Panay ang sulyap ni Elver sa kinaroroonan ni Kim o Kimberly ang isa sa mga crew ng JJ's Racing Club.
Damn! She's really beautiful at talaga hinding-hindi maalis ang paningin niya rito. May kung anong meron rito na nakakuha ng atensyon niya bukod sa napakaganda nitong mukha.
Sinupladahan ka kanina,dude!
Muli siya napasulyap sa dalaga habang pinupunasan na lang niya ang kotse na inayos niya.
"Baka isa siya sa fan ni Ms.Red kaya nagreak," usal niya sa hangin.
Itinigil niya ang pagpupunas at tinitigan na lamang ang nakatalikod na babae na abala sa pakikipag-usap sa isang may edad na mekaniko roon.
She's sexy,too!
Ipinilig niya ang ulo. Marami ng babae siya nakilala pero sa babaeng tinitigan niya ang bukod tanging naiiba sa paningin niya.
Iba ang dating ng ganda nito. Tila bang may aura ito na hindi lang ito basta babae.
Yeah,isa na nga dun ng masuplada sayo kanina!
Napangisi siya. "Tigress,huh.." anas niya.
Well,wala pang babae ang hindi siya nagustuhan at sisiguruduhin niyang mapapaamo niya ito kung sakali man.
Yeah,you should befriend with her first.
Napatango-tango siya sa sarili. Isang linggong boring ang pagtatrabaho niya rito pero meron na siyang pagkakaabalahan ngayon maliban sa pag-aayos ng kotse.
He try to approach her. Pero naging mailap sa kanya ang babae. Kapag nakikita nito na lalapit siya rito agad na tataasan siya nito ng kilay sabay talikod sa kanya.
Mas lalo siyang nagkakainteres sa dalaga. The more you hate,the more you love,baby!
Damn,Baron! Where the hell come from?!
Agad na winaksi niya ang kaisipan iyun. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip niya.
Hinintay niya ito sa labas ng Racing club. Siguro naman mako-corner na niya ito. Nang makitang palabas na ito agad na nilapitan niya ito at tila bang alam na nito na lalapitan niya ito dahil naka-intimidate mode na agad ito. Iyun bang aura na wag kang magkakamali na hawakan nito kung hindi baka may masamang mangyari sayo. But damn,mas lalo lang nagmumukhang sexy ito sa paningin niya.
Damn you,Baron!
"Magandang gabi,Kimberly," friendly niyang pagbati rito.
Bahagyang tumaas ang makurba nitong kilay. Damn it,her eyes. Tantalizing eyes!
Ang talim kaya ng tingin sayo,Elver Baron!
"Uh,gusto ko lang maging kaibigan ka,ikaw na lang kasi ang hindi ko pa nakakausap," nakangiting saad niya.
"Paano kung ayaw kong makipagkaibigan sayo?" tahasan nitong saad.
Hindi siya agad nakaimik. Damn! Sobrang sama ba talaga niyang tao dahil pati sa pakikipagkaibigan niya ayaw sa kanya?! Tinuruan lang naman niya ng leksiyon ang anak ng Mayor na yun dahil inaakusahan siya nitong nang-aaagaw ng babae samantalang ang babae iyun ang unang lumapit sa kanya.
Ang mali lang sayo nakipagflirt ka!
Hindi ko naman alam na may nobyo yun!
Nang makitang aalis nito agad na pinigilan niya ito. "Galit ka ba dahil dun sa mga sinabi ko na narinig mo?"
Walang emosyon ang maganda nitong mukha na hinarap siya.
"Kung iyun nga ang dahilan,pasensya na.." hell,hindi niya alam kung bakit na ginagawa niya ang bagay na ito. Ang humingi ng pasensya sa isang bagay na alam naman niya kaya niyang panindigan. Pero hindi sa pagkakataon ito. Hindi sa babaeng ito!
Bigla na lang ito tumalikod sa kanya ng walang kahit anong tugon sa paghingi niya ng pasensya.
Marahas siya napahilamos sa mukha niya.
"Bakit ko pa siya pag-aaksayahan ng oras..kung ayaw niya sakin,eh di wag!" bulalas niya pero tutol ang isip..at ang puso niya.
What the f**k?!