Kabanata 28: Pulang Buwan

1085 Words
Dahil sa ginawang eksena ni Alkan sa mansiyon ng Mayor, maraming tsismis ang kumalat sa buong San Roque. May baliw daw na nagtayo ng negosyo sa plaza. Wag daw bumili doon at baka ma-engkanto tulad ng nagpatayo sa negosyong iyon. Kaya naman nang magbukas ang negosyo ni Alkan, tanging si Manuel at ilang trabahante nito ang dumalo sa pagbubukas ng negosyo niya. Wala siyang pakialam. Sa nakalipas na mga araw ay naging balisa siya. Halos hindi siya makatulog sa pag-aalala sa kalagayan ni Valeria. Mismong si Gio na ang nagpaalala sa kaniyang ngayong araw ang pagbubukas ng negosyo niya. Pero imbes na matuwa siya ay mas lalong nalugmok sa kalungkutan si Alkan. Dapat sabay silang haharap sa mga customers pero ngayon ay mag-isa lang siyang nakatayo sa entrada ng kainan. Ang lungkot ay nakapaskil sa mukha niya kaya kita iyon ng mga taong dumadaan sa kainan. Marami ang nagbulong-bulongan sa mga nakapansin ng ekspresyon ni Alkan. Ang ilan pa ay humagikgik na tipong nagbibiruan sa kasamahan ng mga ito. "Wag mong ipakitang malungkot ka sa harap ng mga tao. Baka wala nang taong kakain dito," anang boses sa likuran niya. Pagtingin niya sa likod ay nakita niya si Manuel. Seryoso ang mukha nito at bahagyang nakakunot ang noo. Natauhan naman siya. Pilit siyang ngumiti sa lalaki. "Pasensya na. Pupuntahan ko lang ang storage room," aniya at nagpunta sa likod na bahagi ng kainan. Sinundan siya ng tingin ni Manuel, at hindi niya nakita kung paano sumenyas si Manuel kay Gio na nakatayo sa may sulok. Tumango si Gio at sumunod kay Alkan. Kumunot ang noo ni Manuel, maya-maya pa'y umiling. Samantala, pagdating ni Alkan sa storage room ay wala siyang ibang ginawa kung hindi umupo sa upuan at tumalala na naman. Balisa ang mukha nito na paminsan-minsan ay kinukunot ang noo na parang may iniisip. "Alkan," tawag ni Gio at naupo sa katapat nitong upuan. Sinubukan ng sawikin na hulihin ang tingin niya, pero hindi ito nagtagumpay. Napabuga na lang ng hangin si Gio. "Wag mong masyadong ilugmok ang sarili mo. Walang mangyayari kay Valeria." Tumingin siya sa sawikin. "Ilang araw na pero hindi pa rin nagparamdam ang itim na sawikin. Sigurado ka bang buhay pa si Valeria?" Naging isang linya ang mga labi ni Gio at nagsalubong ang dalawang kilay. "Maniwala kang walang mangyayari sa kaniya." Nagmura siya ay hinampas ang kamao sa mesa. "Anong wala? Walang konsensya ang mga iyon. Hindi ka naman gumagawa ng paraan para hanapin siya. Wala palang kuwenta ang katulad mo!" aniya sabay tayo at lumabas ng storage room. Pero paglabas niya ay nakita niya si Manuel. Napahinto siya saglit bago walang sabing nilampasan ang lalaki. Hindi na niya alam ang gagawin. Ayaw tumulong ng sawikin sa paghahanap kay Valeria at wala ring may alam kung nasaan ang lungga ng mga itim na sawikin kung hindi kauri lang din nila. Kumuyom ang kamao ni Alkan at nagdesisyon. Pupunta siya sa kagubatan mamayang gabi. Hindi na siya aasa pa sa mga sawikin at siya na mismo ang maghahanap kay Valeria. Kaya naman nagbibilang siya ng oras sa buong maghapon. Napansin iyon ni Manuel pero hindi na ito nag-usisa. At pagdating ng hapon ay mabilis niyang sinara ang kainan at nagmaneho tungo sa bahay. Hindi niya napansin si Gio pero alam niyang alam nito kung paano umuwi sa bahay niya, kaya hindi na niya inisip pa ang sawikin. Pagdating niya sa bahay ay mabilis siyang naligo at nagbihis. Pagkatapos kumain ng hapunan ay nagbihis siya't umalis ng bahay. Pinatakbo niya ang kotse tungo sa gubat na minsan na niyang pinangakong hinding-hindi siya muling aapak pa. Pero iba na sa gabing 'yon. Kailangan niyang labanan ang takot niya sa gubat para marating ang portal tungo sa Tribal. Umibis siya ng sasakyan at tinanaw ang malawak na gubat sa harap. Lumunok siya saka kinuha ang flashlight sa kotse. Sinara niya ang pinto ng kotse at humakbang papasok sa gubat. Tinakpan ng itim na ulap ang buwan kaya naman dumilim nang husto ang kapaligiran. Huminga nang malalim si Alkan at nagpatuloy sa paghakbang papasok sa gubat. Pawang ingay lang ng kuliglig at kaluskos ng mga dahon sa tuwing umiihip ang malamig na hangin ang maririnig sa paligid. Tumayo ang balahibo ni Alkan sa klase ng katahimikan ng gubat. Noon ay may kasama siyang naghanap sa bangkay ni Estong, pero ngayon ay iba na. Siya na lang ang kusang sumulong sa kailaliman ng kagubatan. Napabuntong-hinga siya pero pilit niyang pinatatag ang kalooban niya. Hindi iyon ang oras para matakot. Kaya binilisan niya ang paghakbang tungo sa pusod ng gubat. Ilang oras din ang nilakad niya bago marating ang pusod ng gubat kung saan nila nahanap ang bangkay ni Estong. Tahimik ang paligid. Hindi umihip ang hangin at wala ring ingay ng kuliglig. Tinanaw niya ang daan tungo sa mas malalim pa na parte ng kagubatan. Walang pagdadalawang-isip niyang nilakbay ang daan na wala pang kahit na sino ang tumahak. Ilang oras ang ginugol niya sa daan na kasintangkad ng isang tao ang mga d**o. May pagkakataon pang muntik na siyang masugatan sa mga tinik ng ligaw na d**o. Buti nalang at nakasuot siya ng makapal na pantalon at bota. Hindi nagtagal ay narating niya ang pinakapusod ng kagubatan. Nakita rin niya ang portal at ang malawak na clearing sa paligid nito. Napahinga siya nang malalim. Narating din niya sa wakas ang portal. Kumibot ang gilid ng labi niya at mabilis na lumapit sa portal. Pero saktong pagtapak niya sa portal ay lumabas mula sa maiitim na ulap ang bilog na buwan. Pero ang kanina'y kulay dilaw na buwan ay biglang nagbago ang kulay. Sa isang kisapmata ay naging pula iyon, kasing pula ng dugo. Walang nakapansin sa kakaibang pangyayaring iyon liban sa mga sawiking pagala-gala sa bayan ng San Roque. Napatayo nang tuwid si Gio at malaki ang mga matang tinanaw ang pagiging pula ng buwan. Sa isang kisap-mata ay bumalik ang kulay nito sa pagiging dilaw. Pero hindi niyon naibsan ang pagtayo ng balahibo niya sa batok. May nakapasok na inapo sa portal! "Si Alkan," biglang sambit ng isang boses sa likuran niya. Tumalikod si Gio at hinarap ang nagsalita. Si Manuel. Nakakunot ang noo nito habang nakatingala sa buwan. "Nagpunta siya sa gubat at tumawid sa portal. Kailangan mong hanapin si Alkan sa Tribal at baka kung saan siya dinala niyon. Hindi pa siya handang humarap sa Black Wing Tribe." Sumeryoso ang ekspresyon ni Gio at tumango. "Gagawin ko, Pinuno." Saka bumuka ang pakpak niya at lumipad siya pataas sa malawak na kalangitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD