Kabanata 39: Pagdukot

1924 Words

Ilang araw ang nilagi ni Alkan sa kuweba kasama ang tribo ng pari. At nitong nakaraang mga araw ay pilit niyang winawaglit ang pag-alala. Lagi niyang pinapaalahanan ang sariling hindi pa iyon ang tamang oras. At mukhang nagbunga ang pagtitiis niya nang tawagin siya ni Ester at pinaupo sa harap nito. Ngumiti ang babae sa kaniya. "Ito ang anak kong si Wakin," anito at pinakita sa kaniya ang mukha ng batang babae. Lumalim ang tingin ni Alkan sa bata. Sa wakas ay si Ester na mismo ang nagpakita ng anak nito sa kaniya. Ilang ulit niya itong nilapitan at kinausap, tinatanong kung sino ang ama ng bata, kung anong balak nito pagkatapos ng krisis, kung saan ito maniniharan gayo'ng mukhang hindi maganda ang samahan nito sa katribo. At ngayon nga ay naging mas mainit ang pagtanggap ni Ester sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD