“Sus! Parang hindi makapinawala, ha?” Nagulat pa ako sa biglang pagsulpot ni Jelly sa tindahan ko at naabutan na naman akong nakatitig sa singsing ko na galing kay Lee. Simula kasi ng araw na isuot ng tatay ng kambal ko ang singsing na ito sa daliri ko ay madalas ko na itong pagmasdan at titigan lalo na kapag wala akong ginagawa. Nakaligpit na rin kasi ako at hinihintay na lang iyong collector ng basura na maghahakot sa basura ko sa tindahan. Hindi ko kasi maiwan dahil sa mga hayop tulad ng mga aso at pusa na pagala-gala lang dito sa palengke. Nang minsan ko kasing iwan ay kinalat ang lahat ng basura kaya ang ginagawa ko na lang ay hinihintay ang garbage collector bago ako umalis. “Hindi naman kaya sa kakatitig mo sa singsing na yan ay magasgasan at mabawasan ang isang bato na nagpapak

