Kinabukasan ay nagpalitan na sila ng upuan. Sa lahat ng subject na kasama nya si Vero ay magkatabi sila. Nasa gitna sila at bandang dulo dahil ayun ang gustong pwesto ni Vero. Sya na din ang nag-adjust. Kahit ayaw nya talaga dito sa dulo.
Masyado naman atang obvious na sinet-up nila si Vero, dahil halos silang dalawa lang ang magkatabi.
Late nanaman ang lalaki. As always. Para syang kinakabahan na ewan. Bakit ba sya ganito? Hindi sya dapat kabahan. Si Vero Martell lang 'yan.
Maybe, she has to observe him more. Siguro dapat ay alamin nya muna kung paano kumilos, at kung anong routine nito. In that way, she can come up with a plan for him.
Nung dumating ang lalaki at naupo sa tabi nya ay hindi nya agad pinansin. Umakto syang walang pakealam. Walang naramdaman at parang wala ang presensya ni Vero.
Paano nya sisimulan kausapin ang lalaking 'to? Should it be a friendly approach or a fierce one?
Nang matapos sya sa pagsusulat ay inabot nya ang papel sa lalaki. Napatingin ito sakanya at tila nagtataka kung bakit sya nito kinakausap.
"Kopyahin mo. You're late. You'll need that.. may quiz after." sabi nya at nginitian ang lalaki. "Let me know.. if may dika naintindihan sa sulat ko."
Hindi ito gumalaw. Nagpatuloy nalang din sya sa pagsulat ng iba pang notes. Pinakiramdaman nya ang katabi at mukhang wala talaga itong balak na kopyahin ang mga notes nya.
Okay lang, umpisa pa lang naman ito. She can do this. Dumating na ang oras para sa quiz. ang ending wala tuloy itong naipasa o score.
Mukhang kailangan nya maka-isip ng paraan para napa-sunod nya ang lalaki sakanya.
Pangalawang araw ay ganun pa din ang nangyari. Salita sya ng salita pero ang lalaki ay parang walang naririnig. Para lang syang hangin. Hindi nya mawari kung nakikinig ba ang lalaki sakanya o talagang hindi sya naririnig nito.
Mahaba ang pasensya nya. Kaya nya 'to! Pangalawang araw pa lang naman.
"Malabo ba yung handwriting ko?" tanong nya at tinignan ang papel na pinagsulatan nya.
"Did you speak with the Dean?"
Natigilan sya. How did he know? Sabagay, hindi din naman nya natanong sa Dean kung alam ba ni Vero ang sitwasyon o mangyayari na'to.
"He did." sagot nya naman. "I'm just doing what I'm told."
Ngumisi ang lalaki. Damn, that smirk was handsome.
"Kapalit ng ano?" tanong naman nito.
Tumawa sya. "Wala. I did not ask for anything. Gusto ko lang tumulong kaya ginagawa ko 'to."
"Shut up. That's impossible. I know how desperate they are. What do you need? Money? Scholarship? Name it." seryosong sambit ni Vero.
"Look, Mr. Martell. Hindi ko kailangan 'yan. Kaya kong kumuha ng scholarship ng walang tulong ng kahit na sino. Pera? Meron ako nyan. Hindi ko din kailangan." sagot nya naman.
May kaya naman ang pamilya nila. Kaya hindi nya kailangan gawin ang kahit na ano para sa pera.
Sa ikatlong araw ay nakaisip sya ng ibang paraan para sa notes ni Vero. Pina-photo copy nya ang mga notes nya at iyon ang ibibigay nya sa lalaki.
Nung dumating ang lalaki ay inabot na nya ito.
"Here. Notes 'yan for the past few days.. we might have a long quiz. You got zero sa quiz, kasi hindi ka nagsagot. Make sure this time magsasagot ka na." sabi nya.
"And who are you to ask me what to do?" tumaas ang kilay nito.
Ngumisi sya. "Simpleng mamamayan na gusto kang tulungan sa pag-angat mo sa school. Don't you dare throw it away.. allowance ko ginamit ko dyan." sabi nya pa at matamis na nginitian ang lalaki.
Pero ang totoo sa faculty sya nagpa-photo copy. Nagpaalam naman sya. Bond papers lang ang binili nya. Allowance nya nga ang ginamit nya duon.
"Beshy, hindi ka ba natatakot dyan?" tanong ni Alexa, ang kaibigan nya.
Umiling naman sya. "Hindi, bakit naman ako matatakot sa lalaking 'yan?"
"Aba, syempre! Kilala si Vero as pala-away. Baka nga pati babae e pinapatulan nyan. Pero ang gwapo pap rin kasi talaga.. anong feeling ng katabi sya?" nakangiti at mukhang excited na tanong ng kaibigan.
Nagkibit-balikat sya. "Ewan ko. Ano ba dapat? Besides, hindi nga ko kinakausap. Hindi sya nagsasalita. Pero feel ko napipika na sakin 'yun.. lagi lang syang nakatitig sakin."
"Hala. Baka na-inlove na sayo 'yun a. Ayie." pang-aasar ng kaibigan.
Inirapan nya naman ito. "Baliw. Pero, hindi ako susuko. Kailangan.. mapa-amo ko ang leon. Walang siga-siga sakin. Baka pigain ko sya bigla."
"Ay wow, grabe naman pala ang beshy ko." tumawa ang kaibigan.
Napasandal sya sa upuan. "I feel like.. mabait naman sya. Maybe, he just needs someone who understands him. I think he means no harm."
"Sabi mo 'yan e. Madam Awring."
Napa-iling nalang sya sa sinabi ng kaibigan. Naniniwala sya na balang araw lalambot din si Vero sakanya.
Kinabukasan na klase ay ganun ang eksena. Vero is late again. Minalas lang dahil wala ng tinta ang bolpen nya at wala syang dala na extra. Kaya ang gamit nya ngayon ay ang mechanical pencil nya na kanina pa napuputol kaya palit sya ng palit.
Hindi nya naman ma-istorbo ang mga iba nyang kaklase.
"Argh. Dadaan nga ko ng bookstore mamaya." bulong nya sa sarili.
Siguro, dapat isang box ng bolpen ang baunin nya. Para marami syang extra.
Nagulat sya ng biglang may nag-abot ng bolpen sakanya galing sa katabi nya. It's a Parker pen. Napatingin sya kay Vero. Nakatingin ito sa harap na akala mo'y nakikinig pero hindi naman talaga.
Why is he giving her his pen? And it's Parker? Mahal ang bolpen nito pero hindi naman ginagamit. Well, maybe, that's the reason why he's not using it?
Hindi nya pinansin ang bolpen at patuloy na nagtiis sa mechanical pencil nya.
"Just use the damn pen."
Nagulat sya ng magsalita ang lalaki.
"Sure kang pwede kong gamitin 'to?" tanong nya at humarap sa lalaki.
Parang natatakot syang gamitin ang bolpen dahil kitang-kita ang Parker na brand nito.
Tumaas lang ang kilay nito. "I lend it to you, use it."
"But it's Parker." halos pabulong nyang sabi.
"I don't care." sagot naman ng lalaki na mukhang narinig ang sinabi nya.
Ang gwapo pala ng boses nito. Hindi naman kasi ito masyadong nagsasalita. She barely hear his voice. Kung ganitong boses lang pala ang maririnig nya araw-araw, why not? Dadal-dalin at dadal-dalin nya talaga ito hanggang sa magsalita na.
Akala nya ay magsusulat na ang lalaki. Mukhang mali sya ng iniisip.
"Where's the photo copy of yesterday's lecture?"
Bahagya pa syang nagulat sa tanong ng lalaki. What is he asking? About the lecture? Ito na ba 'yun? Totoo ang himala!
"A-Ah.. hindi ko pa napa-photocopy. Mamaya pa lang sana. Kailangan mo na ba?" tanong nya naman.
"Okay."
Pinigilan nya ang sarili na ngumiti. Well, that's a progress. Kinausap na sya ng lalaki at ipinahiram pa sya ng bolpen. At nanghingi ng kopya ng lecture nila.
"Tsaka, nga pala, we have activity to finish tomorrow. Alangan ako lang gumawa 'nun? Is there anywhere you'd like us to meet.. para gawin 'yun?" tanong nya dito.
Nagtama ang mata nila. There was something in his eyes. Parang may kung anong humihila sakanya habang nakatitig kay Vero. His eyes were beautiful as the sky.
Mukhang naiintindihan na nya kung bakit ang daming kinikilig kapag may mga babaeng tinitignan ni Vero. His eyes were mesmerising.
"Tapos kana?" dinig nyang tanong ng lalaki.
Bumalik sya sa ulirat ng marinig ang boses ni Vero.
"Huh?" kumunot ang noo nya.
"Are you done checking my face?" tumaas ang kilay nito.
Umirap sya. Aba! Ang yabang. Alam na alam siguro nito na sobrang gwapo nya.
"Excuse you, I wasn't checking your face."
Umiwas na sya ng tingin at tinuon ang atensyon sa harap kung saan may professor nga pala silang nagtuturo. Nakakahiya nga lang at nahuli sya ni Vero na harap-harapang tinititigan.
"Just tell me where the place is.. I'll go there." bulong nito sakanya.
Nahigit nya ang hininga ng maramdaman ang mainit nitong hininga sa tenga nya. Tinignan nya ng masama ang lalaki. Umangat ang gilid ng labi nito na mukhang natutuwa na asarin sya.
"Ano ba?!" hasik nya dito.
"Cute." dinig nyang bulong ng lalaki.
Cute? Sino? Sya? Talaga? Oh no. Bumilis ang t***k ng puso nya. Baka bigla nalang syang sugurin ng mga babae ni Vero at isako saka itapon sa ilog kapag nakita nilang malapit sya sa lalaki.
"Sa library nalang tayo bukas.. pumunta ka ha. Kung hindi, hindi ko ilalagay yung pangalan mo sa activity." pagbabanta nya.
Si Vero pa talaga na hindi talaga gumagawa ng activities ang pinagbantaan nya. Nababaliw na ba sya. Kinabukasan ay nauna sya sa library. Ang huling klase nya ay hindi nya kasama si Vero pero sinabihan na nya ito na sumunod nalang.
Kalahating oras na ata syang naghihintay pero ni anino ni Vero ay hindi nya makita. Hindi siguro sya sisiputin ng lalaki. Malilintikan talaga sakanya ang lalaking 'yun!
Masakit pa ang puson nya at gusto nya ng magpahinga. Only to be stood out by Vero.
Umalis na sya sa library at nag-desisyon na uuwi nalang. Kaya nya namang tapusin ang activity mag-isa at hindi nya kailangan si Vero.
Napadaan sya sa isang tambayan, may mga naglalaro ng dart at billiards sa loob. Nahagip ng mata nya si Vero kasama ang mga kaibigan nito.
Mukhang ito ang dahilan kung bakit hindi sya sinipot ng lalaki? Para maglaro ng billiards? E kung yung mukha nya ang sarguhin nya?
Kumulo ang dugo nya kaya dire-diretso syang pumasok sa loob ng tambayan.
"Hoy! Vero Martell!" sigaw nya.
Lahat ng tao sa loob ay napatingin sakanya, pero wala syang pakealam.
Napatingin sakanya si Vero. May hawak itong cue stick at nakaupo sa high chair. Bukas na lahat ng butones ng uniporme nito. He was wearing a white sando inside. And God forgive her when he thinks this is a hot scene that she walked into.
"Oh, si Ms. beautiful." sabi ni Damian, isa sa kaibigan ni Vero.
"Bakit hindi ka sumipot? Diba sabi ko magkita tayo sa library?" lumapit sya sa lalaki at tinignan ito ng masama.
Nakatitig lang sakanya ang lalaki. Bahagyang naka-awang ang labi nito. Saka nya lang napansin na merong kwintas si Vero sa leeg na silver. It looks so expensive. It kinda looks like David Yurman brand.
"You know what.." napahinto sya at bumuntong-hininga. ".. nevermind. Bahala kana."
Tumalikod na sya at naglakad palayo. Uuwi nalang siguro sya at mag-isa nya nalang gagawin ang activity nila. Ano ba naman kasi ang mangyayari kung pagagalitan nya si Vero?
"Hi, miss. You're kinda my type. Can I have your i********:?"
Biglang may humarang na lalaki sa pinto. May itsura ito pero mukha namang fuckboy. And she doesn't like that type of guy. Tumaas lang ang kilay nya at tinignan ng masama ang lalaki.
"Tabi." mahinahong sambit nya.
"Sayang naman, gusto pa naman kitang i-date. One night? One night lang." ngumisi ang lalaki.
Sinubukan nya pa ring dumaan pero humarang na din ang iba sa mga kasama ng lalaki. Mukhang taga-ibang school ito dahil iba ang kulay ng uniporme nila. At ang logo na nakaburda dito.
"Tabi sabi e!" inis na sabi nya.
"Wow. 'Yan ang gusto ko sa mga babae e.. palaban. E kung ikama ko 'to, makakalaban pa kaya?"
Nagtawanan silang magkakaibigan. Nakaramdam na sya ng takot. Paano ba sya makakalabas? Gusto nya ng umuwi. Mukhang walang balak na palabasin sya ng mga lalaking 'to.
Sinubukan nyang dumiretso maglakad palabas pero nagulat sya ng hawakan sya ng lalaki sa pulsuhan para ilayo sa pinto.
"Ano ba?!"
"Ang damot mo naman, dalawa lang naman hinihingi ko. IG o isang gabi lang.." ngumisi pa ito sakanya.
Napatili sya ng biglang bumagsak ang lalaki sa sahig. Napatingin sya sa sumuntok dito. Si Vero. Madilim ang tingin nito sa lalaki, akala mo'y ano mang oras ay kaya nitong pumatay.
"I knew it." dumura ng dugo ang lalaki na nasa sahig at putok na ang gilid ng labi. "It's Vero's girl."
"Woah.. woah.. woah. Ayaw namin ng gulo dito, okay? Just let the girl go, and world peace." sabi ni Tomas at pumagitna kila Vero.
Napatili sya ng akmang susuntukin ng kasama ng lalaking humarang sakanya si Tomas. Pero nasalo nito ang kamao ng lalaki bago pa tumama sa mukha nya.
"Wrong move, buddy." ngumisi si Tomas.
Hindi na nya alam kung paano humantong sa kaguluhan. Ang alam nya nalang ay nasa likod na sya ni Vero at sinisiguradong hindi sya madadamay sa gulo.
"Vero, umalis na kayo dito." sabi ni Johan, isa din sa kaibigan ng lalaki.
Hinawakan ni Vero ang kamay nya at sabay silang tumakbo palabas ng tambayan. Tumakbo sila malayo duon. Hingal na hingal. Hawak-hawak pa din ni Vero ang kamay nya.
"W-Wait.. p-paano sila?" tanong nya ng huminto sila sa isang eskinita.
"They can handle themselves. Bakit kasi papasok-pasok ka dun? Can't you see those stupid guys inside?" galit na sabi ng lalaki sakanya.
"What? Kasalanan ko pa 'to? Baka nakakalimutan mo.. we're supposed to meet up. Hindi mo ko sinipot kaya hindi ikaw ang dapat galit dito kundi ako!" galit na sambit nya.
Kumukulo talaga ang dugo nya. Bakit parang kasalanan nya pa? At malay ba nyang may mga bastos na lalaki pala dun? In the first place, if Vero wasn't there, she wouldn't barge in.
"I'm sorry.."
Napatingin sya sa lalaki. "Anong sabi mo?"
"You heard it, don't make me repeat it again."
Sarkasmo syang tumawa. "Fine. Babalik nalang ako dun sa mga lalaking nasa tambayan. It seems they're more interested anyway.."
"Try and you will see what happen." banta nito.
"Ano muna yung sinabi mo?" tumaas ang kilay nya.
"I said I'm sorry. Happy now?"
Napatitig lang sya sa lalaki. Is this really Vero in front of her? Everything is so confusing. Lahat. Lahat ng kinikilos ni Vero. Malayong-malayo sa mga naririnig nyang bulong.
"Ihahatid na kita pauwi."
"You drive?" tanong nya sa lalaki
"I'm 20. Of course, I can drive." masungit na sagot naman nito.
Inirapan nya ang lalaki. "May kasalanan ka pa sakin, tapos susungitan mo ko? Wag na, kaya kong umuwi mag-isa."
Akmang maglalakad na sya palayo pero hinila syang muli ni Vero dahilan para mauntog sya sa dibdib nito. Medyo masakit 'yun, ganun ba katigas ang dibdib ng lalaking 'to?
"Ihahatid kita." pilit naman nito.
"No way."
"Wag ka ng makulit."
"Wow. Ako pa yung makulit?"
"Yes, ikaw, wag ng makulit. Ihahatid na kita."
Bumilis ang t***k ng dibdib nya. Ano ba 'tong pakiramdam na'to? It's new to her. Sure, she haven't felt this to her situationships before.
"What now? Lagi ka nalang nakatitig sakin. I know, I'm good looking." ngumisi naman ito.
"Feeling ka naman." sabi nya at inirapan muli ang lalaki.
Naglakad na silang dalawa. Bitbit ni Vero ang bag nya. Kinuha kasi nito iyon habang tumatakbo sila.
Hindi nya lubos akalain na maririnig nyang mag-Sorry si Vero. Base sa mga naririnig nya ay wala ito sa bokabularyo nito. Sabi pa nila na wala ng pag-asa si Vero. But no, they're wrong.
She can see something in him. Kaya nyang patunayan na mabait si Vero. He is not what they think it is.