“Kuya, hindi ka pa ba tapos magtapon ng mga basura? Baka ma-late na naman tayo sa pag-uwi,” sabi ko sa kuya Cholo ko matapos ko ng iligpit ang walis tambo at basahan na ginamit ko. “Tapos na ako, Camilla. Maghugas lang ako ng mga kamay.” Sagot ni Kuya. Kambal kami pero nakasanayan ko na talagang kuya ang tawag ko sa kanya dahil ayon sa doktor na nagpaanak kay Mama ay si Kuya ang panganay sa aming dalawa. Ako na ang bumitbit ng bag ni Kuya at nauna na akong lumabas ng classroom. Kami ang cleaners ngayong araw kaya naiwan kami ni Kuya Cholo samantalang ang mga kasama namin ay nauna ng umalis. “Kuya, kailan kaya natin mararanasan yan, ano?” sabay tingin ko sa mga kamag-aral namin na may sundo. Sinusudo rin naman kami ni nanay at ng Lolo namin noong nabubuhay pa siya pero kahit kailan ay

