Hindi sya nakatulog ng maayos. Buong gabi nyang inisip ang sinabi ni Vero sakanya. Ang ibig sabihin ba 'nun ay nagtapat ito ng nararamdaman sakanya? Kagaya ng ginawa ni David?
Well, obviously. Nagselos sya. Pag ang isang tao ay nagselos, isa lang naman ang ibig sabihin. Gusto ka nya. Ayun ba ang pahiwatig ni Vero? Ni hindi nya alam kung paano nya haharapin ang lalaki ngayon.
Malakas na hiyawan ang sumalubong sakanya pagpasok ng classroom. Kunot na kunot ang noo nya dahil sa nangyayari.
Naabutan nya naman ang kaibigan nya na ngingiti-ngiti sa upuan nito. "Anong meron?"
Napatingin sya sa upuan nya at nakita ang isang bouquet. It was her favorite flowers. Purple tulips. Sobrang ganda. Parang kuminang ang mata nya. Tuwing nakikita nya talaga ang bulaklak na ito ay gumagaan ang pakiramdam nya.
"Kanino galing 'to?" tanong nya kay Alexa.
"Kanino pa ba? Edi kay lover boy." kinikilig na sagot ng kaibigan.
Mabilis nyang inalis ang tuwa sa dibdib. Hindi pa sya tapos sa lalaking 'yun. Ano nanaman 'to at may pa bulaklak pang nalalaman? Kinuha nya ito at lumabas ng classroom para hanapin ang nagbigay.
Nakita nya ito kasama sila Johan, naglakad sya papalapit sakanila at nilapag sa harap ang bulaklak.
"Hindi ko kailangan nyan kaya ibabalik ko na." aniya at tumalikod saka naglakad palayo.
"Hey! Eya, wait up!" tawag ni Vero sakanya.
"Ano pa bang kaila—"
Naputol ang sasabihin nya ng sunggaban sya ng yakap ng lalaki.
"I'm sorry. I'm sorry if I made you upset." bulong nito.
"Nababaliw kana ba? Ang daming tao sa paligid." sinubukan nyang kumawala sa yakap ng lalaki.
"Wala akong pakealam sakanila. Ikaw lang ang kailangan ko, Eya."
Where the hell did he learn these words? Parang hindi si Vero ang kaharap nya. Sya ba talaga ito? Tuwing naririnig nya ang lalaki na ganito ay para syang hihimatayin.
"Okay, I'm sorry. Nagselos ako. Kumalat na umamin sayo yung David na 'yun pero hindi nakarating sakin na ni-reject mo sya." paliwanag nya.
Narinig nya ang buntong-hininga ng lalaki. "David is known for being the good guy. Hindi malabong magustuhan mo sya. You two would probably be a great couple to see. But not in my eyes. I'm just this basag-ulo guy.."
Bumilis ang t***k ng puso nya. Iniisip ba nito na hindi sila bagay dahil hindi naging maganda ang image nya? Dahil kilala itong hindi magaling. Well, in fact, matalino si Vero. Mabilis naman nitong nasasaulo agad ang mga lectures na tinuturo nya.
Tumawa sya. Kumunot ang noo ni Vero dahil sa reaksyon nya. Natawa sya kasi hindi nya din akalain na ganto magselos si Vero. The Vero Martell na basag-ulo. Matigas ang ulo at walang pinapakingan.
"What's funny?" inis na tanong ng lalaki.
"Wala naman. Ganyan ka pala.. ang siga-siga mo tapos tiklop ka pala sakin."
At sigurado sya na lahat ng atensyon ng mga estudyante ay nasa kanilang dalawa.
"Wooh!"
"Grabe.. ang sweet 'nun, pre."
Binitawan na sya ni Vero at sabay silang napatingin sa mga kaibigan nito na pumapalakpak.
"Mga loko-loko talaga." bulong ni Vero.
And that's how she found out that she's slowly falling in love with Vero. Pero parang pareho pa silang nangangapa sa isa't-isa. Who will make the first move?
Halos lahat iniisip ay magka-relasyon na sila ni Vero. Kagaya nila, pati sya ay naguguluhan kung anong meron silang dalawa. Does that mean na sila na? Ni hindi pa nga nya sinasabi na gusto nya din ang lalaki?
Madalas na silang tumambay kasama ang mga kaibigan ni Vero at bitbit nya pa si Alexa. They're like in one circle now.
"Anong sagot mo dito sa number five? Hindi ko talaga sya gets." napakamot na sa ulo si Alexa.
Inabot nya ang sa kaibigan ang papel nyang may sagot na. Ang boys naman ay busy maglaro ng Mobile Legends. Inabot nya ang bote ng juice dahil bigla syang nauhaw.
Nahirapan syang magbukas dahil sobrang higpit ng takip. Nagulat sya ng biglang inagaw sakanya ni Vero ang bote at ito ang nagbukas.
"f**k this Jawhead."
Inabot naman nito pabalik yung bote ng juice sakanya. Napangiti sya sa ginawa ng lalaki. It's always the act of service. Muli nya nanamang naramdaman ang bilis ng t***k ng puso. Normal pa ba ito?
"Oh, by the way. Saan natin gagawin yung assignments?" tumingin ang lalaki sakanya.
Puno ang bibig nya ng cupcake kaya matagal bago sya nakasagot. "Do you have somewhere in mind? Ayoko na sa mga café. Feel ko napupurga nako ng kape."
"Hmm.. sa condo tayo?" alok nito at umangat ang kamay nito para punasan ang gilid ng labi nya.
Tumango naman sya. "Pwede naman. Gusto mo?" Inilapit nya sa bibig nito ang cupcake.
Marahan itong kumagat, kagaya ng ginawa ni Vero, inalis nya ang natirang cupcake sa bibig nito.
"Alam nyo, konti nalang, iisipin ko ng kasal na kayo." biglang sambit ni Alexa.
Pinamulahan sya ng pisngi kaya napa-iwas sya ng tingin. Pabiro nyang binato ang bolpen kay Alexa at pinandilatan ng mata. Kung ano-ano talagang lumalabas sa bibig ng kaibigan nya.
"Baliw."
Tumawa lang si Vero at hanggang sa maihatid sya nito pauwi ay hindi nawawala ang ngiti nya. What now? Ano kayang nginingiti nito?
"Ba't ba ngingiti-ngiti ka dyan?" kunot ang noo nya.
"Nothing." patuloy pa din ito sa pag ngiti habang ang mata ay nasa kalsada.
Naningkit ang mata nya. "Bakit nga?"
"Wala. The thing Alexa said just.. keeps running in my head." sagot naman nito.
Ano bang sinabi ni Alexa? Sa dami ng sinasabi ng babaeng 'yun ay hindi na nya alam.
Nakarating na sila sa tapat ng bahay pero kumunot ang noo nya ng makitang isang sasakyan sa labas. May tao? Is her dad home? Wala man lang pasabi?
"s**t. Dad's home." bulong nya sa sarili.
Mabilos syang bumaba sa sasakyan. "Thank you sa paghatid. Mag-iingat ka pauwi, text mo ko. Okay?"
"Yes, ma'am. Pumasok kana sa loob."
Nagpaalam na sya kay Vero at pinanuod ang sasakyan nyang umandar palayo.
Bukas ang ilaw sa sala. Malamang sa malamang ay andyan ang daddy nya. Pumasok na sya ng bahay at siniguradong hindi gagawa ng malakas na ingay.
"Sino yung naghatid sayo?"
Para syang binuhusan ng malamig na tubig.
"K-Kaibigan ko lang po, dad. Tumapos kasi kami ng activity.."
"I'm just reminding you about our deal, Panthea. In case you forgot." anito sa malamig na boses.
"Yes, dad. I'm not." matigas na sagot nya. "Hindi nyo naman sinabi na uuwi kayo?"
"Aalis din ako. It's not very practical to change the lock."
"Nasira kasi yung last. I had to buy a new one. Lock the door when you leave, dad. Magpapahinga na po ako."
Pumasok na sya sa kwarto nya at sinara ang pinto. Ni hindi nya alam kung paano nakapasok ang ama nya gayong pinalitan na nya ang lock nito.
And she almost forgot about the deal. Masyado pang matagal ang panahon. Sigurado syang makakalimutan din nila ito at hindi matutuloy iyon.
Kagaya ng usapan nila ni Vero, sa condo nito sila gagawa ng assignments. Hindi nya din alam kung bakit sila may tambak na assignments. Kailangan pa nyang i-tutor ang lalaki sa isang subject.
Bumagsak kasi ito sa quiz 'nun.
"Nag-order nako ng take-out. Should be here any minute." ani Vero ng buksan nya lahat ng ilaw sa sala.
Unang beses syang nakarating sa condo nito ay nung mag-inuman sila. Ang boys lang pala. Inaya lang sila sumama ni Alexa. Although, they don't drink.. but sumama pa din sila.
Nilapag nya sa sofa ang bag na bitbit at hinubad naman ang sapatos saka itinabi sa gilid. Kinuha nya na din ang remote ng TV at binuksan.
Lumabas si Vero sa kusina dala ang dalawang baso ng tubig. Inabot nito sakanya ang isa. Mabilis nya iyong ininuman. Nilabas nya na din ang laptop para ma-review ang mga assignments na dapat unahin.
"Do you wanna eat first before doing that? Or.." tanong nito sakanya.
"Hmm. While waiting.. pwede na nating umpisahan siguro." sagot nya ng hindi inaalis ang mata sa laptop.
Nilabas na din ni Vero ang sarili nitong laptop sa kwarto nito. Suot nya ang jacket ni Vero dahil malamig sa classroom nila kanina. Nakaramdam sya ng init kaya hinubad na nya ito.
She was wearing a shirt with short sleeves. Natigilan sya ng maramdaman ang titig ni Vero. Nakaupo sya sa sahig at ito naman ay nasa sofa habang nakapatong sa kandungan nito ang laptop.
"Bakit?"
"Where did you get this?" kunot-noong tanong ng lalaki sakanya.
Para syang nag-ibang tao in just a snap. He was referring to her bruise. Meron syang pasa sa braso. Galing ito sa isang taong bumisita sakanya nung isang araw. Vero doesn't know. Hindi nya pina-alam ang tungkol duon dahil ayaw nyang mag-alala ito.
"A-Ah.. wala 'yan. Naumpog ako sa pinto nagmamadali akong lumabas. Malakas yung impact kaya ayun.. buti nga medyo pagaling na e.." rason nya naman.
She can't just tell that it was from someone she knew. Tumango si Vero, pero kita nya na hindi sya naniwala. Ayaw nya munang sabihin sakanya. Natatakot sya. Natatakot syang kung anong pwedeng gawin ni Vero.
"It doesn't hurt anymore?" marahang tanong ng lalaki at naramdaman nya ang mainit nitong daliri na hinahaplos ito.
Masakit pa talaga ito. But for his peace of mind, she have to say it.
"Hindi na. Pagaling na nga.." tumawa sya.
Para syang nakukuryente tuwing dumadampi ang kamay ni Vero sa balat nya. Ano bang nangyayari sakanya? Nagdidikit naman ang balat nila nuon at hindi ganito ang pakiramdam. Parang kakaiba ang ngayon.
"I swear to god.. if this came from someone.."
"Hindi nga.. tumama nga yung braso ko sa hamba ng pinto." tumawa sya.
"I know. But I'm just saying.. if someone hurt you, kahit sino pa 'yan.."
Kinuha nya ang kamay ni Vero at ikinulong sa palad nya.
"No one can hurt me as long as I'm with you. Okay? At hindi din naman ako papayag na saktan ako ng kung sino." paninigurado nya sa lalaki.
Napapikit sya ng nilagay ni Vero ang kabilang kamay nito sa ulo nya at marahang hinila sya para magdikit ang noo nila.
"I won't let anyone hurt you. I swear to god.. I don't know what I'll do."
Inumpisahan na nila ang mga assignments. Sakto din na dumating ang mga pagkain na in-order ni Vero. Kaso nga lang ay masyado atang madami. Most of them are her favorite.
"Bakit ang dami?" tanong ko.
May Potato Corner Terra size, Jollibee for the rice meal, and Chatime for drinks.
"I figured.. this can help us." nagkibit-balikat ang lalaki. "Snacks, drinks, and for dinner."
Napa-iling sya. Sana maubos nila ito para walang masayang na pagkain. Kapag-kuwan si Vero pa naman ang taga-ubos nya ng pagkain na hindi nya na kayang ubusin.
The goal for tonight is to finish the assignments. Sana ay matapos nila agad at para pag nag-aya si Vero manood ng movie ay wala na silang iisipin.
Palihim nyang sinilip ang lalaki at mahina syang natawa. Hindi nya pa din lubos inakala na si Vero Martell ay magbabago sa isang iglap. Sinong mag-aakala na nagtagumpay sya sa Oplan-Patinuin si Vero Martell. Kaya labis ang pasasalamat sakanya ng Dean. She's so proud of him. Nakaya ni Vero.
Kung tutuusin, kayang-kaya ni Vero na hindi nalang sya pansinin para sumuko sya. Pero sinunod nito lahat ang sinasabi nya.
Everything has improved to him.
"What?" napatingin si Vero sakanya, marahil naramdaman ang paninitig.
"Wala naman. Alam mo bang gwapo ka? Well, of course, hindi na dapat tinatanong pa." umirap sya.
Gwapo namang taglay si Vero. Kaya tuwing papasok at uuwi sya, hindi natatapos ang araw na hindi sya pag-uusapan ng mga ibang babae sa banyo.
Nilapag ni Vero ang laptop sa tabi ng kanya at umayos ng upo. Sumubo ito ng fries at ininuman ang milk tea. Nagulat sya ng abutan din sya ng lalaki ng fries. Sinusubuan. Tinanggap nya naman iyon.
"Hindi ko gets yung.. sa Entrep. How did it become like this?" na-sstress na sambit nya.
"Here.." inabot ni Vero sakanya ang isang papel. "May notes ako nung sinulat sa board yung formula. Nasa meeting ka ata 'nun ng diniscuss 'yan."
"OMG. Thank you!"
Binasa nya iyon at saka nya naintindihan. Mabilis lang din nilang natapos ang mga assignments na tambak. Saka sya inaya ni Vero na manood ng movie. Mabuti nalang at wala silang pasok bukas.
At kagaya din nang sabi ng ama nya ay umalis din ito kinagabihan. Mukhang dinalaw lang talaga sya nito. At makita syang anong oras na umuwi ay bago sa paningin nito. Malamang sa malamang ay naglalaro sa isip ng ama nya.
"Sleepy?" dinig nyang tanong ni Vero.
Umiling ako at isinandal ang braso sa sofa. Itinungkod nya ang kamay sa ulo. Napatitig sya kay Vero.
Mahaba ang buhok ni Vero, mukhang nakadagdag din yun sa pagiging gwapo nito. His jawline is showing too. Matured na ang itsura gayong sernior high-school pa lang sila. Paano pa kaya kapag naging adults na sila?
Mahaba ang pilik-mata at mala tsokolate ang kulay ng mata. Matangos ang ilong, marahil nakuha sa ina na mah lahing banyaga.
"What now, miss?"
"What are your.. plans after college graduation?" tanong ko.
"I don't know." nagkibit-balikat sya. "I'd probably help the old man run his business. Ako lang naman ang pwedeng humawak 'nun pagkatapos nya.."
"Hmm."
"How about you?" balik nito sakanya.
Ano nga ba? Ano nga ba ang mangyayari sakanya pagkatapos nilang grumaduate ng college? Muli nyang naalala ang sinabi ng ama nya. Will the deal really happen? Wala na ba talagang ibang paraan para iwasan o itigil ito?
"Ang makasama ka."
Nagkatitigan sila. "I think my heart just skipped a beat."
Tumawa ako ng malakas. Namula ang mukha nito. Ang sarap talaga nitong asarin palagi. Ayun naman talaga ang gusto nyang gawin. Ang makasama si Vero hangga't sa makakaya nya.
"I'm serious.. ayaw mo ba?" lumabi sya at inirapan ang lalaki.
"No, it's not that. Of course, I want that too. But I know there's something you want aside from being with you. Sasamahan kita kahit saan, kahit anong gusto mo, susuportahan kita."
Nangilid ang luha nya, umiwas sya agad ng tingin bago pa nito makita ang mata nya. Hindi nya din alam kung bakit sya biglang naging emosyonal.
"Matigas man ang ulo ko palagi, pero.. isang tawag mo lang, sabihin mo mang kailangan mo ko, pupuntahan kita kahit saan." dagdag pa ni Vero na halos pabulong na nitong sabihin animo'y may makakarinig dito.
Muling nagtama ang mata nila. Hanggang sa namalayan nyang palapit na ng palapit si Vero. Hindi sya gumalaw sa pwesto nya at hinayaan ang lalaki sa balak nitong gawin.
Napapikit sya ng maramdaman ang hininga ng lalaki. The next thing she knew she was feeling his soft warm lips onto hers. Bumilis ang t***k ng puso nya. Ang ingay na galing sa TV ang tanging maririnig sa paligid.
His hand started to cupped her face to deepen the kiss. She's not good at this. Iilan pa lang naman ang mga naging boyfriend nya. At lahat sila ay hindi pa sya nahahalikan. Vero is her first kiss.