"Maligayang pagbabalik,mahal na Prinsipe!" agad na bungad sa kanya ng dating panginoon katabi ang Hari. Agad na hinanap ng mga mata niya ang kanyang prinsesa na napansin naman ng mga ito ang ginawa niya. "Hindi pa niya batid na nakabalik ka na," si Zei. Damn. He miss her so much! "Kamusta?" untag ni Haring Jamere. "Napakaganda ng mundong-Colai,mahal na Hari.." mangha pa rin niyang saad ng maalala ang pinanggalingan niya. Ngumisi ito. "Mabuti naman at nagustuhan mo ang mundo namin...natin," saad nito. Agad na tumango siya bilang pagsang-ayon. "Nakakamangha din na makilala ko ang mga Anda ng iba't-ibang distrito," aniya. "Nagagalak kami na makitang nagustuhan mo ang mundong-Colai," si Zei. "Wala ako masabi kundi isa siyang napakagandang paraiso," aniya. "Salamat sa papuri,mahal na

