Kapag araw ng sabado at linggo ay hindi ako nagtitinda para mag-asikaso naman sa bahay. Para makapaglaba ng mga maruruming damit at makapaglinis na rin ng bahay. Pero tumatanggap ako ng mga order basta malapit lang naman. Hindi pa kabisado ng mga anak ko ang buong lugar kaya hindi ko pa sila mautusan para maghatid ng mga order sa amin. “Mabuti na lang naisipan mo ng bumalik sa barangay natin, Cherry? Sayang kaya ang bahay niyo at walang nakatira,” ani Aling Toya ng maihatid ko na ang order niyang isang bilao ng lumpiyang sariwa na panreregalo niya raw sa isa niyang kaibigan. “Oo nga po. Sobrang na miss ko nga po itong lugar natin.” Sagot ko na lang at balak na sana talagang umalis. Hindi naman sa ayokong makipagkwentuhan ngunit iniiwasan ko sana na makarinig pa ng mga tanong mula sa

