Episde 9

2126 Words
“Aling Lou, ano po ba ang nangyari sa nanay ko?” tanong ko na kay Aling Lou ng mahimasmasan na ako. Hindi ko alam kung ilang oras ba akong umiiyak sa ibabaw ng malamig na bangkay ng nanay ko. Ang daming pumapasok sa isip ko. Naroon iyon magpakamatay na lang din ako para magkakasama na kami sa kabilang buhay ng ni nanay at ng anak kong pinagbubuntis. Pero alam kong hindi ako mapapatawad ni Nanay sa oras na ginawa ko ang ganung kasalanan. Masakit tanggpain pero anong magagawa ko? Hindi ko na mabubuhay si nanay kahit umiyak pa ako ng balde-balde o bumaha pa sa lugar na ito dahil sa mga luha ko. Narito pa rin si nanay sa ospital at nakasulok na lang kaming dalawa. Nakiusap muna ako na bigyan pa ako ng konting oras para makasama siya bago siya dalhin sa kung saang funeral service para asikasuhin na ang kanyang bangkay para sa lamay. Kung pwede nga lang itago ko lang ang nanay ko sa loob ng bahay namin. Kung pwede lang ayoko siyang ilibing dahil wala na akong makakasama sa bahay. Sana nga pwede kong gawin ang iniisip ko pero hindi. Kailangan siyang ilibing katulad ng ibang mga namatay na. Iniisip ko ang buhay ko sa mga susunod na araw. Iniisip ko kung makakaya ko ba na mag-isa. Iniisip ko kung kaya ko ba na mabuhay na wala na si nanay na nasa tabi ko lang sa dalawampung taon na nabubuhay akool sa mundong ibabaw. Nasanay ako na siya ang unang masisilayan ko sa umaga at ang huling taong makikita ko sa gabi bago matulog. Kaya paano ko matatanggap na wala na siya? Ang bilis. Sobrang bilis na hindi ko man lang napansin na nitong mga nakaraang araw ay nagpapaalam na pala siya sa akin. Madalas niyang sabihin na alagaan ko ang sarili ko at ang apo niya. Mag-iingat ako lagi. Iyon na pala yon. Ang ibig sabihin niya pala sa mga pahiwatig niya ay aalis na pala siya at iiwan na nga ako ng mag-isa. Literal na mag-isa. Hindi niya naman ako pinalaki na sunod sa layaw. Tinuruan naman ako ni nanay ng mga gawaing bahay pero hindi niya ako tinuruan kung paano mabuhay na hindi siya kasama. Hawak ko pa rin ang malamig niyang kanang kamay at umaasa na muli siyang gagalaw. Imumulat niya ang kanyang mga nakapikit na mata at saka niya na siya magyaya para kami ay umuwi na dahil wala naman talaga siyang sakit Ang lakas ng nanay ko para mauwi siya sa napakaagang kamatayan. Pero sadyang ito ang hiwaga ng buhay. Walang nakakaalam kung hanggang saan ka na lang mabubuhay kahit malusog pa ang iyong pangangatawan. “Bigla na lang bumagsak ang nanay ko habang nagtitinda sa pwesto niya. Agad naman siyang dinala sa ospital na ito pero dead on arrival na raw siya sabi ng doctor, Cherry.” Tugon ni Aling Lou. Bumagsak na naman pala sa ikalawang pagkakataon ang nanay ko. “Pero bago siya bumagsak ay may nangyari.” Napalingon ako kay Aling Lou ng marinig ko ang kanyang sinabi. Anong nangyari? “Aling Lou, ano po iyon? Ano pong nangyari bago ang pagbagsak ng nanay ko?” tanong ko sa nagmamalasakit na matandang babae. “Kasi Cherry, dumaan sa pwesto ng nanay mo ang nanay ni Lee at ang nanay ng best friend mong si Jelly. Sinabihan nila ang nanay mo na tigilan ang pagkakalat na si Lee ang tatay ng anak mo. Nakipagsagutan ang nanay mo at sobrang ingay nila sa palengke kahit napakaaga pa. Ilang oras nga ang lumipas ay bigla na lang bumagsak ang nanay mo habang nagtatakal pa ng kanyang mga paninda dahil maraming customer.” Umakyat yata ang lahat ng dugo ko sa ulo ko sa narinig. Nanginig ang panga ko maging ang mga kamay ko sa sobrang galit. Pakiramdam ko biglang umapoy ang paningin ko at gusto kong magmura ng magmura. Kung narito lang sa harap ko ang nanay ni Lee at ang nanay ni Jelly ay baka nasaksak ko na sila ng kung anong mga bagay na mahawakan ko sa mga oras na ito. Wala akong pakialam kahit maging kriminal pa ako. Ang mahalaga ay naganti ko ang nanay ko. Mula sa ilang oras na nakaupo sa bangko sa gilid ng bangkay ni nanay ay tumayo na ako at ng nanggigil. Pigil na pigil ko ang sarili ko na magwala dahil sa nalaman kung bakit bigla na lang namatay ang nanay ko na ang saya at sigla pa bago ako iwan kanina sa bahay. Sila pala ang dahilan kung bakit naulila kami ng hindi ko pa na isisilang na anak ko. Sila pala ang dahilan kung bakit isang malamig na bangkay na ang nanay ko ngayon. “Aling Lou, pwede po bang bantayan niyo na muna po si nanay? May pupuntahan lang po ako saglit.” Paalam ko muna. “Cherry, kung balak mong magpunta sa mga taong iyon ay baka may mangyaring namang masama sayo at sa dinadala mo. Kaya nga ayokong sabihin sana sayo kaso lang ay karapatan mong malaman pero kasi nag-aalala ako na baka mapano ka. Hindi matutuwa ang nanay mo kapag nagpadala ka sa bugso ng galit mo. Baka multuhin pa ako at sinabi ko sayo.” Nag-aalalang pagpigil sa akin ni Aling Lou. “Aling Lou, kaya ko po. Kailangan ko silang puntahan dahil hindi ko mapapalampas ang ginawa nila sa nanay ko. Idedemanda ko rin sila kung kinakailangan. Hindi po ako papayag na basta na lang ganito. Masyado na nila akong inapi na para ba akong masamang tao.” Madiin kong sambit at talagang lapat na lapat ang mga labi ko at nagtatagis ang mga ngipin ko. Ang kakapal ng mga mukha nila para sugurin pa ang nanay ko at pagtulungan pa. Sakay ng isang tricycle ay nagpahatid ako sa compound ng pamilya ni Lee habang nanginginig ako sa galit. Galit na galit ako at pakiramdam ko nga ay anumang oras ay mawawalan na ako ng malay. Pero kailangan ko silang harapin para malaman nila na sukdulan ang galit ko sa kanilang lahat. Pagtapat na pagtapat ko sa gate ng compound nila ay malakas ko itong pinaghahampas para lumikha ng napakalakas na ingay at mabulabog silang mga nasa loob. “Mga walang hiya kayo! Lumabas kayo mga mamamatay tao!” sigaw ko at mas kinalampag pa ang gate na bakal para hindi lang ang mga nasa loob ang maingayan kung hindi maging ang kanilang mga kapitbahay. Dahil walang lumalabas ay kumuha ako ng bato at siyang pinukpok ko sa gate para lalo silang maingayan. Tulad ng inaasahan ay nabulabog na sa ingay ang mga kapitbahay pero ang mga tao sa loob ng binubulabog ko ay walang mga kagalaw-galaw. Walang nagbubukas ng gate para harapin ako. “Harapin niyo ako mga mamamatay tao! Dahil sa inyo namatayan ako ng nanay! Kaya lumabas kayo sa lungga niyo at ako ngayon ang harapin niyo! Mga walang hiya kayo! Ang kakapal ng mga mukha niyong pagsabihan ang nanay ko na tigilan ang pagkakalat na si Lee ang tatay ng anak ko gayong iyon naman talaga ang totoo! Mga wala na nga kayong bayag para panagutan ako ng anak at pamangkin niyo ay kayo pa talaga itong matatapang at makakapal ang mga apog para sugurin ang nanay ko!” “Anong nangyari ngayon? Namatay ang nanay ko sa sobrang galit na nararamdaman sa inyong mga walang hiya kayo! Kayo ang dahilan bakit namatay siya! Kayo ang dahilan kung bakit isa na siyang malamig na bangkay ngayon at hindi na kailanman gigising pa!” sigaw ko pero wala talagang kahit na sino ang lumalabas sa compound nila. “Mga wala kayong awa! Matapos niyo akong pagtabuyan at sabihan ng kung anu-anong masasakit na salita ay hindi pa talaga kayo nasiyahan at pinatay niyo pa ang nag-iisang taong kakampi ko! Ang nag-iisang tao na karamay ko sa kalagayan ko ngayon dahil ayaw niyong panagutan ang pinagbubuntis ko! Kayo ang makakapal ang mukha! Kayo ang huwag magkalat ng gawa-gawa niyong kwento tungko sa pagkatao ko! Kayo ang dapat namatay at hindi ang nanay ko!” wala akong pakialam kahit magtinginan at huminto na lahat ng mga napapadaan. Mas maganda nga para marinig nila ang lahat ng mga sasabihin ko laban sa pamilya sa loob ng compound na ito. “Matapos niyong yurakan ang pagkatao ko at ipahiya ako at ang tatapang niyo pa. Nanahimik na kami ng nanay ko at kung lumalabas man ang katotohanan ay dahil iyon ang totoo! Si Lee ang tatay ng dinadala ko at hindi iyon mababago kahit baliktarin niyo pa ang katotohanan. Pero pinipilit pa ba namin? Narinig niyo ba mismo sa amin ng nanay ko na ipinagkakalat namin ang tungkol doon?” mga tanong ko. “Simula ng araw ng malaman niyong buntis ako ay nagpunta pa ba ako rito sa inyo at ipagpilitan na si Lee ang tatay ng dinadala ko? Hindi naman, hindi ba? Dahil kaya naming buhayin ng nanay ko ang dinadala ko at hindi namin kailangan ng kung anong kayamanan na sinasabi niyong habol ko sa inyo!” Naririnig ko na ang bulungan ng mga tao sa paligid na nanonood na sa ginagawa kong pag-eeskandalo sa compound nila Lee. Ngunit maya-maya ay bumukas ang gate. Si Jelly ang lumabas at seryoso ang kanyang mukha. Isinara niya agad ang gate pero mabilis kong itinulak para bumukas parehas. “Ano ba, Cherry! Bakit ka ba nag-eeskandalo sa harap ng compound namin?!” asik ni Jelly at pilit na isinasara ang gate nila. “Anong ekandalo? Eeskandaluhin ko talaga kayo lalo na ang nanay at tiyahin mong mga mamamatay tao!” galit na galit kong sigaw sa loob ng comppund nila na walang katao-tao. “Magdahan-dahan ka ng pananalita mo, Cherry. Baka kasuhan ka namin sa ginagawa mong ito,” banta pa ng dati kong matalik na kaibigan kaya natawa ako. “Ang kapal talaga ng mukha niyo, ano? Ikaw pa talaga itong nagbabanta na magkakaso na mga kamag-anak mo ang mga mamamatay tao! Namatay ang nanay ko dahil sa sobrang galit sa pagsugod ng nanay at tiyahin mo tapos ngayon ikaw pa ang matapang na binabantaan ako? Nasaan ang nanay at tiyahin mo at sila ang paharapin mo sa akin. Sila ang humarap dito at sayang naman ang mga taong nanonood ngayon at inaabangan ang paglabas nila at ipagtanggol ang mga sarili nila sa pagiging mamamatay tao nilang dalawa!” Ngunit malakas akong itinulak ni Jelly kaya muntik na naman akong natumba. Mabuti na lang at nasapo ako ng mga tao sa likod ko. “Ay! Totoo nga! Mga mamamatay tao pala talaga ang pamilyang to. Hoy! Jelly! Buntis ang itinulak ko at pamangkin mo ang kanyang dinadala! Ako ang nangingilabot sa posibleng karma na abutin niyong buong pamilya sa ginawa niyo na ito kay Cherry!” sabi ng isa nilang babaeng kapitbahay na sumalo sa akin. “Hindi na naawa sa buntis. Makatulak wagas! Naku, Jelly! Ngayon pa lang ay maghanda ka na sa karma mo.” Dagdag pa ng isang babaeng nanonood. “Mga naka agarabyado na nga ay sila pa itong matatapang. Mga feeling mayaman na wala na rin naman. Nasaan ba ang nanay ng Lee na yan? Hindi ba at naanakan ang din siya ng koryano? Huwag kamo siyang feeling malinis at disgrasyada rin naman!” komento pa ng isang babae. “Magsilayas kayo sa harap bahay namin! Ang babaeng yan ang kinakarma sa mga kasinungalingan niya!” asik ni Jelly. “Talaga ba, Jelly? Higit kanino ay ikaw ang nakakakilala sa akin kaya anong dahilan at bigla ka na lang nagkaganyan? Huwag mong ipagtanggol ang kamalian niyo bagkus ay ngayon pa lang ay mag-umpisa ka ng magdasal para patawarin ka at ang buong pamilya mo dahil isinusumpa ko kayo. Ikaw, ang nanay mo, ang tiyahin mo nanay ni Lee. Isinumpa ko na dadanasin niyong lahat ng mga pasakit at paghihirap ng kalooban na dinanas namin ng nanay ko. Maghihirap kayo at gagapang para hingin ang kapatawaran ko at ng nanay ko. Lahat ng ginawa niyong pang-iinsulto at pang-aapi sa aming mag-ina ay babalik sa inyo ng mas doble at triple kaya kung ako sayo ay magdasal ka na, Jelly. Simulan mo ng magnobena. Lumakad ka na ng nakaluhod habang patungo sa altar at huwag kang titigil hanggat may mga tuhod ka pa. Isinusumpa ko kayo sa ibabaw ng bangkay ng nanay ko.” Madiin kong mga pananalita. Ang galit at poot na nararamdaman ko ay walang makakapawi. Kasalanan mong lahat ng mga nangyayari na ito, Lee! Kung narito ka at hinarap mo ako para linawin ang sa kung anong sa atin ay hindi mamamatay ang nanay ko. Isinusumpa kita. Isinusumpa kita na kahit kailan ay hinding-hindi ka magiging masaya! Isinisumpa ko na dadanasin din nila ang mga dinanas namin ng kaawa-awa kong nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD