“Saan ba tayo pupunta at pinagbihis mo pa talaga ako ng ganito, Jel?” tanong ko sa matalik kung kaibigan na niyaya akong samahan ko raw siya sa isang party na iQmbitado siya pero nahihiya raw siyang mag-isa lang na magpunta kaya niyaya ako. Bibilhan niya pa ako ng isang magandang dress, sapatos at bag. “Ang ganda mo naman, Che. Sabi ko na ba at bagay na bagay sayo yang damit mo. Sinong mag-aakala na may kambal ka na? Pak na pak! Pwedeng-pwede ka ng lumaban ng Binibining Pilipinas!” palatak ni Jelly. Hindi naman talaga kasi nagbago ang hugis ng katawan ko kahit nanganak na ako. “Naku! Alam mong wala akong kahilig-hilig sa mga ganyan kahit noon pa man.” Ang sagot ko. “Paano ka naman mahihilig ay ang hilig mo lang noon ay si Kuya Lee. Wala kang bukang bibig kung hindi Lee, Lee, Lee at L

