Hindi niya alam kung ilang oras na siyang tumatakbo. Basta alam niyang papalubog na ang araw nang lumabas siya sa kuweba kasama ang sanggol. Kinain na ng dilim ang kapaligiran at naging malamig na rin ang ihip ng hangin. Puro kuliglig din ang naririnig niya sa paligid. Hingal siyang huminto sa pagtakbo. Nasanay na rin sa dilim ang paningin niya kaya naman alam niyang nakatayo siya sa lilim ng isang malaking puno. Nagbaba siya ng tingin sa sanggol na pinalilibutan pa rin ng puting liwanag. Napangiti siya. Hindi niya nakita kanina ang mga anino kaya alam niyang tama ang naging desisyon niya. Bigla, may kaluskos siyang narinig sa hindi kalayuan. Naalerto si Alkan. Pigil hinga siyang lumingon sa pinanggalingan pero wala siyang makitang kilos sa bahaging iyon. Pero hindi siya naging kampan

