumawa si Vero, tinignan nya ito ng masama. Anong nakakatawa? E hindi nga sya marunong. "Sorry.. sorry. Ang cute mo kasi. It doesn't matter if you know how to kiss or not. Ang importante sakin.. ikaw, ikaw na kasama ko ngayon, ikaw na hinahalikan ko. We can work on your kissing skills anyway." anito at hinaplos ang pisngi nya. Tinakpan nya ang mukha nya dahil nagkukulay kamatis nanaman ito. "Nakakainis ka talaga." Tumawang muli si Vero at pilit inaalis ang kamay nyang nakatakip sa mukha. "Are you suddenly being shy with me?" "Ikaw kasi e." "Can we do it again?" dinig nyang tanong ng lalaki. Hindi sya sumagot. Bagkus, lumapit muli ang mukha nito sakanya. Napapikit na lamang sya. Lumapat ang labi nito sa labi nya. Just like earlier, it's gentle and passionate. "Open your mouth, baby." bulong ni Vero ng saglit maghiwalay ang labi nila. Sinunod nya ang utos nito. Nang muling dumikit ang labi ni Vero sakanya ay kakaiba na. He gained access to her mouth. Hindi nya alam kung paano sya gaganti, pero sumabay nalang sya sakanya. The kiss was from soft and gentle to passionate. Like a promise sealed between their trembling lips. It's a kiss of craving for her. "That's right, baby." He pulled her arms to wrapped around his neck. He deepend the kiss. His tongue went inside her mouth and played with hers. Oh god, what is this feeling? The burning feeling and desire. "f**k, your lips are addicting.." bulong ni Vero sa gitna ng halikan nila. Mahina syang natawa. Their lips suddently felt the needs of space and gasped for air. Pareho silang natawa ng mapagtanto kung anong nangyari. Kinuha ni Vero ang kamay nya at nilapat sa matigas nitong dibdib. Ramdam na ramdam nya ang mabilis na t***k ng puso nito. "Can you feel it?" tanong ni Vero na halos pabulong. Tumango sya. "Hmm." "It beats for you. It's because of you.." napapikit sya ng magdikit muli ang noo nila. "Ikaw lang ang dahilan nito, Eya. Ikaw at ikaw lang.." "Ganun din ako, Vero. It's just you and no one else. Ikaw lang ang kailangan ko.." "Mahal kita, Eya. From the moment I saw you.. I can't keep you out of my head." pag-amin ng lalaki. "Hmm.. bolero ka." tumawa sya at marahang pinisil ang ilong nito. "Hey, I'm not joking. Kahit itanong mo pa kila Tomas. They knew about you from the very start." malakas na loob na sabi nito. Is that so? Kaya pala minsan ay napapatingin din sakanya sila Johan. Kulang nalang ay isipin nyang isa sa mga kaibigan nito ang may gusto sakanya. "I saw you.. at the orientation. You were there. You were one of the officer's in student council. Nung una, I just thought.. maybe because.. masyadong maliwanag sa pwesto nyo at kumikinang ka sa paningin ko." kwento nya. Napa-iling sya. "Ang OA ah. Pero yeah.. it's bit hot sa pwesto namin that time.. pawis na pawis ako." "So, I asked Damian and the others to know about your name. Nalaman ko din naman agad. And then the class started, I saw that you're in the same block as me." kwento nito. "Asus, lagi ka ngang late. Tapos lagi ka pang may pasa sa mukha 'nun." "I know. Because I heard a guy tried to hit up on you, galing sa ibang school. Nabastos ka nila. I heard that, nakarating sakin yun kaya hinanap ko sila." She clearly remember that. May mga taga-ibang school kasi na pwedeng pumasok sa school nila kapag may mga event. Panay ang papansin ng mga lalaking iyon. Napilitan si Kael, ang president ng student council na i-report ang mga ito. Marami kasing nakakita at nakarinig kung paano sya kausapin ng mga lalaki at sunod ng sunod kung saan sya pumunta. "Bakit hindi mo ko kinakausap nung nagtabi tayo?" kunot noong tanong nya. "I don't know. Flabbergasted, I guess? May katabi ba naman akong maganda e. And when I saw that ikaw ang makakatabi ko, hindi ko alam kung paano ako kikilos sa tabi mo." "Tsaka, sino pala yung babaeng kasama mo sa café 'nun? Nung nag-away tayo. Buti nalang napigilan ko yung sarili kong sapakin ka 'nun." sabi naman nya. Wala silang ginawa buong gabi kundi mag-kwentuhan. Hanggang sa antukin nalang sila. It's nice to have someone listen to you with you have small chika and rants. She's glad that Vero listens. It turns out that the girl with Vero that day was Johan's sister. It's just that she was very fond of him. Naging busy sila sa school nitong mga nakaraang linggo. Malapit na kasi ang moving up nila. Nasa huling stage na sila ng senior high-school. At college students na sila next school year. Gusto nyang i-pursue ang pangarap nyang kurso. Ang pagdo-doktor sa mga hayop. Kaya pinagbubutihan nya ngayon para ma-meet nya ang mga requirements na kailangan sa kursong iyon. Vacant time lang nila ngayon, nasa rooftop sila na madalas nilang tambayan dalawa. Nakahiga si Vero at ginawang unan ang hita nya. Hinahaplos nya ang buhok ni Vero. Sumakit kasi ang ulo nito. Siguro sa init at lamig. Sobrang lamig kasi sa classroom nila tapos paglabas ay mainit naman sa hallway. "Nagyayaya sila sa friday.. inom daw. Sa condo mo." Napadilat ito ng mata at kumunot ang noo. "Sa condo ko? And I just knew about this?" Tumawa sya. "Oo. Si Johan nagyaya e. Pagbigyan mo na. Nung nakaraan pa sila nagyayaya. The next following weeks, magiging busy na talaga tayo." "Nag-decide na sila, ano pang magagawa ko?" umirap ang lalaki. Pagdating ng biyernes ay sabay-sabay silang lumabas. Dumaan pa muna sila sa grocery para bumili ng inumin at kakainin nila. Well, she doesn't drink. Pero si Alexa ay gusto daw kaya naghanap sila ng pang ladie's drink. Ang ending ay kumuha sila ng dalawang bote ng soju, sprite, at dutchmill pang-timpla. Soju bomb daw. Nag-hard liquor naman ang boys. Alfonso and coke ang chaser. Kung ano lang din ang madampot nilang masarap na pampulutan ay nilalagay nila agad sa cart. Fishball, kikiam, chichirya, pancit canton, siomai, hotdog na small sizes at kung ano-ano pa. "Sigurado bang pang pulutan lahat 'to?" kumunot ang noo ni Alexa ng makita ang cart. Nagkibit-balikat lang sya at natawa. Pagkatapos nilang maghati-hati sa bayad ay umalis na din. Mabilis lang ang byahe sa condo ni Vero, at nakarating agad sila. Binaba nya na ang bag nya para maasikaso ang dapat lutuin. Dumiretso sya ng kusina at hinanda ang kikiam at fishball. "Prepare ko lang yung drinks ng boys and drinks natin, girl. Kaya mo na ba dyan?" tanong ni Alexa. Tumango naman sya. "Oo, ikaw na muna bahala dun." Nang masiguro nyang mainit na ang mantika ay nilagay nya na ng sabay ang fishball at kikiam sa kawali. Panay ang harang ng buhok nya sa mukha. Naiinis sya dahil mainit, kahit may fan na humihigop ng init ng niluluto. "Are you okay here?" Napatingin sya kay Vero na kakapasok lang ng kusina. Nakasuot na sya ng pambahay. Shorts at sando na maluwag sa magkabilang gilid. "Oo naman.. nag-iinom na sila?" tanong nya habang hinahangos ang niluluto. "Hmm." Saglit silang natahimik. Binuhol na nya ang buhok pero hindi iyon nagtagumpay. Nalaglag pa din ito at humarang sa mukha nya. "Here.." naramdaman nyang lumapit si Vero. ".. I have one of your hair tie on my wrist." Ito na mismo ang nagtali ng buhok nya habang sinisiguradong hindi masusunog ang niluluto nya. "Thank you.." "I'll help you here. Ano pang kailangan mo?" tanong ng lalaki. Umiling naman sya. "Wala na. Ito muna lutuin natin, kasi baka di maubos yung iba pag niluto lahat." Inabot nya kay Vero ang bowl ng kikiam at fishball. Mabilis lang syang gagawa ng sauce nito. Sumunod na din sya agad sa sala at nilapag sa mesa ang sauce. "Wow. Parang bet ko yung sauce.. thank you, boss Eya!" sabi ni Damian saka sinawsaw yung kikiam at kinain. "Gago, masarap yung sauce." "OA ka.." tumawa sya at naupo sa tabi ni Vero. Nakadantay ang braso nito sa sandalan ng sofa. Nagmukha tuloy na naka-akbay ang lalaki sakanya. "Are you sure you're drinking?" mahinang tanong sakanya ni Vero. Tumango naman sya. "Onti lang." "Just tell me when you can't handle it anymore, okay?" Tumango naman sya ulit. "Okay." Mabilis lang nila naubos ni Alexa ang isang bote ng Soju na tinimplahan. Siguradong namumula na ang mukha nya. Nararamdaman nya na din na bumibigat ang talukap ng mata hudyat na inaantok at tinamaan na. "You good, baby?" bulong ni Vero. "Kaya pa." ngumiti sya. Inabot sakanya ni Alexa ang baso. Nagtimpla pala ito ng bago. Parang umiinom lang naman sila ng juice, pero malalasahan mo pa din ang pait ng Soju. "s**t. College na tayo next school year.." sabi ni Johan. "Yeah. Mas magiging busy na tayo. Iba-iba nga pala course natin.." sabi naman ni Alexa. "At least.. iisang university lang. Kita-kits nalang sa mata." si Damian naman pagkababa ng shot glass. Mahaba ang gabi. Hindi nya alam kung anong oras na sila natapos. Si Alexa ang unang bumagsak. Sa kwarto ni Vero natulog ang mga lalaki at sa guest room sila ni Alexa. Lahat sila ay tulog na. Nang masiguro nyang okay na silang lahat ay saka sya nagligpit ng mga kalat at inayos ang mga hugasin. Inaantok na sya pero mas gusto nya munang linisin 'to bago matulog. "Why are you still awake? Bukas na 'yan.." Napalingon sya sa nagsalita. Si Vero. Mukhang naka-tulog na pero nagising ulit. Mapungay na kasi ang mata ng lalaki. "Nagising ka?" tanong nya naman. "Yeah. I heard the plates. I knew it was you." Lumapit ito sa lababo at kinuha ang mga platong tapos na nyang hugasan. Kinuha nya naman yung pamunas ng mga plato. "Ako na dito.. magpahinga kana dun." suway nya naman. Umiling ito. "Di nako makatulog ulit." Natawa nalang sya. Tahimik nitong hinihintay ang mga plato at baso na iabot sakanya para punasan. She can't help to wonder. How long will these things last? How long.. she can be with Vero like this? They kinda look like a married couple right now. Living in the same house. Doing house chores together. "Vero.." tawag nya sa pangalan ng lalaki. "Hmm?" "Sabi mo.. kahit anong mangyari, isang tawag ko lang sayo, pupuntahan mo ko. Kung mawala man ako, hahanapin mo ba ko?" napahinto sya sa pagbabanlaw ng mga baso. Tumawa ito. "What's with the question? But, yes." "Kahit saan, hahanapin kita. I will do everything to find you." seryosong sabi nito. "Besides, who said you can leave me?" tumaas bigla ang kilay ng lalaki. "Nagtatanong lang ako." dahilan nya at napa-iling. Mabilis nilang tinapos ang paghuhugas at napag-desisyunan na mag-kape. Pagkatapos ay tumambay sila sa veranda ng condo. Malamig ang hangin dahil medyo mataas ang palapag ng unit. "Can I ask something?" ani Vero habang inaayos nito ang kumot na nakabalot sa hita nya. "Hmm?" "Your dad.. you haven't really told me about him." Matagal bago sya nakasagot. She don't really know how to tell him. Paano ba nya ike-kwento ang daddy nya? Ayaw nya din naman na maging masama ang daddy nya sa mata ng ibang tao. "Simula nung namatay si mommy, nagbago sya. May negosyo kami sa Cebu, nilunod nya yung sarili nya sa pag-aalaga dun dahil sila ni mommy ang nag-umpisa 'nun. Naiiwan lang ako dito mag-isa, nagpapadala nalang sya minsan sakin ng pera para sa allowance and other expenses sa bahay." kwento nya naman. "Parang hindi na nya ko nakikita. A lot of people say, kamukha ko daw si mommy. I just thought.. kaya hindi nako pinapansin ni dad.. dahil naaalala nya si mommy sakin. It must've been hurt for him, but it hurted me too." mapait syang napangiti. How cruel the world is. She felt like she lost both of her parents. And she has no one by her side. Kaya din natuto syang tumayo sa sarili nyang paa, dahil laging ang kasambahay nila ang kasama nya sa bahay. "You must've been scared bearing it all alone." Tumango sya at sunod-sunod ng tumulo ang luha. She was scared. Dahil pakiramdam nya wala na syang kwenta sa mata ng ama nya. Kaya nang isang araw na kinausap sya nito, sobra ang tuwa nya. Only to find out that he did something that she wouldn't like. At hindi nya inakala na magagawa iyon ng ama nya. Sinandal ni Vero ang ulo nya sa dibdib nito. Duon sya umiyak. This feels like a safe place. "You're not alone anymore.. I'm here. We're here, your friends too. Andito kami para sayo, don't ever think about that you're alone. Kahit saan, kasama mo ko. Kasama mo kami.." ani Vero habang marahan na hinahaplos ang buhok nya. Napangiti sya ng makita si Vero at sila Damian sa labas ng classroom. "Tara na, Alexa. Andyan na sila sa labas.." aya nya sa kay Alexa. "Teka lang naman.." Ramdam nya agad ang mga mata ng ibang estudyante. Some hates her and some adores what they have. Ang daming nagtatanong, how did she tame him? She did not. He did it himself. She was just here for a guide. But he was the one who changed himself. Kinuha ni Vero ang bag nya paglabas at ito ang nagbitbit. May lakad nanaman kasi sila. Isang linggo din nakalipas nung huling gala nila. "Saan tayo?" tanong nya sakanila. "Saan mo gusto?" tanong ni Vero sakanya. "Ano bang cravings mo today, boss Eya?" tanong ni Damian sakanya. Umakto syang nag-iisip. "Hmm.. parang masarap mag shawarma ngayon? Shawarma tayo?" "Yown! Sarap nyan!" hiyaw naman ni Tomas. "Da best talaga cravings ni Boss Eya.." tumawa naman si Johan. "Nako, kahapon pa nya bukang bibig ang Shawarma sa Rizal. Kaya tara na." tumawa si Alexa. Hindi nya naman maikaka-ila na gwapo din ang mga ito kaya kilala din sa buong eskwelahan. Maraming nagkaka-crush sakanila. Convoy sila papuntang Rizal, duon kasi ang madalas nilang kinakainan na may masarap na Shawarma-han. Suki na din sila duon at kilala na din ng may-ari. Nasa tago itong pwesto, ni hindi nya na maalala kung paano nila ito nahanap. "Baby, what do you think? Tagaytay tayo.. this weekend?" biglang tanong ni Vero. Gulat naman syang tumingin sa lalaki. "Tayo lang?" "Yep. I already booked an air bnb there.. may overlooking, just what you like. If you have plans, I can cancel it later. Tell me lang.." anito at hinawakan ang kamay nyang nasa ibabaw ng hita nya. Nilapit nito ang kamay nya sa labi para mahalikan. Isang marahan na halik. Hanggang ngayon ay kinikilig talaga sya mga gantong da-moves ni Vero. "I'll check.. kung.. di tayo magiging busy sa Friday." sagot nya naman. "M'kay.." Wala ng hihilingin pa si Vero, dahil nasa kanya na si Eya. It really sounds gay for a guy, but for him, no. It's love. It is what you feel for someone you dearly love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD