Naglalakad na sila papuntang parking lot. Mabuti pa nga siguro na magpahatid dahil napagod sya sa pagtakbo nila kanina. Saka nya lang din napansin ang sugat sa kamay ni Vero.
Malamang ay nakuha nito iyon dun sa pagsuntok sa lalaki.
Pinatunog ni Vero ang isang itim na pick-up. It's a black shining Raptor. Ang pogi ng sasakyan. Pogi na nga ang driver, pati ba naman ang sasakyan?
Pumasok na sila sa loob. She fasten her seatbelt. Ang bango sa loob ng sasakyan. Amoy ni Vero. She can smell his perfume. Is this Jo Malone? Or not?
Creed Aventus. What a manly smell.
"Malapit ka lang dito diba?" tanong ni Vero.
Tumango sya. "Yeah. Pwede naman kasi maglakad bakit ihahatid pa ng sasakyan?"
"And then what? Pag nahatid kita ako lang mag-isa maglalakad pabalik?" tumaas ang kilay nito.
Natawa nalang sya sa reaksyon ng lalaki.
She guess that turned out well. Pero hindi nya talaga inaasahan ang mga nangyari ngayong araw. Mas marami syang nalaman tungkol sa lalaki ngayon.
He's not that bad. Hindi nya maintindihan kung bakit ang laging sinasabi ng mga tao sakanya ay masama ang ugali nya. Well, what happened with the professors is not acceptable.
He was being really a badass. But who would have thought.. that he's a softy too? But she's happy that she's able to make progress. Not just progress but a big progress.
Itinuro nya lang sa lalaki ang daan at mabilis din silang nakarating.
"Uh.. gusto mo bang pumasok? I mean, yung kamay mo kasi.." turo nya dito.
Kanina pa nya kasi napapansin yung kamay ni Vero habang nagmamaneho ito. Mukhang nagkasugat din ito nung pagsuntok sa lalaki kanina.
"I'll be fine." sagot naman nito at mukhang hindi iniinda ang sugat.
"No. Bumaba ka. Papasok ka sa loob. Iparada mo yung sasakyan dito sa gilid. O kaya sa tapat ng gate. Bilis." aniya at naunang bumaba para alalayan ito sa pag-park ng sasakyan.
Nang bumaba na ang lalaki ay hinawakan nya ito sa kamay dahil baka tumakbo palayo. Hinila na nya ito papasok ng gate at diretso sa bahay. Mabilis nya lang ding nakuha ang susi ng bahay at binuksan ang pinto.
"You live alone?" tanong nito.
"Yeah. Apparently. Bahay 'to ng grandparents ko, naiwan sakin. And malapit sa school, kaya.. dito na din ako nag-stay." sagot nya naman.
Pagpasok nila ay binuksan nya lahat ng ilaw. Bumalandra ang maaliwalas na paligid. Lahat ng gamit sa bahay ay maliwanag sa mata. Covered in pastel colors.
"Where are your parents?" tanong muli ni Vero.
Makahulugan syang tumingin sa lalaki. "Getting interested with now eh?"
"I'm just asking.." depensa naman ng lalaki na ikinatawa nya.
"My dad's in Cebu. He lives there. He's managing the family business." sagot nya din kalaunan.
Pina-upo nya ito sa sofa at dumiretso sya sa isang cabinet para kunin ang first aid kit box. Buti nalang at may ganto sya. Madalas kasi syang masugat noon kaya, dapat laging may laman ang box na ito.
"Akin na yung kamay mo.." aniya kay Vero.
Sumunod naman si Vero sakanya. Pinunsan nya muna ang sugat bago nilagyan ng cream. Tahimik lang si Vero na nanunuod sakanya.
Somehow, Vero felt so much affection. He never had someone done this to him before. Yung may mag-aalala dahil nagka-sugat sya. At inasikaso ang sugat nya.
"Vero.." tawag nya sa pangalan ng lalaki.
"Hmm?"
"Thank you and sorry."
Kumunot ang noo ni Vero. "For what?"
"Kasi pinagtanggol mo ko. Tapos napa-away ka pa. Sana di mo na sinuntok." aniya habang patuloy sa pag gagamot sa sugat.
"Nag-aalala ka pa dun sa sinuntok ko?" tumaas ang kilay ng lalaki.
"Baliw, hindi. Deserve nya 'yun, kaso.. mali pa din. Kasi.. violence is not the key." paliwanag nya at tumawa.
Nakatitig lang si Vero sakanya. There was something with the way he stares at her. Tiningnan niya ito na parang unang bituin sa dapithapon-banayad, tiyak, at nakabibighani.
"I'm sorry." biglang sabi ni Vero.
Tumawa sya. "Bakit ka naman nag-so-sorry?"
"Because of me.. nabastos ka dun sa tambayan."
"Kasalanan ko din naman. Oh, by the way, kamustahin mo yung mga kaibigan mo." paalala nya.
"I'll do that later. I'm sure, they'll be fine. I know them." kampanteng sagot nito.
"Since andito kana din.. gawin natin yung activity." binitawan nya ang kamay ni Vero. "Okay na 'yang kamay mo.. lalagyan mo lang lagi ng cream para hindi mag peklat."
"Okay."
Sinimulan din nilang gawin ang activity. Na mabilis lang din natapos. On the contrary, Vero was easy learner. Na-gets nito agad ang topic at nasagutan ng maigi ang dapat sagutan.
Nakausap na din ni Vero ang mga kaibigan nito at sinabi na dinala daw sila sa Baranggay.
"Hala. Ano ng nangyari? Andun pa daw sila?" nag-aalalang tanong nya.
"Pinauwi na din sila since nasa kabilang side ang diin. Turns out, matagal ng nang-gugulo yung mga students na 'yun dun." anito sakanya.
"Ah.. okay. I'm glad your friends are fine. Say thank you to them for me, please."
Inalok pa nya si Vero na kumain ng dinner, pero tumanggi ito.
"Take some rest. Pupuntahan ko na sila Damian saglit." paalam nito.
"Ingat ka sa pag-da-drive."
Pinanuod nyang humarurot palayo ang sasakyan ni Vero. Malakas ang loob nyang unti-unti na nyang nahihilot ang lalaki. Wala sa sariling napangiti nalang din sya ng maalala ang mga pangyayari ngayon.
Pinagtanggol sya ni Vero. He said sorry. Ni hindi nya akalain na sasabihin yun ng lalaki. Itsura pa lang ni Vero, halata na mataas ang pride nito at may katigasan ng ulo.
And someday.. she's sure. Mawawala 'yan.
Lumipas ang ilang araw pagkatapos ng insidente ay madami ang nakapansin ng mga pagbabago. Akala nya ay babalik sila sa dati, na para syang hangin kapag nasa classroom sila.
Kung hindi man sya kakausapin ulit ni Vero, naiintindihan nya. Paniguradong mahihiya ito dahil biglang may kinakausap na iba maliban sa mga kaibigan nito.
Pero nagkamali sya. Dahil nga magkatabi sila ni Vero sa upuan ay madalas syang asarin ng lalaki. Mukhang masaya ito kapag nakikita syang naiinis.
At sya naman sa sobrang inis ay gusto ng lamutakin ang mukha nito.
Marami na din syang nalaman tungkol kay Vero. She's glad that whenever she asks something, he doesn't hesitate to answer.
Sixteen years old nung una nitong makuha ang lisensya sa Amerika. Nung nag eighteen years old ito, saka kumuha dito sa Pilipinas. He's dual-citizen in America and Philippines.
Ang mommy nito ang taga-America. At duon na din nagkakilala ang mga magulang nito. Pero dito kinasal sa Pilipinas. His mother's parents lives in America as well. Buhay pa ang mga ito.
And that's where she found out that his mom is not in this world anymore. Namatay ito ng elementarya si Vero dahil sa sakit.
"Vero.." tawag nya sa pangalan nito.
Tumingin ito sakanya.
"Try mo nga pumasok ng maaga bukas. Hmm.. siguro mga 30 minutes? Before the class?" tanong nya sa lalaki. Tumaas ang kilay nito dahilan para matawa sya. "Experiment lang. Give me your phone."
Inabot naman ito ng lalaki ng walang imik. Halos walang laman ang cellphone nito. Maliban sa inbox nitong may halos limang daan na unread messages.
Binuksan nya ang alarm at nag-set ng mga oras.
9:00pm - tulog na.
5:30am - gising na.
6:00 am - dapat nakakain na ng breakfast.
6:30am - nakaalis na dapat sa bahay.
Pinakita nya sa lalaki ang ginawa nya. "Sundin mo 'to. May reward ka sakin kapag nagawa mo."
"What's the reward then?" naningkit ang mata nito.
"Secret." tumawa ang dalaga.
She usually arrived an hour before the school starts. Nakasuot sya ng earphones ngayon habang nagbabasa ng libro. Naramdaman nyang tumahimik ang paligid.
Inalis nya ang earphone at tumingin sa paligid para tignan kung anong meron.
Pumasok si Vero sa loob ng classroom. Umawang ang labi nya. He actually did it?
"Morning." bati nito.
"G-Good morning?" bati nya pabalik sa gulat nya ay naging patanong tuloy ito.
"What's the matter?" kunot ang noo ni Vero.
"Ikaw ba talaga 'yan? Ang aga mo pumasok? I mean.. one hour late ka dapat." aniya.
"You set-up the alarm to my phone." sagot nito.
Hindi nya talaga inaasahan na susundin nito iyon. Ikinulong nya ang mukha ng lalaki gamit ang dalawang kamay nya.
"Ikaw ba talaga si Vero Martell?" pinisil-pisil nya pa ang pisngi nito.
"Ouch.." daing nito.
Tinignan nya ng masama ang lalaki. "OA ka.. di naman madiin yun."
"Ayy hindi ba.." tumawa ang lalaki.
Hindi talaga sya makapaniwala na susundin ng lalaki ang ginawa nyang alarm. At pumasok pa ito ng maaga.
"Anong oras ka natulog kagabi?" tanong nya habang nilalabas ang notebook sa bag.
Habang abala sya ay nalaglag ang buhok nya at tumakip sa mukha. Inangat ni Vero ang kamay at inayos ang buhok nya. He tucked it on behind her ears.
Parang naging slowmotion ang paligid ng mga oras na 'yun. Parang silang dalawa lang ang tao sa paligid.
Napatingin sya kay Vero pagkatapos nitong gawin iyon. Parang nagulat din ito sa kinilos ng sarili. What just happened? Did he felt that too?
"I-Ilabas mo yung assignment mo, titignan ko." sabi nya at umiwas na ng tingin.
Ramdam na ramdam pa nya ang tingin ng ibang babae sa paligid. E kasi naman, who would've thought that Vero will talk to someone like her?
"Oh, by the way. Gusto nyo sumama mamaya?" tanong ni Vero.
"Saan?"
"We'll just do some foodtrip in Maginhawa."
"Wow. Sure. Isama ko si Alexa. Hindi ako sasama pag wala yung kaibigan ko.." sabi nya naman.
"No problem." tumawa sya.
Gaya ng napag-usapan. After the class, sabay silang naglakad papuntang parking lot. Turns out that Vero's friend has car's as well.
"Alexa, our new friend.. halika na, dito ka samin sa kabila. Let the two be alone." aya ni Johan kay Alexa.
Mukhang maiiwan sya kay Vero. Pero gusto nya sana kasama si Alexa sa sasakyan.
"T-Teka.." awat nya.
"Kami na bahala sa kaibigan mo, boss Eya. Putulin mo daliri ko kung meron mang mangyaring masama sakanya. I assure you.. safe sya samin." tumawa si Damian.
"Just let her go with them. Masaya nga si Alexa o.." sabi naman ni Vero sakanya.
Kitang-kita nga ang saya sa mukha ng kaibigan nya. E kung sabunutan nya ito? Crush na crush kasi nito si Tomas.
"Fine."
Pumasok na sila sa sasakyan. Parang bigla syang kinabahan. Silang dalawa lang ni Vero. Lagi naman silang naiiwan na dalawa pero parang kakaiba ngayon.
"Are you cold?" tanong ni Vero.
"Konti lang.." sagot naman nya.
Manipis din kasi yung damit na suot nya at madali talaga syang lamigin. May inabot si Vero sa likod at pinatong sa hita nya.
"Wear my jacket for the mean time."
Sinuot nya naman ito. Amoy na amoy nya din ang pabango ni Vero. It's so manly. Nakakapogi talaga sa mga lalaki kapag mabango at malinis sa katawan.
She loves the feeling of it.
"Anong mga food sa Maginhawa?" tanong nya.
"A lot. But there's this place where we usually eat. It's a lot of people.. because the food is good. I'm sure you'll like it there as well.." marahang sagot naman ni Vero.
"Wow.. ka-excite." sabi nya habang nakangiti.
Na-traffic lang sila ng konti pero naka-usad din. Mabilis lang din silang nakahanap ng parking ng sasakyan. Suot nya pa din ang jacket ni Vero. Napaka-komportable kasi nito.
"Table for 6." sabi ni Johan sa receiptionist.
"Dito po, Sir."
Sinundan nila ang babae. Maganda ang theme ng restaurant. Ang mga upuan ay nasa loob ng jeep na gawa sa kahoy. Maliwanag din dahil sa ilaw na madaming nakabukas. Tama nga si Vero, madaming tao dahil mukhang masarap ang pagkain.
Alalay sya ni Vero sa likod. His hand was on her back at pinapauna syang maglakad.
Nang maka-pwesto sila ay kumunot ang noo nya. Nagsiksikan kasi ng apat sa kabilang side. Maluwag naman sa side nila ni Vero. Napahilot sa sentido si Vero. Mukhang alam ang ginagawa ng mga kaibigan.
"Lumipat kayong dalawa dito.." sabi ng lalaki. "Don't make me say it twice."
Agad tumayo si Johan at tumabi kay Eya. Nag-order na din sila ng pagkain. They ordered Alabang that is good for 6-8 person.
"Anything else?" tanong ni Vero sakanya.
"Parang masarap yung saging con yelo." aniya.
"Okay." humarap si Vero sa babae. "Can we also get 5 saging con yelo?"
"Five lang?" kunot ang noo nya.
"Yeah. For you, guys." sagot naman nito.
"Ayaw mo?"
Umiling ito. "I'll be fine."
Naghintay na sila ng order nila. Inabutan muna sila ng tubig at sumunod ang mga juice. Natatawa nalang sya sa mga pinag-ke-kwento ng mga kaibigan ni Vero. Ang katabi nya naman ay tahimik lang habang nakikinig din.
"Dahil madami na tayo.. pwede kayo sumama sa November. Camping. Ano? G ba mga, boss?" tanong ni Damian.
"Wow. Saan naman 'yan?" tanong ni Alexa.
"Hahanap pa. Pero.. we do that every year. Camping around November. The more the merrier." sabi ni Johan.
"Hala, gusto ko! Sama tayo, teh." sabi naman ni Alexa sakanya.
Lahat ay nakatingin sakanya tila naghihintay ng sagot. Gusto nya din naman maranasan yun dahil hindi pa nya iyon nagagawa.
Tumango sya at ngumiti. "Bakit naman hindi?"
"Yown, pinakaba mo kami, boss Eya." sabi naman ni Tomas.
Dumating din ang pagkain nila at agad hinain. Na-excite sila dahil sa dami ng pagkain. Kaya kaya nilang ubusin 'to?
"Kainan na!" excited na sabi ni Johan.
"Pray muna." sabi naman ni Damian.
Tinignan lang ng masama ni Johan si Damian.
"Lord, thank you for the blessings. Thank you kasi nakakain kami ulit dito. Hindi lang kaming apat pero nadagdagan kami ng kasama. Thank you po at hinatid nyo si Alexa at Boss Eya samin. Hindi na malulungkot si Vero." sabi nito. "Ouch!" daing nya bigla ng batuhin sya ni Vero ng kalamansi.
"Thank you po ulit, lord. Amen?"
"Amen!" sabay-sabay nilang sabi.
Nag-enjoy silang kumain dahil masarap din ang pagkakaluto. Merong agawan sa inihaw na pusit. Natatawa sya dahil ang kekwela at kukulit ng mga kaibigan ni Vero.
Ni minsan hindi nya inakala na magiging close sya sa mga lalaking 'to. Kung nuon ay pinapanuod nya lang ito sa malayo. Kinaiinisan pa. Dahil madalas ito ang dahilan kung bakit nagtatakbuhan ang mga babae.
Paano naman kasi.. Damian, Johan, and Tomas. Madalas sila ang pasimuno. Kung saan sila tatambay sa school ay nandun halos ang mga kababaihan. Vero doesn't interact much to anyone aside from his friends.
"Ah.. busog! Thank you, lord." sabi ni Alexa.
"Mukha nga e, nakaubos ka ng tatlong kanin, be." sabi ni Johan at tumawa.
"Hoy, ikaw nga lima." laban naman ng kaibigan nya.
Sinerve na ang saging con yelo nila. Masarap din ito gaya ng inaasahan nya. Sumandok sya sa kutsara at inilapit kay Vero.
"Tikman mo.. masarap." aniya.
Umiling si Vero. "No, you eat it."
"Dali na.." pilit nya at mas lalong nilapit ang kutsara. "Matatapon pa, Vero. Isa!"
Sa huli ay isinubo na ng lalaki ang kutsara. Napangiti sya. "Diba masarap? Matamis yung sabaw.. madaming gatas."
Tumango naman ito. "Yeah. It is.. masarap."
Mabilis lang din nila naubos ang dessert. Nagpahinga muna sila saglit bago nagpasya na mag-bill out. Nalunod sila sa kwentuhan at tawanan. Pagtingin nya sa tabi ay wala si Vero.
Now, where did he go? Hindi nya man lang napansin na umalis ito.