chapter 1
Aling Mameng gising na po ba si Crystal?
tawag ko sa may edad naring ginang na nagwawalis ng bakuran na nanay rin ni crystal.
ayy ikaw pala Xandro..!
oo gising na sya naghahanda nasa pagpasok ninyo,
halika muna pumasok ka at ng makapag almusal ka man lang.. masiglang paanyaya nito saakin..
oo nga po gutom nga po ako pano ba naman hindi na naman nakauwi kagabi si inay sa bahay laging overtime sa trabaho kaya nakakawalang ganang kumain ng mag isa madalas.
sumbong ko habang nakangiti.
natanaw ko sa akin pagpasok ng bahay ang napakandang babae,
nakasuot na ito ng inopormeng pang pasok sa eskwelahan habang nakaharap sa malaking salamin na sinusuklay ang basa at itim na itim na makintab at mahabang buhok..
gandang kay tagal ko ng hinahangaan at ewan ko ba pag magkasama at kausap ko sya hindi ako makahinga Ng maayos para akong aatakihin sa puso.
sya lang bukod tanging tao ang nagpapakalma saakin sa twing nagiging bayolente ako,
madalas sa mas madalas nya rin akong sermunan na pagkahaba haba kaya nga ni minsan sa buhay ay hindi ako pumunta sa simbahan dahil ayaw na ayaw kong makinig Ng sermon na walang katapusan..
Aaminin ko takot saakin ang lahat Ng mag aaral sa eskwelahan, pero pag sya ako ang tinatakot nya nagiging kabaligtaran ang lahat.
Ewan ko ba hindi ko maipaliwanag kung anong meron sakanya feeling ko ang lahat Ng kulang saakin sya ang nagkukumpleto.
Uhaw ako sa pagmamahal uhaw na uhaw ako sa pansin,
ang Ina ko laging wala dahil sa trabaho sa maynila at amang iniwan kami na hindi pa ako naipapanganak,
Sino ba naman ang Hindi mauuhaw.
Hindi ko kayang makita ang sarili ko na wala sya,
nasanay akong Lagi sya ang kasama.
paano nga ba kami nagkakilala..?
Alam ko na,
nagkakilala kami nung nasa
elementary pa kami hinding hindi ko yon makakalimutan eh paano ba naman iyon ang unang beses na nasuntok ako sa mukha at sya lang ang sa lahat ang nangahas na gawin iyon.
nagsumbong kasi ung kaklase nya at kaibigan rin nyang batang lalake na kinuha ko raw ang pera at baon nyang pagkain.
Oo totoo iyon eh anong magagawa ko gutom ako at iyon lang ang alam kong paraan para makakain.
iyon nga dumating Ito kasama ang kaibigan nito at walang sabi sabi sinuntok ako sa mukha habang kinakain ko ang kinuha kong baon na pagkain..
Ikaw!!malakas nitong sigaw..
Oo ikaw kinakaya mong kumain at kumuha Ng hindi iyo!!!,
matapang ka lang sa mga mahina,!!!galit na galit nitong sigaw at halos pulang pula ang maputi nitong mukha habang ako hawak hawak ang ilong ko na halos mamaga na dahil sa lakas nitong manuntok,,
napatulala nalang ako sa mga nangyari hindi ko kasi akalain na may manuntok saakin Lalo na babae pa.
simula noong suntukin nya ako hindi ko na sya tinantanan Lagi ko na syang kinukulit at kinakausap Ng kung anu ano,
para bang Isa syang bawal na gamot, naadik ako sakanya Ng sobra sobra,
Lagi syang hinahanap Ng aking mga mata..
Nung una hindi niya ako pinapansin at ni kausapin Hindi man lang nya ginawa,
titignan nya lang ako at mabilis na aalis,
isang araw humingi na ako Ng tawad sakanya iyon ang unang beses na humingi ako Ng sorry kahit bata pa lang ako noon ma pride na ako,
Wala saakin bokabularyo ang salitang sorry,
noong araw din iyon iyon ang unang beses rin na makita ko ang maganda at pagkatamis tamis nyang ngiti,
Eh kung nung una kapa humingi Ng tawad edi kinausap na kita,
hinihintay lang naman kasi kitang humingi Ng sorry,
matuto kang humingi Ng kapatawaran, Hindi iyon nakakamatay o nakakahiya...!!!!
mas nakakahiya iyong taong Hindi tumatanggap Ng pagkakamali.!
mahaba ngunit may ngiti nitong sabi.
SalAmat, sorry ulit
buong puso kong paghingi Ng tawad habang kumakamot Ng aking ulo dahil nga ang salitang sorry ay Hindi ko talagang madalas gamitin.
sya nga pala wag ka saakin humingi Ng sorry Kay Vincent sakanya ka may kasalanan Hindi saakin,
sabi pa nito habang titig na titig saakin mga mata na para bang binabasa nya ang aking saloobin,
iyon nga kinain ko na Ang aking napakalaking ego,
humingi ako Ng tawad Kay Vincent kasama sya,
nung una ay hindi ko pa alam kung paano sabihin ang salitang sorry.
basta nakatayo lang ako at nakatitig Kay Vincent ayaw bumuka Ng aking bibig para bang may nakabara saaking lalamunan..
Ano ba Xandro..!? akala ko bang may sasabihin ka Kay Vincent.? busangot na tanong ni Crystal saakin, mababakas sakanyang mukha ang pagkairita.
kung Hindi ka rin lang magsasalita aalis na Lang ako at tandaan mo Xandro Ito na Ang huling pag uusap natin,
wag na wag kang sunod Ng sunod saakin.
nagalit na nga Ito Ng tuluyan at aakmang tatalikod na upang iwan ako..
Sorry!! malakas kong sabi Kay Vincent habang nakapikit at mahigpit na naka sakmal ang dalawa kong kamay.
Xandro ganyan ka ba humingi Ng sorry..?
ang himihingi Ng sorry iyong Hindi labag sa iyong kalooban at Hindi ka naninigaw,
tinatakot mo ba si Vincent..? ha Xandro?
galit itong humarap saakin.
okey na iyon saakin Crystal tinatanggap ko na Ang sorry ni Xandro,mabait na sabi ni Vincent
narinig mo Crystal tinatanggap na ni Vincent ang sorry ko Hindi ko na kailangan humingi pa Ng tawad ulit, maangas kong sabi.
kung ganyan ka rin lang naman humingi Ng sorry Hindi na sana kita sinamahan sakanya para lang sa walang kwenta mong paghingi Ng sorry....!!!!galit nitong baling saakin.
okey na iyon wag ka nang magalit sakanya Crystal,mabait parin sabi ni Vincent.
Hindi Vincent kung ganyan lang sya Ng ganyan Hindi sya matututo sa mga gagawin nyang pagkakamali sa buhay.
galit na tingin ni Crystal saakin at ewan ko ba ayaw na ayaw ko sa mga taong mahihina at mga taong mabait na image na tulad ni Vincent.
Vincent sorry at hinding Hindi ko na uulitin ang ginawa ko sayo at susubukan kong maging mabait sayo simula sa araw na ito.
at syempe this time naging totoo at bukal sa loob ko ang paghingi Ng tawad halos mag ulap nga ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha saaking mga mata.
ewan ko ba may parte Ng puso ko ang ayaw parin Kay Vincent ewan ko kung bakit..? at ano iyon.?
tinatanggap ko na Ang sorry mo Xandro wag ka nang umiyak.
nakangiting sabi ni Vincent saakin habang inaabot ang kamay saakin para makipagkamay tanda na ayos at magka ibigan na kami.
Hindi ako umiiyak na puwing lang ako pagsisinungaling ko,
Hindi ko talaga mapigilan tumulo ang aking mga luha sa mga oras na iyon kaya pilit kong kinukuskos ang aking mga mata sa pamamagitan Ng aking braso habang ang Isa naman ay hawak ang kamay ni Vincent at kusa ngang ngumiti ang aking mga labi.
Uyy tama na Ang drama Wala Tayo sa tv.
sabi ni Crystal habang nakapagitna saaming dalawa at hinawakan rin nito ang parehas na mga kamay namin ni Vincent,
sumali sya sa shake hands namin at nakapaibabaw ang kanya sa ibabaw Ng aming mga kamay.
simula sa araw na ito tayong Tatlo ay magkakaybigan at magmamahalan hanggang sa Tayo ay tumanda na at pumuti pa ang buhok..!!!
masaya at malakas nitong sabi habang nakatingin saaming dalawa.
mabilis nga lumipas ang mga araw, buwan at mga taon.
malapit na Ang graduation day,
bakit kaya Hindi pumasok si Vincent ngayon.?
alalang taong ni crystal saakin.
Hindi kasi ugali ni Vincent ang lumiban sa klase kahit nga may lagnat Ito minsan pumapasok Ito dahil ayaw kasi nyang may makaligtaan sa mga lesson namin kaya sya ang nakakakuha Ng parangal pagdating sa perfect attendance.
napansin ko rin na mahina ang pangangatawan ni Vincent,mayaman naman sila at nakakain ang mga masasarap na pagkain na Hindi ko pa natitikman pero Hindi Ito marunong tumaba minsan nga nagpapasadya pa sya Ng mga baon sa mommy nya para saamin ni Crystal at masasabi kong sobrang sarap Ng mga iyon.
twing uwian naman bantay nito ang Yaya nya at may susundo sakanyang napakalaki at napakandang sasakyan na halatang mamahalin.
sabi kasi Ng Yaya nito saakin minsan magtungo si Vincent sa cr na Hindi raw pweding mapagod si Vincent kaya kahit malapit lang ang bahay nila sa paaralan ay sinusundo nila Ito.
kami ni Crystal ang madalas na magkasabay sa pag uwi ang daan kasi Ng bahay nila Vincent saamin ay pasalungat kahit madalas na mag alok Ng sakay ang daddy ni Vincent ay tumatanggi kami ni Crystal.
minsan Ng makausap namin ang daddy ni Vincent ay nagpasalamat Ito saamin dalawa ni Crystal.
dahil daw sa pagiging mabuti namin sa anak nito at laging pag antabay dito..
b doon ko naiintindihan kung bakit Ganon nalang ang pag aalala at pagmamalasakit ni Crystal Kay Vincent kung paano nya Ito tratuhin.
mga bagay na kina iinggitan ko Kay Vincent,
sya kasi mayaman at may mga magulang na mapag mahal di Gaya ko.
gusto mo bang puntahan natin sya sakanila?
alok ko Kay Crystal dahil ayaw ko Syang makitang lubos na nag aalala,
Ng kahit paano Hindi sya isip Ng isip Ng kung ano ano.
Un nga Ng uwian na pumunta kami sakanilang bahay na sobrang laki at talagang napakaganda,
malaki pa ata ang kulungan Ng mga aso sa bahay namin at ang daming mga maganda at mamahaling mga sasakyan na halatang laging nalilinisan sa Kintab Ng mga Ito ni kapirasong kalikabok dika makakakita.
oh Crystal nandito pala kayo.!?
bati saamin Ng babaeng nasa 4o's na siguro ang edad na nakasuot Ng unoporme Ng mga kasambahay at Syang madalas sumundo Kay Vincent sa paaralan.
halata sa mukha nito ang pagod at matinding pag aalala at animoy may lakad may bitbit rin kasi itong mga malalaking bag.
opo gusto lang po Sana namin kamustahin si Vincent hindi po kasi sya pumasok ngayon.
magalang na sagot ni Crystal
Nasa ospital kasi si Vincent ngayon isinugod namin sya kagabi nahihirapan kasi Syang huminga,
lumalala na yata ang sakit nito sa puso,
sabi nitong may lungkot sa mukha.
isinama kami Ng Yaya nito pamuntang ospital kung saan naka confined si Vincent.
puno Ito Ng kung ano anong aparato sa katawan,
gising naman Ito at nakakausap,
nasa tabi nito ang kanyang magulang na maga pareho ang mga mata.
sumenyas sa Amin ang ama nito Ng makita kami sa bintana,pinapapasok nya kami.
nakita ko si Crystal kung paano nya pigilin ang mga luhang gustong tumula sa kanyang mga mata dahil doon nahihirapan itong magsalita.
kumusta pasensya na Hindi ako nakapasok,..!
pautal utal at hirap na pagsasalita ni Vincent at pilit parin itong ngumiti.
magpagaling ka malapit na Ang graduation day natin sabay sabay tayong aakyat sa entablado,
hirap din sabi ni Crystal Kay Vincent.
isa Ito sa kahinaan ni Crystal ang itago ang totoo nitong nararamdaman.
pasensya na Hindi ko kayo masasamahan kailangan kasi akong dalhin nila mommy at daddy sa america para doon magpagamot at doon narin manirahan,
pero pangako babalik ako at pagbalik ko maayos na ako nang Hindi mo na kailangan mag alala saakin,
hirap ngunit pinipilit parin nyang magsalita.
bro ikaw Ng bahala Kay Crystal wag na wag mo Syang paiiyakin at pahihirapan dahil pagbalik ko ako naman ang mambubugbog sayo pag malaman kong umiyak sya na ikaw Ang dahilan,
itaga mo to sa bato Hinding Hindi ko hahayaang makita mo pa sya ulit.
pananakot nito saakin,nahihirapan man inaabot nya saakin ang kamay nya tanda Ng pangako tulad dati hinakan din ni Crystal ang aming mga kamay.