SIX

617 Words
Bakit ganito ang init? Nasaid na ni princess Kimberly ang isang bote ng tubig pero nanatiling nagliliyab ang pakiramdam niya. Nakaraan araw pa niya iyun nararamdaman at ngayon nga ay mas lumiyab ng..mula ng magtama ang mga mata nila ng Elver na yun kanina. Kahit ang t***k ng puso niya napakabilis niyun kasingbilis kung paano niya paandarin ang red racer car niya! At dahil din sa Elver na yun! Nang matiyak na walang tao sa paligid tinanggal niya ang pagkakatakip ng kalahating mukha niya. Muli siyang uminom ng isang bote ng tubig. Sandali,naalala mo ba yung sinabi ni Zei? Agad siyang natigilan sa sinabi iyun ng wolf niya. "Pwede ko bang malaman kung paano kong malalaman kung siya ang mate ko? Sabi ni Ama nalaman niyang mate niya si ina nang magkaroon sila ng physical contact? Ganun din ba kami?" Ngumiti ang dating panginoon na lalong nagpatingkad sa kagwapuhan nito. "Simple lang..pakinggan at pakiramdaman niyo ang magiging t***k ng puso niyo,mahal na prinsesa.." Namalayan na lamang niya na nakasapo ang isang palad niya sa tapat ng puso niya. Oh no! That jerk?! Mariin niyang naipikit ang mga mata. He's our mate,mahal na prinsesa! "Excuse me..?" Kung isa lamang siyang ordinaryong tao baka inatake na siya sa puso sa biglaan pagtibok ng ubod ng bilis niyun ng marinig niya ang boses na yun mula sa likuran niya. Si Mate!!! Nanatili siyang nakatagilid rito lalo pa at walang takip ang kalahati ng mukha niya. Kahit ito pa ang mate niya sa tingin niya hindi pa siyang handa na malaman nito kung sino siya at kung ano ang koneskyon nila sa isa't-isa! "Ms.Red.." Naipikit niya ang mga mata ng muli kumabog ang dibdib niya. Tahimik siyang humugot ng malalim na hininga. "Uh,pasensya na..alam kong nagpapahinga ka pero gusto ko lang kunin ang pagkakataon na ito na makilala ka ng personal," anito. Tss,pagkatapos niya tayong insultuhin?! "Uh," Kalmante siya na binuhol ang pulang panyo na muling tumakip sa kalahati ng kanyang mukha bago niya ito hinarap. Lihim siyang napasinghap ng magtama muli ang kanilang mga mata. Ayaw man niya pero kailangan niyang gawin. Hindi pwede malaman nito ngayon kung sino siya. Magkaiba sila sa Kimberly na isang ordinaryong crew lang at Ms.Red na isang kilalang Car Racer. Iniangat niya ang isang braso para makipagkamay rito. Napasulyap doon ang binata at agad na lumapit ito at inabot iyun. Grrrr!!! Mas lalo sumiklab ang pag-iinit niya ng makadaupan-palad niya ang mainit na palad ng binata. Ang lalaking itinakda sa kanya! "I'm Elver..isa ako sa bagong mekaniko rito,Ms.Red.." friendly nitong saad. Pasimple niyang binawi ang kamay rito baka kapag nagtagal pa baka bigla na lang niya ito hilahin at may magawa siyang hindi dapat mangyari. Oh no! Tumango siya rito. Nakatitig sa kanya ang binata. Gusto niyang iiwas ang mga mata pero di niya magawa. "You know what,your eyes look familiar,"saad nito na matiim ang pagkakatitig sa kanya. No way!!! Hindi kaya dahiL mate natin siya alam niya agad na kung sino ka? Kayo ni Kimberly?! Iniiwas niya ang paningin rito. " Uh,pasensya na..may naalala lang kasi ko na ganyan ang mga mata..suplada nga lang,"anito na binuntutan ng pagtawa na kinabalik niya ng tingin rito. Pinigilan lang niya na huwag ito pukulan ng matalim na tingin at baka nga mabisto na siya nito kung sino talaga siya. Ngumiti ito. "Hindi ako mahilig manuod ng racer pero napahanga mo ako kanina,Ms.Red..You are so fearless," nakangiti nitong puri sa kanya. Napatiim lang ang titig niya rito habang patuloy pa rin sa pagwawala ang puso niya at pagliyab ng pakiramdam niya. "I think isa na ko ngayon sa mga fans mo," natatawa nitong saad pero alam niyang genuine iyun. Ibang Elver sa mayabang at kung magsalita akala mo ito na ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo kaysa ngayon na Elver na kaharap niya. You find him handsome now,huh! Sa dinami-dami na pwede niya maging mate bakit pa ang lalaking kinaiinisan ni Kimberly! Inis nga ba,mahal na prinsesa?! I don't know.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD