“Papa, magpagaling ka po. Lagi po kaming magdadasal para po maging matagumpay ang operasyon na gagawin po sayo,” sabag yakap ng mahihpit ng umiiyak na si Camilla sa kanyang ama na ilang oras na lang ay aalis na patungong ibang bansa. May kailangang operahan sa mga buto ni Lee para magkaroon siya ng pag-asang makalakad. At sana nga ay magtagumpay ang operasyon at maging madali ang kanyang pagrecover para makauwi siya agad para sa mga anak. “Pa, ingat, ha. Pagaling po kayo,” si Cholo naman ang nagbilin sa Papa niya. “Oo mga anak. Magpapagaling ako para sa susunod na pagkikita natin ay hindi niyo na ako kailangan na alalayan o kaya naman ay itulak itong wheel chair ko,” ang sagot ni Lee sa mga anak. Sa totoo lang ay ang laki nga agad ng pinagbago ni Lee simula ng mapalapit na sa kambal.

