THREE

505 Words
Nagngitngit sa inis ang buong sistema ni Prinsesa Kimberly para sa lalaking mayabang na yun na bagong empleyado ng JJ's Racing Club. Inis na napasuklay siya sa kanyang buhok na hanggang balikat. Hey,Chill lang,Princess! "No,wolf! Nanggigil ako sa Elver na yun,hindi ko mapapalagpas ang mga pinagsasabi niya sakin!" mariin niyang usal. Halika,lapain na natin! Marahas siyang bumuga ng hangin. Kailangan niyang kumalma dahil kung hindi baka nga lapain nila ng wolf niya ang lalaking iyun. "Kim!" si Aries. Agad na humugot siya ng hangin bago nya ito hinarap ng kalmante na. "Aries," aniya. "Ayos ka lang? Mukhang wala ka sa mood eh? Kamusta bakasyon mo?" sunod-sunod nitong tanong. "Ayos lang ako..uh,medyo may jetlag pa kaya ganito ako saka need ko magtrabaho namiss ko na rito eh," pagdadahilan niya. Matapos ang laban niya nagbakasyon muna siya at inenjoy niya ang pamamasyal sa baguio. "Dapat bukas ka na pumasok,ayos lang yun," anito. Nginitian niya ito. "Ayos lang. Maya bigay ko mga pasalubong ko para sa mga anak mo,"aniya. " Naku! Salamat,Kim!" "Walang anuman. Nga pala,uhm,narinig ko kasi ang mga sinabi nung Elver na yun tungkol kay Ms.Red.." Agad na napangiwi ang lalaki. "Ahh,siguro kaya ka lalong nawala sa mood sa mga narinig mo,hayaan mo na opinyon niya yun eh," anito. Napailing siya. "Kung si Ms.Red ang makarinig niyun tiyak hindi niya mapapalampas ang mga sinabi niyang iyun," mariin niyang saad. Napatitig sa kanya si Aries na tila inaarok kung bakit sobrang affected siya. Marahas siyang bumuga ng hangin. "Alam mo naman na avid fan din ako ni Ms.Red..kaya para sakin hindi talaga maganda ang mga pinagsasabi niya," pagpapaliwanag niya. Tumango naman ito sa kanya. Whew! Kasalanan ng Elver na yun kung bakit nag-iinit ako sa inis sa kanya! "Oo nga eh,yare talaga siya. Pero prangka lang talaga si Elver." "Yeah,he will die kung may maririnig na naman ako sa kanya ng hindi maganda," saad niya. "Grabe,ang morbid mo, Kim!" natatawang untag nito sa sinabi niyang iyun. I want to punish him! Isang prinsesa kaya ang ininsulto niya! "Matino ba yun sa trabaho?" "Ah,Oo..may alam siya sa pag-aayos ng sasakyan. Ito,sekreto lang. Nakwento niya sakin na anak mayaman siya kaso may nagawa daw siyang iskandalo na kinagalit ng mga magulang niya kaya nandito siya. Ginigipit ng magulang,di lang yun kinuha pa sa kanya yung kotse,atm at condo daw niya," Napataas siya ng kilay. Oh,mukhang nakakarma si loko! "Anong iskandalo?" kuryuso niyang saad. Eww,baka s*x scandal yan! "Binugbog raw niya yung anak ng mayor sa lugar nila," sagot nito. Ohh.. "Dahil sa babae?"aniya. " Yata..sa pogi ni Elver malamang babae nga,"natatawang saad ni Aries. Napailing na lang siya. Well,pogi naman siya kaso mainit pa rin ang dugo ko sa kanya! "Barumbado pala kaya naman pala ganun magsalita," komento niya. Nangingiwing napangiti si Aries sa sinabi niya. "Obserbahan mo yun baka magkaroon ng kaalitan dito yan,sa angas nun baka pati dito manggulo ang lalaking yun.."saad niya. "Uh,wag naman sana..mabait naman si Elver,eh,"nangingiwi pa rin nitong turan. Napailing na lang siya. " Punta lang ako sa opisina,magreport lang ako,"paalam na niya rito bago pa man siya makapagsalita pa ng kung ano-ano na bigla nitong pagdududahan kung sino ba talaga siya at kung bakit siya ganun kaapektado. Tayo ang magbantay sa kanya,prinsesa! Nandito siya sa teritoryo natin! You're right.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD