Sa bahay ang naging burol ni nanay. Nagsabi naman ako sa mga kamag-anak niya sa malayong probinsya kung anong nanyari per nga dahil sa mahirap din ang kabilang buhay at sa mahal ng pamasahe ay hindi rin sila makakarating. Kaya naman napagpasiyahan ko na tatlong araw lang ang maging burol dahil ayoko ng tumagal pa. Hindi ko pa rin matanggap dahil talagang hindi katanggap-tanggap ang sinapit ng nanay ko. Habang nakabantay ako sa gilid ng kabaong ni nanay ay paulit-ulit kong binubulong na isinusumpa ako ang buong pamilya ni Lee. Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa akin lalo na kay Nanay. Pero kailangan kong mas maging matatag dahil nga wala na akong aasahan kung hindi ang sarili ko. “Huwag ka pong mag-alala, Nay. Magiging malakas at matapang ako para sa apo niyo. Alam k

