Fate-34 Ng kumalma na ang dalaga ay iniwan na rin s'ya ni Aling Lourdes sa loob ng silid nito at agad nitong bumaba upang kausapin n'ya ang Sir Jeremy n'ya. "Sir Jeremy," wika pa ng matanda sa nakatalikod na binata habang nag iinom ito ng wine at naka-masid sa maliit na garden sa harap ng kanilang bahay. "Sabi po ni Ma'am Maxine na mag kita raw po kayo bukas ng umaga dahil may ipapakilala raw po s'yang tao sa inyo na makakatulong daw po sa iyong kumpanya. "Salamat po, Aling Lourdes. Pumasok ka na po sa loob ng kwarto mo at magpahinga ka na," casula nitong sagot na may malalim na iniisip. "Yes po sir," tugon nito at pumasok na ito ng kwarto. Kinaumagahan ay maagang nagising ulit is Jeremy at nakipag-kita ito sa kanyang kaibigang si Maxine. Dinala s'ya ng kanyang kaibigan sa isang

