XANDRO;
Ang lahat ngayon ay pumapag-ibig,
May mga pa sweet sweet,
Meron din pa flower si boy sa
crush nya,
Meron din naman happy with their
friends..
Kulay pula Ang bawat paligid,
saan ka man luminga,
Dekorasyong pulang puso ang
nakasabit sa bawat pasilyo Ng
paaralan..
Bawat tao rito kulay pula rin ang
suot.
Meron rin ilan na may pa card
pang nalalaman,
Uso pa ba Ang love letter ngayon..?
natanong ko saaking sarili,
Corny naman Yata non..!
Sabi ko habang iiling- iling pa..
Syempre dahil nga araw Ng
mga puso ngayon,
Naki sali narin ako,
Bumili kaya ako kahapon Ng
red couple shirt...
May desensyong pa heart na
kalahating kamay Ang suot ko
kaya ngayon..!
Syempre ang pares nito ibinigay
ko Kay Crystal..
Para siguradong tanggapin nya,
Nagdahilan na lang ako na sayang
naman kung itapon ko lang Ang
kapares Ng suot ko..
Di kasi pweding bilhin itong damit
na suot ko kung isahan lang ang
pag bili..
Kaya nga couple shirt eh..!
dalawahan talaga ang pagbili
nito..
Dagdag kong palusot sa kanya,
di kasi iyon madaling makumbinse,
Pero ang totoo binili ko talaga
iyon para saaming dalwa...
Uuuuyyyy..!
Bagay ahhhh..!!
Bigay papuri ni crystal ng marating
ko ang kinaroroonan nya na kasama
ang isang malapit na kaybigan na
si Anna.
Oo alam kong babagay Ito saakin..?
Ang gwapo gwapo ko kaya..!!
Sagot kong pagyayabang sakanya
sabay kindat rito..
Ayyyyyy kahit kaylan Ang yabang
yabang neto ohhh...!
Sagot nito saakin at walang
pasabing binusal nito sa bibig
ko ang kinakaing tinapay na may
laman na jumboo hotdog..
Yan kainin mo yan ng wala nang
kayabangang lumabas sa bibig mo..
Dagdag nitong sabi saakin habang
itinulak pa Lalo sa bibig ko ang
tinapay at hotdog..
Hooo...!! hooo....!!! hooo...!!!
Pambihira ka naman Crystal..!
Gusto mo na ba akong mamatay..!?
Tanong ko rito Ng mabulunan ako..
Hinde...!!
hinde kita gustong
mamatay iyang kayabagan mo
ang gusto kong patayin..!!
Sagot nito habang inaabot
ang buko juice nito saakin..
Bakit pala kayo anditong dalwa..?
Tanong ko Ng maalala kong
kaylangan pa nilang paubos ang
tinda naming homemade chocolate
cookies saaming booth na nasa
harap Ng aming covered court..
Eeehhhhh nagutom at nauhaw
kasi kami..!!
Sagot ni Anna...
Dahil valetines day ngayon,
May program saaming school
at may kanyang kanyang booth na
nakatoka sa bawat grupo Ng mga
4th year na estudyante at may
produkto kaming kaylangan
ipaubos...
Ang kikitain namin roon ay
idodonate namin sa aming
napiling foundation..
Taunan na namin iyon ginagawa,
Ang foundation na aming napili ay ang "the Children happy house".
Mga batang pinabayaan at naabuso.. Twing bakasyon kami pumupunta
roon at gumagawa ng mga
masasayang activity para
matulungan sila kahit sa mga maliit
na bagay lang...
Ang totoo nyan kasi walang gustong
bumili Ng mga paninda natin roon,
Napaos na nga ang boses ko sa
kakatawag sa mga estudyante para
lang bilhin nila Ang gawa nating
chocolate cookies,
Pero Wala talaga..!
Malungkot na pahayag ni Crystal..
Oo nga..,!
Samantala Ang iba nakakapaubos
na Ng kanilang paninda..!
Tapos ikaw ngayon ka pa lang
dumating..!!
Malungkot rin turan ni Anna saakin..
Ehhhh paano ba naman kasi ang
daming alam na pa gimik nung iba.!
Samantalang tayo ay wala naman..!
Sabi rin ni Crystal na halos
mangislap Ang mga mata sa nagbabadyang luhang maaring
kumawala roon..
Ano ba naman kayo,,,!!!
kahit kaylan kulang kayo Lagi sa
fighting spirit...!
Sabi ko sakanila,lumakad kami
papunta sa kinaroroonan Ng aming
booth habang hawak ko sa kamay
si Crystal habang nakasunod saamin
si Anna..
Saan tayo pupunta..?
Tanong ni Anna saakin..
Edi sa booth natin..!
Pakikitaan ko kayo kung pano
magpaubos Ng mga paninda at
tumawag Ng mga mamimili..
Sagot kong may ngiti sa labi..
May naisip kasi akong gimik
kung paano makatawag pansin
ng mga mamimili..
Hi miss bili ka na Ng aming
masarap na chocolate cookies,
may libreng kiss ka saakin..!
Tawag ko sa estudyanteng nasa
2nd year high school..
Talaga, alam mo bang lahat kaming
magkakaybigan ay taga
hanga mo..?
Sabi Ng babaeng mas bata pa saakin,
lumapit Ito sa harap Ng aming booth..
Ate magkano ba Ang Isang box..?
Tanong nito Kay Crystal sa
itinuturo nitong chocolate
cookies..
One hundred fifty pesos lang
Isang box..!
Masiglang sagot ni Crystal...
Ganon ba,?
Pabili akong dalawang box,
pasalubong ko ang Isa Kay nanay,
Masayang sagot rin Ng babae..
Heto Ang dalawang box ng
chocolate cookies mo..
Abot ni Crystal nang kunin nito
ang bayad..
SalAmat sa pagbili..
Pasasalamat ni Crystal..
SalAmat din,,
Siguradong masarap toh..!
gawa kaya Ito ni kuya pogi..!
hihihihi..
Hagikgik Ng babae habang nakatingin
saakin habang namumula sa pisngi..
Uyyyy Xandro ibigay mo na ang
pinangako mong libreng kiss..!!
Ayan ohhh,..!
wag mo Syang paghintayin..!
Turan ni Anna saakin,
Oo nga pala may palibre pala akong
kiss sa mga bumibili anang isip ko..
Ayyyyyy dios ko ...!
kinikilig ako..!!!
Sabi Ng babae Ng halikan ko Sya
sa pisngi...
Nagtatalon Ito sa tuwa...
Wag kang masyadong kiligin,
Baka maihi ka..!
Sabi ko sa babae habang
nginingitian Ito,
Eksperto talaga ako pagdating
sa mga ganitong bagay,
Okey lang Basta Ikaw Ang dahilan
kuya pogi..!!
Sagot naman nito...
Bago Ito umalis nagpa picture pa ito
kasama ko at autograph narin,
Remembrance raw nito saakin
dahil nga Ito na Ang huling taon
ko sa highschool...
Uyyyy pumila nga kayo...!!
Wag kayong singit Ng singit...!!
Galit na sita ng mga nakapila sa mga
gustong Mauna pa sa pila...
Oo tama Ang iniisip ninyo,
Pagkatapos ng naunang bumili
kanina dinagsa na kami Ng mga
gustong bumili upang makakuha
ng libreng halik mula saakin..
Girls...! girls...!!
Wag kayong mag unahan,
Marami pa tayong mga chocolate
cookies rito...!!
Sabi ko sa mga nagkaka initan
Ng mga mamimili Ng aming
mga paninda..
Hayyyy...! Ang hirap talagang maging
gwapo,
Bulong kong biro Kay Crystal..
Ang yabang yabang mo talaga..!
Supladang sagot nito saakin sabay
siko nito,
May kung ano sa kanyang mga
mata Ang aking nakikita habang
nakatitig ako sakanya...
Nakangiti man Ang kanyang mga labi, Ngunit Hindi iyon nakakabot sa
kanyang mga mata...
May problema ba..?
Tanong kong bulong rito habang
binabalot nito Ang mga chocolate
cookies para sa mga bumibiling
estudyante...
Wala Noh...!
Tipid parin nitong sagot saakin..
Wala daw..!
Eeeh bat Ang sungit sungit mo..!?
Di mo pa ako kinakausap..!?
Pangungulit kong Tanong sakanya..
Wala nga Ang kulit...!
Sagot nito sa kabila Ng masamang
tingin Ang ipinupukol saakin,
Para bang may nagawa akong
hindi nya nagustuhan...
Sa loob lang Ng ilang oras nakapag-
paubos rin kami Ng kulang kulang
Isang daan na box Ng chocolate
cookies at dahil iyon sa mga
pumilang mga estudyanteng
kababaihan Ang nais na maka
kuha Ng aking matamis na halik
sa pisngi...
May ilan rin Ang nagpa picture
kasama ako at humingi Ng aking pamatay na mala doctor's
signature..
Instant celebrity tuloy ako sa araw
na ito..
May mga humahabol pa nga pero
naubusan na..
Ganito talaga ako ka gwapo,
pinipilahan Ng lahat..
Eh magkaroon ka ba naman Ng
perpektong tangos Ng ilong,
mahahabang pilik mata at eyeballs
na blue,mga kilay na may kakapalan
na bumagay sa mga papupungay
kong mga mata na animoy
nang aakit,
Syempre mayroon din akong
maputing balat at magandang
hubog Ng katawan,
Syempre malaki rin Ang aking
ANO..!
Alam mo na syempre kung anong
tinutukoy ko,
Lahat halos ng aking mga
physical na panlabas ay nakuha
ko sa walang hiya kong tatay na
may lahing Americano na nang iwan
saamin ni nanay..
Uuuuyyyy naka pag paubos na tayo,
bat ganyan ka parin..?
Tanong ko Kay Crystal habang
naka upo kami sa harap Ng
stage Ng aming paaralan..
Anong gusto mong gawin ko .!?
Magtatalon rito..!?
Pilosopong sagot nitong pagalit saakin...
Ayyy Ang labo labo mo naman..!
kanina gusto mong makapaubos,
Ngayon ubos na para ka pang
galit at malungkot..!
Naiiritang sagot ko sakanya..
Meron ka bang dalaw ngayon..!?
Pag kakalam ko sa katapusan
pa ahh..!
Biro kong bulong rito..
Wala parin,
Dinedeadma parin ako nito..
Ni hindi man lang Ito tumitungin
saakin nakatutuk Ang paningin nito
sa mga estudyanteng nag peperform
sa taas Ng entablado..
Bahagi Ito Ng activity Ng paaralan,
Ang bawat level ay dapat may
representative na mag peperform..
Crystal aaminin mo nga saakin,
Wag mong sabihin saakin na
nagseselos ka...?
Sabi ko sakanya habang hawak
Ang kanyang mukha upang tumingin
Ito saakin..
Hi guys eto Ang drinks ninyo..!
Pagpapansin ni Anna Ng dumating
Ito dala Ang biniling inumin..
Ang mga mata nito ay makahulu
gang tumitig saaming dalawa ni
Crystal..
Kayo aaahhhh...!!!
May Hindi ba kayo sinasabi saakin..!?
pag uusisa nito..
Bro...!
Tayo na Ang magpeperform..!
Tawag saakin Ng aking ka grupo
sa Banda na drummer..
Hindi ko na hinintay pa Ang sagot ni
Crystal saaking Tanong,
Pumanhik na ako sa taas Ng entablado
upang mag handa saaming gagawin...
Kami kasi Ng mga ka Banda ko ang
magpeperform sa aming level..
Syempre kami Ang mas matanda sa
mga magpeperform kaya dapat
naming galingan Ng di naman kami
mapahiya..
Ako lang naman ang leader of the band,
Ako rin Ang vocalist Ng aming Banda,
Syempre dapat di ka lang gwapo
talentado Karin..
Ang pagkakaroon Ng magandang
boses ay Isa sa mga nakakapag
papa-inlove sa mga chicks..
kaya nga dipa ako ganap na
artista may fan club nang nabuo
para saakin..
astig diba..?