Inilibing na si Nanay. Nakakapanibago na. Dati na rin namang tahimik ang bahay namin ngunit iba ang katahimkan na namamayani sa bawat sulok. Nakaupo ako sa sala at yakap ng mahigpit ang picture frame ni nanay kung saan buhay na buhay pa ang kanyang pagkakangiti. Kung iisipin ay talaga namang parang narito lang siya. Tumingin ako sa kusina kung saan ko siya laging nakikita. Ini-imagine ko na nakaharao siya sa kalan at abalang-abala sa pagluluto at hindi napapansin ang presensiya ko. “Nay,” bulong ko habang mabilis na bumabalisbis ang mga luha ko. “Parang narito ka pa rin, Nay. Nariyan ka lang nagluluto ng tinitinda mo o kaya naman ay ng pagkain natin,” sabi ko pa. Lahat ng mga alaala ni nanay ay nasa isip ko na lang. Aalalahanin ko na lang habang nabubuhay rin ako. Mananatili na

