FIVE

507 Words
"Bakit ba hindi mo ako magustuhan?"may hinanakit na saad niya. Nanatiling walang emosyon at tahimik ang babaeng nagpatibok ng puso niya. Ang mga mata nito na hindi kakitaan ng kahit anong katugon sa kung anong nararamdaman niya. Bigla na lamang ito tumalikod sa kanya pero hindi siya papayag na basta na lang siya nitong iwan. Mabilis na sinundan niya ito. Pero bigla na lamang nabago ang anyo ng dalaga na sinusundan niya. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa isang malaking kulay pulang hayop? Halimaw? " Kimberly.." Napamulat ng mga mata si Elver mula sa panaginip na iyun. Napamura na lang sya sa isip. Sa dami ng eksena na pwede niya mapanaginipan kasama ang supladang Kimberly na yun yung mala-thriller pa ang ending. Frustrated na napahilamos siya sa kanyang mukha. Madilim pa sa labas at hindi na siya makakatulog pa kaya bumangon na siya. Ang pagkakaalam niya kahit anong oras sa umaga bukas ang JJ's Racing Club kaya kahit pumasok siya ng alas y sais ng umaga makakapasok siya. Pagkarating niya roon agad na natigilan siya ng marinig ang ingay ng isang kotse. Tinanaw niya ang kotseng iyun na kasulukuyan nagpapasikot-sikot sa mga obstacles na nasa race track. Isang kulay pulang kotse na may magandang modelo at talagang ginagamit sa pangangarera. Namamangha pinanuod niya ang pagmamaneho ng may-ari ng kotse iyun hanggang sa maalala niya kung saan niya nakita ang kotse na yun. Ms.Red? Oo,sabi ni Aries member dito ang racer na yun. Damn! She's look so cool with that fuvking awesome red car! Napakatulin ng pagkakamaneho nito at kitang-kita na kabisadong-kabisado na nito ang mga obstacles na dapat iwasan. She's so damn fearless! Ms.Fearless! Yeah,iyun ang dapat ang ibansag rito! Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak niya at inabangan niya itong bumaba ng sasakyan iyun. Hindi naman nagtagal pumarada na ang magaran at sobrang cool na kotseng iyun  sa parking slot kung saan din nakapark ang iba pang kotse na ginagamit ng ibang member ng club. Agad na pinagmasdan niya ang babaeng bumaba sa kotseng iyun. Nakalugay ang buhok nito na hanggang balikat lang. She's wearing a simple black skinny jeans na humubog sa makurba nitong hita at binti na pinaresan ng kulay pulang sneakers. At ang pang-itaas nito ay kulay pulang leather jacket na medyo hapit kaya kumurba iyun mula sa dibdib nito pababa sa beywang nito. Damn,hindi lang pala siya astigin. She's fuvking hot and sexy,too! Pero,Dude! Ang tanong maganda ba ang mukha niya sa likod ng kulay pulang panyo na nakatakip sa mukha niya? Natigilan siya sa sinabi ng isip niya. Paano kung maganda talaga siya? Tugon niya. Napatingin sa kanya ang babae na kanina pa niyang tinitigan at bigla na lamang kumabog ang dibdib niya at dumoble ang t***k ng puso niya ng magtama ang kanilang mga mata. Those eyes? Tila pamilyar sa kanya ang mga matang iyun. Napaawang na lang ang bibig niya ng bigla  na lamang pumasok sa isip niya ang mga mata ni Kimberly. No. Imposible. Magkapareho lang siguro sila ng mga mata. Oh well,Baron. Bakit ang bilis ng t***k ng puso mo kung paano din ganun kabilis tumibok ang puso mo kapag nakikita mo kimberly? Tuliro na lang siya napatitig sa papaalis na si Ms.Red.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD