Halos hindi nya napansin na umalis si Vero sa tabi nya. Saan kaya ito pumunta? Bigla nalang nawala.
"Asan si Vero?" tanong nya kila Johan.
"Baka nag-CR lang, boss." sagot naman ni Damian.
Si Tomas naman ay nawala din. Dumating ang isang babae na dala ang resibo nila. Nilabas nya ang wallet nya para sana magbigay para sa hati nila ni Alexa.
"Ako na, boss Eya. Baka isako ako ni Vero pag nag-bayad ka." sabi ni Johan.
"Ha? E ang dami nung nakain natin. Idagdag mo na'to." aniya sabay abot ng five hundred.
"Wag na nga. Kaya ko 'tong bayaran. Take it as my token of appreciation. Sa pagtulong mo kay Vero. You don't know.. how much he changed after you came." seryosong sabi nito.
Akalain mo yun, marunong din pala ang lalaki na mag-seryoso. Akala nya kasi ay puro kalokohan lang ang alam nito. At hindi nya akalain na mababait pala ang magka-kaibigan na 'to.
"Thank you.." aniya at binalik na ang wallet sa bag.
"Asan na sila?" tanong ni Alexa na kakabalik lang din galing sa restroom.
Nagkibit-balikat sya. "Hindi ko nga alam e. Wala si Vero at Damian."
On the other hand, habol ni Vero ang hininga na naka-upo sa passengers drivers seat ng sasakyan nya. Gulo-gulo pa ang mga gamit dun galing sa dashboard compartment at glove compartment ng sasakyan.
"Okay kana?" tanong ni Tomas sakanya.
Nakapikit sya at habol pa din ang hininga. Mabuti nalang at may naitabi pa syang gamot sa sasakyan.
"Ikaw naman kasi.. bakit mo pa kinain alam mong bawal ka?" sermon ni Damian na kararating lang din.
"Sinusubuan kasi ni Eya e.. di nya napigilan." tumawa si Tomas at napa-iling. "Inlababo na ata si gago."
"Palabas na sila. Kaya mo na ba?" ani Damian ng makita ang itsura ni Vero.
"Yeah. The medicine's kicking now." sagot naman nito.
Narinig nila ang tawanan ng dalawang babae at ang boses ni Johan. Lumabas na ito ng restaurant. Agad hinanap ng mata ni Vero si Eya na malaki ang ngiti sa mukha.
Now how can he tell her that he's allergic to banana's without ruining that smile?
"Vero? Andyan ka lang pala.. bigla kang nawala."
Lumabas sya ng sasakyan para salubungin ang dalaga.
"Sorry, inayos ko lang yung sasakyan. Mukha kasing makalat kanina." aniya.
"Hindi naman makalat." inirapan sya nito. "Did you guys smoke?"
"Ah.. oo, boss Eya. Isang stick lang naman." sagot ni Tomas.
"Uwi na tayo?" tanong naman ni Alexa at kumapit sa braso nya.
"May gusto pa ba kayong puntahan?" tanong naman ni Damian.
"Wala naman na.." umiling ang kaibigan.
"Magsi-uwi na tayo. Let's call it a night." sabi naman ni Johan.
Kinabukasan, and next following days, mas lalo silang naging malapit. He comes when she call him. Some teases them, kung under nya na ba si Vero. Which she would always deny. Kasi wala namang katotohanan iyon.
Vero has his own life. At sino sya para diktahan ang lalaki? She was just here as a guide not someone to boss him around.
Hindi nya mahagilap si Vero buong araw na'to. What happened to him? Ilang beses na nya itong tinext at tinatawagan pero hindi sumasagot.
Nakita nya sila Johan sa school grounds at agad nilapitan.
"Hello. Nakita nyo ba si Vero? Hindi kasi sya pumasok ng first 3 subjects." aniya.
"Akala ko magkasama kayo? Hidni din sya nagpakita samin ngayon." sabi naman ni Damian.
Umiling sya. "Hindi. Hindi rin sya sumasagot sa text o tawag ko."
"Isa lang ibig sabihin nyan, if Vero is out of reach.. nag-away yan sila ni Tito. His dad. He's nowhere to be found. Bigla nalang din syang lilitaw after a day, that's how he copes up even if we try to reach out to him." kwento ni Tomas.
Nag-away? Bigla nyang naalala, hindi nga pala sila magkasundo ng ama nito. Just like hers. Dapat siguro na wag nya munang kulitin ang lalaki. She doesn't wanna push him on his edge.
But she's worried.
Naglalakad na lang sya pauwi. Asan kaya ito ngayon? Kamusta ito? Grabe ba ang away nila ng ama nito?
Nilabas nya ang cellphone para mag-text sa lalaki.
Eya:
Vero, call me when you see this.
I'm worried.
Always remember that I'm here for you.
Sunod-sunod na text nya. Mabilis naman syang nakauwi, saglit lang din syang nagbihis bago dumiretso ng kusina para ayusin ang rekados ng pagkain na lulutuin nya
Habang naghihiwa ay nakarinig sya ng katok sa pintuan.
"Sandali."
Pagbukas nya ay nakita ang isang lalaki na nakatayo sa labas. Walang emosyon ang mukha nito. Pero bakas sa mata nito ang pagod at galit.
"Vero.."
Naglakad palapit ang lalaki sakanya at niyakap sya. Wala sa sariling nayakap nya nalang din ang lalaki. Mukhang ito ang kailangan nito.
"It's okay. I'm here, you have me, Vero. You don't have to take everything." bulong nya dito habang hinahaplos ang likod nito.
Naramdaman nyang binaon ng lalaki ang mukha nito sa leeg nya at unti-unting nababasa. He's crying. Vero is crying.
Hindi nya pinilit ang lalaki na sabihin kung anong nangyari. Hinayaan nya lang ito. Kailangan lang nito ng madadamayan. Tinapos nya ang niluluto at inayang kumain ang lalaki.
"Masarap ba?" nag-aalalang tanong nya.
Matagal bago sumagot ang lalaki saka tumingin sakanya. "Pwede na."
"Anong pwede na? Tsk." inirapan nya ito dahilan para tumawa ang lalaki.
"Masarap, don't worry." natatawang sabi ni Vero.
"Heh. Hindi ako naniniwala."
"It is really.." pilit ng lalaki at sumandok pa ng madaming ulam.
She cooked Pork Adobo, it was a simple meal but for Vero it was a special one. At dahil dyan, naging paborito nya ang Adobo na si Eya ang nagluto. Marami pa syang natikman na ulam na niluto ni Eya na hindi pa nya nakakain nuon.
Pagkatapos nilang kumain ay nag-stay pa si Vero sakanila. Nanood sila ng movie habang nagpapalipas ng oras.
"Papasok ka bukas o magpapahinga ka?" tanong nya.
"Papasok ka?" balik na tanong ni Vero.
Tumango sya. "Aba, syempre."
"Then I'll go." ngumiti ito.
Saglit silang binalot ng katahimikan bago nagsalita ulit si Vero.
"Sorry, it was all hard to take in. I just usually ran away whenever something happens. Tuwing may problema, I just ran away and never fix it." anito.
"It's okay. I know a lot of things changed when I came. And it's hard for you to adjust. But I want you to keep in mind that in those changes, I'll be with you. Whatever happens, you have me. Kahit ano pa 'yan, andito ako. Sasamahan kita, pwede mo kong sandalan." halos pabulong na nyang sabi.
"Got it. Thank you for being here with me." inabot ni Vero ang kamay nya at hinawakan. "I'm not in good terms with my dad, ever since my mom died. We fought a lot, even last night. He plans to re-marry. Not that I'm against it, it's his life. But he wants to bring his woman already in our house, so I got mad."
"What do you think about the her? The woman your dad wants to marry. Was she nice to you?" tanong nya.
"She was. Or, I don't know. Maybe it's just an act since my dad is around." bumuntong-hininga ito.
"Why don't you try to get to know her? At least, duon mo malalaman.. if she means harm or what." aniya.
Hindi sumagot si Vero. Sumandal lang ito sakanya at pumikit. She knows how hard it is right now for him. Mabuti nalang din at lumapit ito sakanya. Mas mahirap yung wala kang masasandalan.
"Nga pala, nag-aalala din sayo sila Damian. Let them know that you're fine." dagdag pa nya.
"Hmm. I will." sagot ng lalaki habang nakapikit pa din.
Everything was back in places. Not until, someone confessed to Eya. He was a nice guy, ayun nga lang, hindi nya ito gusto. So, she turned him down. Some praise the guy.
Saan ba nito nakuha ang lakas na loob na umamin sakanya gayong malapit na sya kay Vero.
Vero has nothing to do with this. Her rejection is not because of someone, but because that's not her focus anymore. Or so she thought.
Late si Vero, and this is the first time that he was late again after them being close and all. Nung pumasok ito ay para syang bumalik sa dati. It's like from the first time they met.
"Bakit ka late?" tanong nya agad ng makaupo ito sa tabi nya.
Hindi sya nito sinagot. Nakatingin sya sa harap at parang nakikinig sa professor pero hindi naman talaga.
"What's wrong? Nag-away nanaman ba kayo ni Tito?" tanong nya ulit, pertaining to Vero's dad.
Wala nanaman syang nakuhang sagot. Usually, he would still answer.. kahit nag-away sila. He's never been so quiet like this ever since naging close sila.
"Vero.."
Nilabas lang nito ang papel at nagsimula na syang magsulat kung ano man ang nasa harap. What the hell? Para nanaman syang hangin dito. Hindi na nya nagawang tawagin pa si Vero ulit dahil nagsalita na ulit ang professor nila sa harap.
"Hindi ba kayo nag-away?" tanong ni Alexa.
Sila ngayon ang magkasama sa isang subject. Meron kasing subject na hindi nya kasama si Vero. Halos malugmok sya sa kakaisip. Ano ba talagang problema ni Vero?
Umiling sya at bumuntong-hininga. "Hindi."
"Baka nagselos?"
"Huh? Ba't naman sya magseselos? Anong dapat nyang pagselosan?" takang tanong nya.
"Hello. Diba umamin sayo si David, kumalat 'yun sa buong school, I'm sure narinig nya din yun."
It might be one of the reason.. pero sana ay hindi. She has never dealt with a jealous man before.
"Ba't nga sya magseselos? Hindi ko naman sinagot si David. Hay nako, bahala sya sa buhay nya. Diko rin sya kakausapin." sabi nya at inis na binagsak ang hawak na yellow pad paper.
Naglakad sya pauwi. Dahil kailangan nyang mag isip-isip. Napadaan sya sa isang café at nakita ang isang pamilyar na lalaki.
Si Vero. Kasama nya sila Damian. Gusto nyang lapitan kaso para syang napako sa kinatatayuan nya ng may isang babae na tumabi sa lalaki at kumapit sa braso nito.
Is this the reason? Kung bakit hindi na sya kinakausap ng lalaki?
Tinuloy nya nalang ang paglalakad. Bagsak ang balikat nya. Halos hindi din sya nakatulog. Umikot lang sya ng umikot sa kama. Paano ba sya makakatulog kung tumatakbo sa isip nya ang eksena kanina?
Kinabukasan ay kitang-kita ang eyebags nya. Hindi kinaya ng BB cream nya. Sinuot nya ang earphones habang hindi pa nag-uumpisa ang klase.
Nagbasa lang din sya ng libro. Hanggang sa naramdaman nya na may umupo sa tabi nya at si Vero ito. Hindi nya pinansin ang lalaki. Pero pinakiramdaman nya lang ito.
Hanggang sa magsimula ang klase ay wala silang imikan. Pagdating ng lunch time ay mabilis nyang niligpit ang gamit.
"Tara na, Alexa?" aya nya.
"Tara."
Sabay silang lumabas sa classroom. I'm sure Vero is confused with what's happening already. Hindi sya kinausap ng dalaga. Samantalang kahapon ay sobra ang pangungulit nito.
"Nag-usap na kayo?" tanong ni Alexa sakanya.
Umiling sya. "Hindi. Bahala sya. Kung ayaw nya kong kausapin, edi hindi ko din sya kakausapin."
Ngumiti ng nakakaloko ang kaibigan. "May nakita ka 'no? Ano 'yan? Spill the tea."
At ikinwento nya sa kaibigan ang nakita nya kahapon kaya pinabayaan nya din si Vero. If he doesn't want to talk then she won't talk.
Kinabukasan ay sa ibang upuan sya umupo. Idinahilan nya na hindi nya makita ang mga isusulat sa harap. Mabuti nalang at may bakante. Magkatabi sila ni Alexa ngayon.
Mula sa pwesto nya, ramdam na ramdam nya ang mata ni Vero. Parang onting galaw nya lang ay mawawala sya bigla sa paningin nito.
Mahina syang siniko ni Alexa. "Yung alaga mo sa likod.. kanina ka pa pinapanuod."
"Pabayaan mo sya." sagot nya naman.
If this is how things going to end between them, so be it. Tutal ay ginawa na nya ang kailangan nyang gawin. Vero changed.
Nang matapos ang klase nila ay hindi sya umalis agaad, naiwan pa sya para asikasuhin ang seatworks na kinolekta nya sa mga classmates nila. Sya kasi ang itinoka na checkan ito at ipasa ang records sa professor.
Naiwan din si Alexa para samahan sya. Hanggang sa napansin nya na tatlo pala silang naiwan dito. Vero is still here too. Hindi sya umalis sa upuan.
"Can we talk?"
"Huy.. talk daw." sabi ni Alexa sakanya.
"Sorry, pero wala kaming dapat pag-usapan." sagot nya na parang hindi nya narinig ang sinabi ni Vero.
"Bakit hindi ka tumabi sakin?" tanong ng lalaki.
"Hindi ko makita yung nasa harap."
"Hindi ka naman nagrereklamo dun dati?"
"Dati yun."
"What's the problem? Our problem."
"Problem? Wala." umiling sya at tumayo saka humarap sa lalaki. "Wala tayong problema. Wala na. I've done my part, pumapasok kana and nagpapasa ng requirements."
Kumunot ang noo ni Vero sa pagtataka. "What the hell are you talking about?"
"Oh come on, Vero. Sana sinabi mo nalang agad kung di mo nako kailangan." inis na sabi nya sa lalaki.
"When did I even said that?"
"You don't have to say it. Malinaw na sakin ang lahat." Kinuha na nya ang gamit nya. "Tara na, Alexa."
Palabas na sana sila ng classroom ng lumitaw si Johan. Hinaharangan nito ang pinto. Kasama ni Johan sila Damian sa likod nito.
"Sorry, boss Eya. Napag-utusan lang."
Hinila nya si Alexa palabas ng pinto at sinara ito. Ilang beses syang napakurap. Naiwan na sya ngayon sa loob ng classroom kasama si Vero.
"Eya.. let's talk about this."
"Ano ba kasing gusto mong pag-usapan?" nilingon nya ito.
"Us."
"Anong us? Pwedeng linawin mo kung ano 'yang 'us' na sinasabi mo?"
"Is it true?"
"Ang ano?"
"David and you?"
"What about David and me? Diretsuhin mo ko, Vero."
"f**k. David confessed. Kayo na ba?"
Natigilan sya. Totoo nga? Nagselos sya? Kaya hindi sya nito kinausap? Pero bakit naman ito magseselos kung binasted nya si David. Hindi ba 'yun nakarating sakanya?
"No. I rejected him. Kaya ba hindi mo ko pinansin? Kasi nagselos ka?"
"No, I'm not jealous." agad na tanggi nito.
"Edi bakit nga? Bigyan mo ko ng magandang dahilan para kausapin ka, Vero?"
Matagal bago nakasagot si Vero. Mukhang wala din syang balak palabasin nila Johan sa pinto ng hindi sila nag-uusap.
"Bakit hindi mo nalang aminin? Nagselos ka 'no?" naningkit ang mata nya.
Come on, Vero. Bulong nya sa sarili. She has to hear it from him. She wants him to say it. From him.
"Nagselos ako. Kasi akala ko mawawala kana sakin. Kasi akala ko magkakaron nako ng kahati sayo. And if that happens, hindi ko na alam mangyayari sakin. Paano nako kung wala ka?"
Umawang ang labi nya. Para syang nabingi sa narinig. Bumilis ang t***k ng puso nya. Nagselos si Vero. Nagselos sya. Narinig pa nya ang impit na sigaw ng kaibigan sa labas pero nawala din agad.
"A-Ano?"
She wanted to hear it from him, now what? Sya ngayon ang hindi makapag-salita. Sya ngayon ang walang masabi.
"You heard me."
"O-Oo nga.."
"Now, you tell me. Bakit hindi mo ko tinabihan?" tumaas ang kilay nito.
"I-Ikaw kasi.."
Bakit ba sya nauutal? Bakit bigla nalang syang hindi makapag-salita ng tuwid? Nababaliw na sya. Wala syang ibang naririnig kundi ang t***k ng puso nya.
Nung marinig nyang bumukas ang pinto ay agad syang dumiretso palabas at tumakbo palayo. Tinawag pa sya ni Alexa pero hindi na nya ito nilingon.