Lahat sila ay napatingin sa pinto ng biglang bumukas ito at kumalabog. Dire-diretsong pumasok ang isang lalaki na animo'y walang nakikitang guro sa harap. Naglakad ito papunta sa likod kung saan ang upuan nito.
"Late again, Vero Martell?" nagsalita ang professor, bakas ang inis sa boses.
Napa-iling si Panthea. This guy really. He does whatever he wants. At nakakapagtaka na wala man lang sumusuway dito. What is he? A saint? Takot lahat sakanya?
Hindi nya namalayan na nilingon nya na pala ang lalaki. Napa-iwas sya bigla ng magtama ang mata nila.
Napapikit sya. s**t. Nakakahiya! He caught her looking at him.
Napansin nya kasi ang putok na labi ng lalaki. Well, he is known for being the basagulero type of guy. Sikat si Vero Martell sa buong school, lalo na sa mga babae.
The bad boy image never fail to make him famous.
Hindi maintindihan ni Panthea kung bakit madaming kinikilig sa lalaki? He's always late at class, his grades are all below the average, and he always picks fights. At higit sa lahat hindi nakikinig kahit kanino.
Napa-iling nalang si Mr. Castro sa pagka-dismaya. For every subjects, this guy is always late. Magkasama sila sa lima o anim na subject. And this scene is not new to her.
He's not being punished. Kung ibang estudyante ay pinapatawag na ang magulang. Minsan ay papasok itong may pasa sa mukha. Hanggang sa maririnig nya nalang na nakikipag-away pala ito sa mga taga ibang school.
"Tomorrow, we will start a new seating arrangement." anunsyo ni Mr. Castro bago nagligpit ng gamit, bago lumabas ang professor ay tumingin ito sakanya. "Javier, meet me at the teacher's office after your last class, please."
Tumango sya at ngumiti. Nang makalabas ito ay bumuntong-hininga sya. Sya nanaman? Napapagod na sya na lagi nalang ginagawang 'teacher's pet' dahil lang matataas ang grado nya.
She doesn't like it. She hates it.
She doesn't like being ask what to do. Ayaw nya ng inuutusan sya ng kahit na sino. Pero wala naman syang magagawa, hindi nya naman masabi na 'ayoko nga'. Dahil masisira ang reputasyon nya bilang 'good student'.
Pagkatapos ng huling klase nya ay dumiretso na sya sa faculty. Nag-uwian na din ang ibang mga professor kaya wala ng masyadong tao sa loob.
"Ms. Javier, sit down." bungad sakanya ni Mr. Castro.
Napa-isip sya bigla. May nagawa ba syang kasalanan? Bumagsak kaya sya sa isa sa mga subjects? May mababang grado? Alam naman nya sa sarili nya na wala syang pagkukulang pagdating sa school works.
"Ano pong meron, Sir?" tanong nya, pagka-upo sa upuan sa harap ng lamesa nito.
"I'm not actually the one who needs something." sabi ni Mr. Castro.
Kumunot ang noo nya. Gulong-gulo na.
Pumasok sa faculty room ang isang lalaki. May edad at may kasama pang isang lalaki sa likod nito. It's the Dean. He's known for being a good leader but also being Vero's godfather. Mukhang isa 'yun sa dahilan kung bakit hindi nila masaway ang lalaki.
"I will be needing your help."
Bakas na bakas na sa mukha nya ang pagtataka.
"Hindi nako magpapa-ligoy-ligoy pa. This is regarding my godson, Vero Martell. Ninong nya ko at isa sa mga layunin ko ang turuan sya o ihatid sya sa tamang landas. I've been hearing a lot of whispers with his wrong-doings. At napag-usapan namin ng parents nya, someone needs to tame him. Someone needs to control him."
Ramdam nya ang sinsero sa boses ng Dean na tulungan ang inaanak nya, pero ang tanong na umiikot sa utak nya ay anong kinalaman nya dito? How is she involved to this?
"I heard you've been an outstanding student in the whole school. That's why I asked, Prof. Castro to look for someone who can help me. At saktong magkasama kayo ng inaanak ko sa iilang klase nyo. Tama ba?"
That answer her question. Tumango sya para sumagot sa Dean. Her? Taming Vero Martell? E kung makatingin nga 'yun ay para ka ng paglalamayan.
Walang emosyon ang mukha at parang pinaglihi sa sama ng loob.
She already know where this is going. Gusto man nyang tanggihan pero ang Dean na mismo ang kumausap sakanya. The Dean has done nothing but hear the students opinion and all ears.
"If you could help my godson. With his subjects. To pass all the units. Be friends with him, if you have to. Ikaw na ang bahala sakanya, we will put him in your hands. Under your care."
Matagal bago sya nakasagot. Kakayanin ba nya? Vero Martell is not an easy person. Based on her observation, the guy never listens to anyone. Kung sa Dean at mga magulang nito ay hindi nakikinig, sakanya pa kaya na hindi naman nya kaano-ano.
They will put him under her care? Bakit parang ang laki ng tiwala nila sakanya?
"Wala na po ba akong choice?" tanong nya.
Umiling ang Dean. "I'm afraid, none, hija. I know this is a lot of pressure for you. Pero sa lahat ng ibang students na nakita ko, ikaw ang may kaya na i-handle ang inaanak ko. If you want to, pwede mong pag-isipan. We'll give you enough time."
Well, in that case..
"Sige po. Gagawin ko kung anong makakaya ko. Pero kung isang beses na binastos ako ng inaanak nyo, I'll have to back out."
Nakita nya ang pagliwanag ng mukha nila. She saw how Vero acts around everyone and she doesn't like it. But she thinks that she do something with thay.
"Maraming salamat, hija. I have here my secretary, kahit anong kailangan mo, sabihin mo lang sakanya. Kahit ano at ako ng bahala.." anito at tinuro ang lalaking nakatayo sa gilid. "Tutulungan ka namin kung anong gusto mong gawin kay Vero. If you think he deserves it, then don't hesitate."
Tumango lang sya. Kalaunan ay nagpaalam na para umuwi. Sana talaga ay kayanin nya. Gusto nya din naman makatulong.
Wala namang masama kung susubukan nya diba?
Natatakot lang sya na baka bigla syang bastusin nito. Pero kung titignan mo ang lalaki ay parang hindi ito ganun. Tuwing tinitignan nya ang lalaki ay pakiramdam nya na may mabuting kalooban ito.
That's how everything started. Their journey. This is the start on how Vero and Panthea created their own small world.
Ito yung simula ng araw na hindi na sila mapag-hiwalay.