Hindi pa ba natin siya lalapitan at turuan ng leksyon,prinsesa?! Naiinip na saad ng kanyang lobo sa kanya habang kampante nakatanaw lang siya sa isang grupo na maingay na nagkukuwentuhan sa di kalayuan sa kinaroroonan niya. Mariin niyang sinipat ang kabuan ng lalaki na siyang pakay niya. Ang lalaki na siyang driver ng kotse na muntik ng sumagasa kay Elver ng gabing iyun! Ugh,nanggigil na ko! Nang makitang umalis ito sa grupo nito agad na sinundan niya ito. Itinaklob niya sa ulo niya ang hood ng jacket na suot niya. Alam niyang hindi magugustuhan ng Hari ang gagawin niya pero hindi niya palalampasin ang ginawa nitong tangkang p*******t sa prinsipe niya. Let's get it on! Nalaman niya kay Valerie na ito ang lalaking nakaaway noon ni Elver at gumanti nga ito ng gabing iyun. At marami n

