“Ma, saan po ba tayo pupunta?” tanong ni Cholo ng sabihin kong magbihis sila ni Camilla. Nang makapag-usap kami ni Lee ay alam ko naman na hindi siya nagsisinungaling o gumawa ng kwento para lang maawa ako at pumayag akong makilala siya ng mga bata bilang tatay. Kitang-kita ko naman na sising-sisi talaga siya sa nangyari na hindi niya inalam ang totoo at naniwala lang sa sinabi ng ibang tao. Kahit malapit lang naman ay mapanganib pa rin para sa kanya ang magpunta sa dito sa bahay ng siya lang mag-isa at walang kasama kahit sino. Maaari siyang matumba o kaya mahulog sa wheel chair o kaya naman ay masagasaan sa pagtawid ng kalsada. Nakita ko nga rin ang dalawang palad niya na sobrang itim dahil nga mano-mano niya lamang pinaaandar ang dalawang gulong ng wheel chair para makapunta dito s

