Kabanata 15: Batumbakal

1637 Words
Akala niya ay nawala na ang anino. Akala niya ay nakatakas na siya sa mga lintik na aninong sunod nang sunod sa kaniya. Iyon pala ay hindi na niya nakikita ang anino at kay Valeria na ito nagpapakita. At natutuwa siya. Sa wakas ay hindi na siya matatakot na baka dikitan siya ng anino. Sa wakas ay matatahimik na rin ang buhay niya. Pero kapalit no'n ay kailangan niyang layuan si Valeria para hindi na ito matakot. Kaya naman iginiya niya ito sa kaniyang kotseng nakaparada sa harap ng Lakandiwa Apartment. Nakita pa niya na panaka-nakang tumitingin sa gawi nila ang guwardiya na tinawag kanina ng manager. Inismiran niya ito at pinagbuksan ng pinto si Valeria. Tahimik itong lumulan ng kotse. Hindi nagtagal ay tinatakbo na ng kotse ang daan tungo sa Poblacion. Ilang minuto silang tahimik sa biyahe bago niya binasag ang katahimikan. "About earlier, I'm sorry." Bumuntong-hinga si Valeria. "Okay lang. Hindi ko alam na gano'n pala kalaki ang agwat ng status natin. Sabi kasi nila, bawal magpunta sa El Salvador ang mahirap. Ayun, na-sampolan yata ako." Pagak na natawa si Valeria saka tumingin sa labas ng bintana. "Kasalanan ko," aniya. "Pasensya na." "Wala naman tayong kasalanan. Pareho tayong bago lang dito sa San Roque," bulong nito. Natahimik naman siya. Hindi na niya tinulak pa ang pag-uusap nilang 'yon at tinabi ang sasakyan sa tapat ng tindahan ng bulaklak. Tumingin siya kay Valeria pero nakatingin pa rin ito sa labas ng bintana. Umikhim siya. "Gusto mo bang samahan kita?" Mabilis itong umiling habang nakatingin pa rin sa labas. "Gusto ko nang magpahinga. Salamat sa paghatid sa akin." "Sige. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka." Tumango na naman ito saka walang lingon-lingong binuksan ang passenger door at umibis ng sasakyan. Sinundan niya ito ng tingin hanggang pumasok ito sa eskinita at mawala sa paningin niya. Doon na niya pinatakbo pabalik sa El Salvador ang kotse. At habang nasa biyahe ay wala siyang nakitang anino kaya mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya. Pero akala niya ay talagang wala nang aninong aali-aligid sa kaniya. Isa lang palang maling akala dahil pagpasok niya sa kuwarto, unti-unting lumalabas ang hamog ng anino mula sa balat niya. Napaatras siya sa takot. Muli niyang narinig ang kakaibang halakhak sa hangin bago siya nawalan ng ulirat. Naalimpungatan siya dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha niya. Minulat niya ang mata. Maliwanag na sa labas ng bintana at pumapasok sa loob ang sinag ng araw na umaakyat sa silangan. Nakahiga siya sa malamig na sahig. Umupo siya at hinanap sa loob ng kuwarto ang mga anino. Nakita niya itong nagkukumpulan sa may sulok. Umismid siya. Napakuyom pa ng kamao. Akala niya nawala na ang mga ito. Nagmura siya saka napatayo. Bigla na lang tumunog ang cellphone niyang nakasuksok sa bulsa kaya dinukot niya 'yon palabas sabay sagot sa tawag. "Hello?" "Alkan!" boses ni Valeria ang narinig niya sa kabilang linya. "M-May nakatingin sa a-akin..." Nilapat niya ang hintuturo at hinlalaki sa bridge ng ilong niya. Saka napapikit nang mariin. "Sinong nakatingin sa 'yo?" "H-Hindi ko alam. Basta ramdam kong may nakatingin sa akin... saka, saka ako lang mag-isa rito sa loob ng kuwarto. Paggising ko, may narinig akong yabag sa loob ng kuwarto pero walang tao rito! N-Natatakot ako..." Nagmulat si Alkan at naglakad tungo sa tapat ng bintana. Binalot ng sinag ang mukha niya kaya naningkit ang mga mata niya. "Kailan mo pa naririnig 'yan?" "Kagabi lang..." Nagsalubong ang mga kilay niya saka sinulyapan ang mga anino sa sulok ng kuwarto. Umismid siya saka ngumisi nang may maisip. "Paano kung dito ka nalang muna para hindi ka mabagabag sa mga yabag?" aniya. Siguro tunog malisyoso siya pero gusto niyang tingnan kung hanggang saan ang kayang itagal ng mga anino sa presensiya ni Valeria gano'ng iniiwasan ng mga ito ang babae. Balak niyang ibahay si Valeria lalo pa't pareho silang ulila at tanging nakakakita ng kababalaghan. Maari nilang tulungan ang isa't isa para malaman kung anong pwedeng gawin para mawala na ang kababaghang nararanasan nila. "I think... hindi maganda na --" "Sa katunayan," putol niya sa sasabihin nito. "May bibilhin akong bahay sa labas ng El Salvador. Pwede tayong tumuloy doon," dagdag niya. "Kasi... k-kasi, hindi maganda na titira tayo sa iisang bahay na hindi naman tayo ano, k-kasal?" Natahimik saglit si Alkan. Oo nga pala. Wala sila sa lungsod. Konserbatibo ang mga tao at baka sila na ang susunod na tsismis sa buong bayan kinabukasan. Napahawak siya sa batok. "Susunduin kita," paalam niya. "Ha?" Umikhim si Valeria. "S-Sa'n naman tayo pupunta?" "Sa munisipyo." Natahimik ito saglit bago nagsalita. "Hindi ko alam kung saan 'yan. Hindi pa ako nakakapunta roon, eh. Kaya hindi ako sigurado kung okay lang bang bumisita ro'n." "Alam ko kung sa'n." Lumapit siya sa pinto ng banyo saka sumandal sa hamba ng pintuan. "Dalhin mo ang birth certificate mo. Magpaparehistro tayo." Ilang segundong natahimik ang kabilang linya bago isang nakakabinging hiyaw ang narinig niya. Napapikit siya at napakagat ng labi sabay layo ng cellphone sa tainga. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya nilapit ulit ang cellphone sa tainga. Walang ingay ro'n kaya tinawag niya si Valeria. "Nababaliw ka ba? H-Hindi tayo kasal!" Napangisi si Alkan. Naisip niya kasi ang namumulang mukha ni Valeria habang nakanguso at masamang nakatingin sa kaniya. Bonus pang nakahalukipkip at magkasalubong ang dalawang kilay. Umiling siya. "Ilang buwan lang naman pagkatapos ay magdi-divorce tayo. Para lang walang masabi ang mga tao 'pag titira na tayo sa iisang bahay." "Kailangan ba talaga n-na sa iisang bahay tayo t-titira? Parang ambilis naman yata. I mean, kailan lang tayo magkakakilala. Hindi ba masyadong maaga?" sabi ni Valeria. Huminga siya nang malalim. Naisip na rin niya 'yon pero inalala niya kung paano iwasan ng mga anino si Valeria. Baka 'pag nagsama sila sa iisang bubong ay tuluyan na rin siyang iwasan ng mga anino. Hindi pa niya nalimutan kung gaano siya kasabik nang hindi niya nakita sa paligid ang itim na hamog, pero na-disappoint siya nang bumalik ang mga ito. "Kung gusto mong mawala ang kakaiba sa paligid mo, manatili ka sa tabi ko. Sanay na ako sa kababalaghan kaya hindi na bago sa akin ang nakikita at naririnig mo," aniya saka ngumisi. Matatakutin din naman siya pero hindi niya inamin sa babae. Ayos nang isipin nito na matapang siya, kahit pa naiihi siya sa takot at panlalamig sa tuwing dumidikit ang anino sa balat niya. Pero hindi naman nito alam, e. Wala naman siyang balak na aminin. "O-Okay," hindi tiyak na sambit ni Valeria. "Magbibihis lang ako," sabi nito saka pinatay ang tawag. Mas lumapad ang ngisi sa mga labi ni Alkan. Hindi pa niya alam kung saan maghahanap ng disenteng bahay na walang masyadong kapitbahay para iwas chismis. Mukhang mapapahaba ang araw na 'yon. Tinapon niya ang cellphone sa kama saka pumasok sa loob ng banyo. Mabilisan siyang naligo at nagsuot ng polo shirt saka pang-ibaba. Pagkatapos tingnan sa salamin ang sariling repleksiyon ay lumabas na siya sa kuwarto. Tinungo niya ang parking lot ng apartment saka pinatakbo ang kotse palabas ng El Salvador. Hindi nagtagal ay pinarada niya ang kotse sa tapat ng tindahan ng mga bulaklak. Nakita niya si Valeria na naghihintay na pala sa b****a ng eskinita. Nang makita nito ang kotse niya ay malalaki itong humakbang palapit. Nakita niyang paparating ang babae kaya hindi na siya umibis pa ng sasakyan. Binuksan na lang niya ang passenger seat mula sa driver's door. Ilang segundo pa ay lumulan ng kotse si Valeria. Mukhang wala itong tulog dahil sa maiitim na bilog sa ilalim ng mga mata nito. Matamlay rin na para bang inaantok pa. Umikhim si Alkan. "Matulog ka muna," aniya. Hindi na nakipag-argumento si Valeria. Hindi pa nakakalayo ang kotse ay narinig niya ang mahinang paghilik nito. Marahan siyang napangiti at inikot ang kotse tungo sa sunod na Sitio. Ayaw niyang maghanap ng bahay sa Poblacion dahil alam niyang marami nang taong nakatira sa lugar. Sa pag-iikot niya, narating niya ang Sitio Batumbakal. Pansin niyang magkakalayo ang mga bahay at bilang lang sa daliri. Naging alerto ang mga mata niya at naghanap ng tao sa gilid ng daan. Hanggang sa may makita siyang dalawang lalaking nakatambay lang sa loob ng isang payag. Nag-uusap at nagtatawanan ang mga ito. Hininto niya ang kotse sa gilid saka binaba ang salamin ng kotse. "Manong!" tawag niya sa mga lalaki. Sabay namang napatingin sa kaniya ang dalawa. "Bakit?" tanong ng isa. "May bahay bang binibenta rito sa Sitio?" "Naku, mahirap maghanap niyan. Halos lahat ay ukupado at hindi mo basta-bastang mabibili," anang isa. Kumunot ang noo niya. "Wala bang pwedeng mabiling bahay?" Nag-isip saglit ang isang lalaki habang ngumisi sa kaniya ang kasama nito saka nagsalita. "May bahay na binibenta sa dulo nitong SItio. Mura lang at medyo malaki. Pero baka hindi mo kayanin tumira doon, iho." "Bakit?" "May multo sa bahay." Tumawa ang lalaki. "Dalawang taon nang binibenta ng may-ari ang bahay pero walang gustong bumili dahil may multo raw. 'Yong huling umupa sa bahay, namatay kinabukasan." Natahimik si Alkan sa sinabi ng lalaki. Maya-maya pa'y umikhim siya. "Pwede niyo ba akong samahan tungo sa bahay?" Tinawanan siya ng dalawang lalaki pero hindi tumanggo sa pakiusap niya. Pinasakay niya ang mga ito sa backseat saka pinatakbo ang kotse paabante. "Sa 'yo ba itong kotse, iho?" tanong ng isang matandang nakangiting nililibot ang tingin sa loob. "Ngayon lang ako nakasakay ng kotse. Ganito pala ang pakiramdam!" dagdag pa nito. Sumulyap si Alkan sa passenger seat para tingnan si Valeria pero masyadong mahimbing ang tulog nito kaya hindi ito nagising nang purihin ng matanda ang kotse niya. Tipid siyang ngumiti saka hindi na sumagot sa matanda. Ilang minuto pang tumakbo ang kotse hanggang maabot nila ang dulo ng Sitio Batumbakal. At gaya ng inasahan niya, isang kinakalawang na bahay ang nabungaran niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD