Fate-33 Kinagabihan ay napaka-likot ng ulo ni Kasandra. Panay ang galaw ng kanyang ulo at halos mawalan na s'ya ng hininga. Nanaginip s'ya ng masama. Hinabol daw s'ya ng mga lalaki at ni Victoria, pinagsasak daw s'ya ng mga ito sa kahit saang parti ng kanyang katawan na para s'yang kinakatay na baboy. "Tama na! Tama na! Ughhhhhh! Ughhh! Pakiusap tama na!" palahaw n'ya habang naka-pikit na s'ya namang ikina-kaba ni Aling Lourdes matapos n'yang marinig ang palahaw ng babae na nagmumula sa silid ng kanyang amo kaya dali-dali s'yang tumakbo paakyat ng hagdan at mabilisan n'yang binuksan ang pintuan sabay alog-alog sa babae upang magising. "Ganda! Ala eh, gumising ka! Ganda! Anong nangyayari sa iyo? Ganda! Gising!" sambit pa ni Aling Lourdes sabay napa-balikwas ng bangon si Kasandra at

